Chapter VI
-Max's POV-
"Some party, huh?" Binulong sakin ni Grex habang nakatalikod ako sa kanya.
Medyo may tampo pa ako dito sa ulol na to after what happened.
"Hindi ka pa ligtas and hindi pa tayo bati, so 'wag kang mag feeling dyan na close tayo."
Niyakap niya ako mula sa likod. "Babe, sorry na. Gusto mo bang halikan kita para mawala yang tampo mo? Hm?" Namumula niyang itinanong habang nagtititigan kami.
"Tigilan mo ko bago kita masampal dyan." Sinamahan ko ng pagtaas ng kilay ko.
Narinig ko sila Ash at ng mga barkada niya mula sa malayo. Grabe, ang iingay talaga nila. Ngunit napansin kong malungkot si Ash habang malakas ang tawa ng iba -- yung kahit na nakangiti siya dama mo yung lungkot niya. I always fake my smile, so I would know, right?
Tumingin naman sa direksyon ko si Ash at nakita ako. Nginitian lang ako, ngiting peke.
Alam mo ba yung feeling na pag may nakakakuha ng attention mo ay tila wala ka ng paki sa paligid mo? Yung bang fading white noise na lang yung nasa background dahil mas tutok na tutok yung pagtingin mo sa kanya kaysa sa iba? Ganun yung naramdaman ko.
Oh no, don't tell me...
"Ayieee! In love ka, Max!" Biglang sigaw ni Grex at naalis ang attention ko kay Ash.
What?! "Excuse me?" Tinaasan ko ulit siya ng kilay.
"In love ka. I see the way you look at her. Hindi crush, hindi admire, kundi in love." Satsat niya. "Now tell me, kilala ka ba niya? Or is it one of those 'hindi nga niya alam na I exist' type of thing?"
Hinihiling ko na sana magkatotoo yung 'The Purge' even just for an hour. Nakita ko na kasi yung unang biktima ko.
"No! She's just an acquaintance. Siya yung reason bakit tinawagan kita sa party. She passed out on me and I wanted to make sure she was okay." Dinahilan ko.
"Yeah yeah yeah. Whatever you say. Stop making excuses at puntahan mo na." Aangal sana ako ng bigla niya akong tinulak.
Ngunit ng pagkatulak niya ay may nakabangga akong lalaki na naglakad mula sa kanto. Nakita ko na si Carl pala ito.
"Hey, babe!" Bati niya sakin na medyo pasigaw. "Hi, Grex the t-rex!" Inilipat niya ang atensyon niya kay Grex.
"Hi baklang shokoy!" Bati nito na may kasamang ngiti.
"Hello, Carl. Maiwan ko muna kayo ni Grex sandali ha?" Tumango naman siya.
"Go get her, Max! Paglaban mo ang puso mo!" Iniyak niyang isinigaw.
I simply shook my head at triny habulin si Ash na pumasok sa girl's gym. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko ang girl's volleyball team ng school namin. Nasulyapan kong pumasok si Ash sa girl's changing room. She plays volleyball? Hot. I mean wow.
"Naliligaw ka ba, Ms. Fraser?" Nakangiting tinanong ng isang volleyball player. More like nanliligaw. Joke lols.
"No, I'm actually looking for Ash. Call me Max, by the way." Inabot ko ang kamay ko para magpakilala. "Also, you don't mind if I sit here and watch, right?"
"Not at all. I'm Alessa nga pala, team captain ng girl's volleyball." We shook hands and exchanged smiles. "Nice to finally personally meet you. Mas maganda ka pala ng close up." Sabay siyang kumindat.
"So kapag malayo ba, pangit ako?" Inosente kong tinanong.
Natawa siya ng malakas sa seryoso kong tanong. "Hindi naman sa ganun. People always say na maganda ka, but mas maganda ka kapag nakaone on one. I believe them now. Anyways, Ash will be out in a second and malapit na din magstart ang practice namin, so you can sit over there." Tinuro niya ang gym bleachers.
YOU ARE READING
Her Temporary Bliss
HumorMaxene Fraser is a 17 year-old girl who has been hurt physically, mentally, and emotionally. Although she's been hurt multiple times by numerous people, she remains humble to close and loved ones. She likes showing her affection and soft side to peo...