Chapter III
-Mystery [or surprise] POV-
Sabay sabay kaming naglakad ng mga tropa ko sa school ngayong umaga. Buti na lang talaga may marunong na magmaneho samin. Ayoko na kasi magcommute, ang gastos pa.
Alas otso pa lang ng umaga ay nagpuntahan na ang mga katropa ko sa bahay namin para tipid sa gasolina. Nakakahiya naman kasi sa mamang tsuper namin. Speaking of.. eto na siya.
Bumusina siya bigla bigla at nagising kaming lahat at nagulat sa lakas. Oo, haggard kaming lahat dahil sa intensed na laboy namin kagabi.
"Kiel, shunga! Natutulog pa mga kapitbahay ko baka mamaya ako pa sisihin!" Sinigaw ko sa kanya ng ibinaba niya ang salamin ng sasakyan niya. Habang ang mga katropa ko ay isa isang mabagal na sumakay sa 2015 Honda Pilot.
"Sorry naman. Baka kasi matraffic tayo, kamahalan." Sabay ngiti nito at tingin sa rear view mirror. "Mag seat belt na kayo, guys. Buksan niyo na lang yung AC kapag naiinitan kayo."
Tumango lang yung iba at nagsimula ng nagmaneho si Kiel. Nasa harapan ako, katabi ni Kiel. Tahimik lang ang biyahe dahil sa sobrang antok naming lahat. At chaka kailangan din hindi dapat kinakausap ang driver kapag nagmamaneho di ba? Distraction daw.
--
Umupo kaming lahat sa isang table bench na malapit sa puno katabi ng parking lot sa labas ng school. Napansin kong inaantok pa talaga ang mga katropa ko at nag isip ako kung anong pwede kong gawin para gisingin ang mga shunga.
Maya't maya'y nakita ko si future husband ko na pumasok sa school. Si Carleone Jeremiah Reyes. Siya lang naman ang varsity player ng tennis team ng Kingsley HS; isang gwapo, matatag, nakakatawa, makulit, at matangkad na estudyante sa aming paaralan. Halos lahat na yata ng school girls population namin ang may gusto sa kanya. Syempre, dedma lang kami lagi kapag tinatry namin siyang lapitan o kausapin, so why try di ba? Kaway kaway sa mga dinededma lang ng mga crush nila dyan o!
Bigla kong sinabi na napadaan si Carl at akalain mo nga naman, biglang nabuhayan ang mga aswang na to! Well except sa mga lalaki.
"Nasaan si papi CJ ko?!" Naunang inisigaw ni Analynn.
"Teka kukuha lang ako ng papel at pen! Magpapafansign ako!" Biglang napatayo si Rheanne. Magpapafansign or magpapapansin?
"Asan na siya, Ash?!" Sabay tingin sakin ni Casey. Ngumiti na lang ako dahil hindi ko na naintindihan yung sinabi ng ibang katropa ko dahil sabay sabay na silang nagsalita at nagreklamo.
May isang kotse na nagpark sa school parking lot at napatingin na lamang ako dahil hindi pamilyar itong makintab na white 2016 Scion tC. Mahilig nga pala ako sa mga sasakyan at nadidistinguish ko agad kapag nakakakita ako ng kotse.
Nang bumaba siya mula sa kanyang sasakyan na may suot-suot na shades, nagtaka ako bigla. Magtatransfer na estudyante ba to today o talagang hindi lang ako tumitingin sa paligid ko at nandito siya nung first day of school pa?
Tumingin siya sa direksyon ng isang cheerleader na tila'y napapalibutan ng mga kalalakihan. Bigla naman din siyang tumingin sa akin at nablanko na lang ako bigla. Tumingin siya sa likod niya na parang shunga.
Kinurot ako ng mga katropa kong babae dahil pinapaasa ko daw sila kay Carl. Hinampas ko din itong mga to dahil gusto ko lang naman silang gisingin. Ba't ko sila paaasahin kung akin lang naman si Carl? Wala silang chance dun no!
> Ash, ikaw din di ba wala kang chance? Sabi ng utak ko.
> 'Wag kang makinig dyan, Ash. Kung hindi man si Carl ang para sayo, may darating din para sayo. Sabi ng puso kong lito. Actually, nandito na nga siya mismo eh. Dagdag pa nito.
YOU ARE READING
Her Temporary Bliss
HumorMaxene Fraser is a 17 year-old girl who has been hurt physically, mentally, and emotionally. Although she's been hurt multiple times by numerous people, she remains humble to close and loved ones. She likes showing her affection and soft side to peo...