Babala

81 1 2
                                    


Nasa unahang bahagi lamang ako ng silid habang tahimik na nagmamasid, pinapanood ang labas masok na mga nakikiramay sa amin. May iba na nag-kukumustahan at may iba namang sinasariwa ang masasayang alaala kasama ang dating masayahing si Lucinda na ngayon ay isa nang malamig na bangkay.

Matapos ang mahigit isang oras na pamamalagi ko rito, napagdesisyonan ko na magpaalam na sa aking tiyahin na abala sa pag-aasikaso sa mga panauhin. Bahagya kong tinapik ang kanyang balikat upang makuha ang kanyang atensyon.


Saglit na itinigil ni tita sa mga kausap niya at ako ay kaniyang hinarap. "Oh, Mia, may kailangan ka ba?" She asked flashing a worried look.

"Wala po tita, gusto ko na po sanang magpaalam. May pasok pa po kasi ako bukas." Pagpapaalam ko, saglit akong napalingon sa pintuan ng silid nang mapansin ko ang pamilyar na babaeng nakatayo sa likurang bahagi ng pasilyo. Agad ko namang ipinikit ang aking mga mata at sa pagdilat ng mga ito ay wala na siya... malamang ay nananaginip na naman ako ng gising.

"Ganoon ba? Oh sige, basta huwag kang didiretso ng uwi sa bahay mo, ah?"

Bago ko pa naibuka ang aking bibig upang itanong ang dahilan, kinuha nang muli ng katabing bisita ang atensyon ng aking tiyahin. Saglit naman niya akong nilingon nang napansin niya na hindi pa ako nakaalis.

"Pasensya na Mia ha, may tinanong kasi si kumare," wika niya noong tapos na silang mag-usap.

"Oh siya mag-ingat ka sa pag-uwi hah? At 'yong bilin ko huwag mong kalilimotan."

Pagkatapos naming mag-paalam sa isat-isa, naglakad na ako palabas ng punerarya at dumiritso na ako sa paradahan ng kotse kung saan naghihintay ang aking tagapagmaneho.

*****

"Saan po tayo ma'am?" Tanong ni kuya Arnold pagkaupo ko sa backseat.


"Uwi na po tayo," tipid na sagot ko.


Nilingon niya ako mula sa rare view mirror. "Mawalang galang po ma'am Mia ngunit hindi mo po ba alam na bawal po iyon?"

Gulat na may halong pagtataka na wika ni Kuya. Una si tita, ngayon naman si Kuya Arnold? Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa belief nila pero, hello? 2016 na kaya... it's just a superstition at wala namang scientific explanation 'yong mga sinasabi nilang ganyan kaya bakit naman ako maniniwala? Sa movie lang naman iyon nangyayari at napaka-imposible naman siguro nitong mangyari sa totoong buhay dahil hindi ko pa rin naman nararanasan na mausog, makakita ng multo o kung ano pa mang kaengkantohan diyan.


"Kanina pa iyan Kuya ha? Ano ba talaga'ng meron? Wala naman sigurong mangyayari kung didiretso tayo ng pauwi hindi ba?"


"Pero ma'am..." pagpupumilit nito. Sa sobrang pagkairita ko at dagdagan pa ng pananakit ng aking ulo, hindi ko na napigilan na masigawan siya.


"Please, enough! Let's go home. Pagod na ako."


Sa huli, wala ng nagawa si kuya Arnold kung hindi ihatid ako pauwi.

Habang nasa biyahe kami, mas lumala ang pananakit ng aking ulo dahil sa hindi malamang dahilan. Medyo nahihilo na rin ako kaya minabuti kong masahiin ang aking sintido para kahit papaano ay mabawasan ang paagkirot ng aking ulo.

Pagkalipas ng apat na oras na byahe mula Wood Heavens, Kidapawan papuntang Davao nakarating na rin kami sa bahay. Agad kong sinukbit ang aking shoulder bag at bumaba na sa sasakyan. Pagkababa ko sa kotse, pansin ko ang ginawang pag-pagpag ni kuya Arnold. Hindi ko nalang siya pinansin at dumiritso na ako sa loob ng bahay at nagpahinga.

Book of Horrific TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon