Chapter II
-Maxene's POV-
"Apo, gising ka na't mag ayos na. Nakapaghanda na ko ng makakain natin." Mahinhin na tapik sakin ni lola. Mabilis niyang binuksan ang blinds ng bintana ko't bigla ko namang tinakpan ang sikat ng araw na dumerecho mismo sa aking peys. Etong si lola naman oh, alam niyang ayaw na ayaw ko sa araw.
"Nay, sinabi ko naman sayo ako ng bahala magluto eh. Magpahinga ka muna kaya." Sabi ko sa kanya habang pinipilit kong buksan ang aking mga mu-mutain na mata.
"Ang tagal mong magising, apo. Nilalangaw ka na dito. Akala ko nga'y patay ka na eh. Akala ko din nauna ka na sa aking matigok. Nako! Wag naman sana't ang bata mo pa!" Seryosong sinabi ni lola.
Umupo muna ako at naghikab. "Grabe siya, masyadong excited? Nakakahiya naman po sayo, nay! Sige mauna na po akong matigok."
Sabay tumawa siya ng malakas ng marinig niya ito. Sana maintindihan niyo na eto ang biruan namin ng lola ko. Makulit at palabiro din kasi to, gusto nang matigok pero ayaw pa siya kunin. Eh sa edad na 76 masyado pang bata at maaga para kunin to, kaya di pa pwede. Kailangan niya muna ng pahintulot ko no!
"O siya't magbihis ka na ng makapunta ako sa kabilang bahay ng makapag bingo at party!" Masaya niyang pagkakasabi.
Tumaas ang isa kong kilay habang sinasara ko ang blinds ng bintana ko. "Nahiya naman ako sayo, nay, ni ako nga ayokong mag punta ng party. Ikaw na lang kaya tumanggap ng inbitasyon ni Grex?" Sabi ko habang nakangiti.
"Ha? May nag inbitasyon sayo sa party?! Himala ah! Pero aba'y pumunta ka, apo! Minsan lang yan at enjoy-in mo na! Pupunta punta ka dito sa Pinas tapos hindi ka man lang magpapakasaya?! Aba't nagpunta ka pa dito!" Sigaw niya habang kinuha ko ang school uniform ko.
"Eh nay naman kasi," hinila ko ang upuan at umupo habang nakatingin sa masasarap na inihanda niya "iba kasi definition ko ng enjoy. Umuwi ako para makadiskubre ng iba iba pang pananaw sa buhay hindi para maglandi." Sumubo ako pakonti konti.
"Sino bang may sabi sayo na lumandi ka? Kurotin ko yang singit mo eh. Makipagkaibigan ka lang. Chaka na yang mga pananaw-pananaw mo, tila na lang papasok sa kokote mo yan ng wala sa malay." Bigla siyang tumigil sa pagkuha ng pagkain at tumingin sakin "Mag iingat ka ha, apo? Alam kong hindi maganda ang mga pinagdaanan mo noon, pero malalagpasan mo din yan -- pagsubok lang ang lahat ng problema natin sa mundo na ito."
Tumango na lang ako at ngumiti dahil lumipad na ang utak ko sa sobrang sarap ng mga luto ni lola. Gawin ko na lang kaya siyang personal chef?
--
Pagkapark na pagkapark ko sa parking lot ng school at pagbaba ng kotse ay natanaw ko ang dyosa kong espren na si Grex, tumatawa habang pinalilibutan ng mga boylalu. Go espren! Iniling ko na lang ang aking ulo.
Pero may nasulyap din akong babae na nakatingin sa akin o sa direksyon ko. Nang tumingin ako sa likod ko upang siguraduhin kung sino ang tinititigan niya ay tila nakikipagkulitan at nakikipaghampasan na sa mga barkada niya noong pagbalik ng mga mata ko sa kanya. Napuwing ka lang siguro, Max. Get it together.
"Hi Maxene baby!" Sigaw ni Vanessa pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng school. Inalis ko ang shades ko at huminga ng malalim. Hay eto na naman tayo. Napakamot ako ng ulo. Pagpasensyahan mo na lang to, Max-bait. Kinawayan ko naman ito at nginitian. Nang palapit na siya sa direksyon ko, bigla akong dinambahan ni Carleone ng yakap. Ang isa sa mga gwapong lalaki sa campus na ika nga'y "every girl's dream". Kaya nga lang boylalu ang habol nitong si fafa pero kami lang ni Grex ang nakakaalam.
YOU ARE READING
Her Temporary Bliss
HumorMaxene Fraser is a 17 year-old girl who has been hurt physically, mentally, and emotionally. Although she's been hurt multiple times by numerous people, she remains humble to close and loved ones. She likes showing her affection and soft side to peo...