Chapter VII
-Ash's POV-
Haist, napagtripan na naman ako ni Alessa kagabi! Eeesh.
Naalala ko pa rin yung mga pinagsasabi niya..
Binulong niya "May gusto yata sayo, te. Gusto mo maconfirm? Play along with me."
Pagkatapos ng practice ay niyakap niya ko sa waist... sabay kiss sa cheeks. Nakita kong napaiwas ng tingin si Max.
So totoo nga... No, hindi posible yun. May bf siya at si future husband ko ang bf niya. Pero kung hindi naman sila, straight siya hindi ba? Ugh kaasar! Kaaway ko siya, nothing else.
"Ask her first kung sila ba talaga ni Carl. I still don't think they're together. She likes YOU. Open your eyes and don't be blind." Binulong niya sakin at umalis sa pagyakap at sabay kindat.
Psychic ba 'tong bayot na to?!
Lumipas ang tatlong araw. Wala akong kinausap.
Nandito ngayon ako kumukuha ng pagkain sa school cafeteria. Mmhmm! Hamburger, fries, and strawberry milkshake! Five pounds? I'll take it!
Nagpatungo ako sa rooftop namin. Ako lang yata pumupunta dito since abandonado na at may mga rumors na may nagsuicide daw dito at yung estudyante/multo na yon ay dito nakakalat, sa rooftop.
Wala naman akong pake e, hindi naman ako takot sa mumu. Dito ako pumupunta para makapagrelax o kaya kapag ayaw kong makipagusap sa iba.
Umupo ako sa bench table at inilapag ako pagkain ko. Tumingin ako sa ulap na tila ay may nagpintura ng asul at puti. Sarap picturan, pero mas maganda kung ako lang makakakita nito.
Kinagatan ko yung hamburger ko at sumipsip ng milkshake. Bigla na lang bumalabag yung pinto sa likuran ko at napatili ako.
Oo na, takot ako sa mumu! Haunted ba talaga tong lugar na to?! Paiyak na talaga ko! Napapikit ako at hindi tumingin sa likod ko. Nanginginig.
"Sorry talaga kung sino ka man, narinig kong nagsuicide ka dito pero sana naman pwede tayong magshare ng place please!" Paiyak kong isinigaw. Nakapikit pa rin, nanginginig.
May hangin akong naramdaman. Napataas ang mga balahibo ko lalo na nung may naramdaman akong palapit sakin.
"Hey, Ash." Bulong nito.
Alam ng multo pangalan ko? Wow ha, feeling close agad!
Pero pamilyar yung boses niya at napalingon na lang ako.
Bat parang.. nawala lahat ng problema ko ng bigla kong nakita ang mga kumikislap na mata't nakangiting labi niya? Yung bang ayaw mong gumalaw o alisin yung tingin mo sa kanya?
Oh no.. don't tell me. No, this cannot be happening.
"A-ano ginagawa mo dito?! Sinusundan mo ba ko?" Sabay kong itinanong sa kanya na may kahalong taray.
"I can't help it, Ashy." Nakakatuksong tono niyang binulong. Shit. Tumaas balahibo ko. Maxene, stop. Hindi ko masabi to. Kahit gaano ito katigas pinupush ng dila ko. Push mo te.
"Max..." Ungol ko.
Napatingin ako sa kanyang darkish, grey eyes at soft, shiny pink lips. Kissable lips. One kiss shouldn't hurt.
NO. Anong iniisip mo, Ashton?!
Oo, irresistable at undeniable siya, pero kaaway mo yan sa ayaw't gusto mo. Siya ang umagaw sa future husband mo!
"Ashy? You okay?" Tinanong ni Max.
"Ha? Ah eh--"
"Ih oh uh?"
YOU ARE READING
Her Temporary Bliss
HumorMaxene Fraser is a 17 year-old girl who has been hurt physically, mentally, and emotionally. Although she's been hurt multiple times by numerous people, she remains humble to close and loved ones. She likes showing her affection and soft side to peo...