Ang Babae sa Simbahan

28 1 0
                                    


Payapa ang gabi at tanging ang ingay lamang ng mga insekto ang maririnig.
Mahimbing kaming natotolog nina Mama at Kuya nang ginising kami ng sunod-sunod na mga katok sa pinto ng aming bahay na yari sa kahoy.

Umahon sa kama si mama at lumabas siya ng kuwarto upang pagbuksan ang panauhing kanina pa katok ng katok. Ako naman itong binalot ng kuryosidad, natagpuan ko na lamang ang aking sarili na bumababa sa hagdan. Pagkababa ko, naabutan kong binubuksan ni mama ang pinto at lubos akong nagtaka nang nasilayan ko si papa na namumutla at rumirehistro ang kaba sa kanyang mukha.

Maghahating gabi na nang nakauwi si papa galing sa pagtolong sa pagluluto ng mga handa para sa Christmas party sa simbahan mamayang umaga. Kakikitaan siya ng pagod at tagaktak rin ang kanyang pawis malamang iyon ay dahil sa kanyang paglalakad. Bahagya pa niyang hinahabol ang kanyang hininga

Naglakad ako papunta sa kusina upang kuhanan siya ng tubig at pagbalik ko sa sala, naabutan ko siyang ikinukwento ang nangyari.


Papa's POV

Kasama ko sina kuya Bong at ang anak niyang si Botsoy pauwi. Napakaliwanag ng gabi dahil kabilogan ng buwan at ang liwanag nito ang nagsilbing gabay namin sa paglalakad. Habang binabagtas namin ang maluwag na kalsada,pinagusapan namin ang mga plano sa gaganaping handaan sa simbahan kinabukasan.

Napakabilis ng oras kaya hindi namin namalayan na nasa Crossing Sambag na kami. 


"Pano Brod, deto na laang kami ah. Mageengat ka sa paguwe mo." Iniabot niya sa akina ng isang spot light na hawak niya, "dalhen mo na laang eto baka kase kaelanganen mo Brod." Nakangiting wika ni brod Bong. Tinanggap ko naman ang spot bago pa mangalay ang kanyang kamay.


"Salamat Brod."


"Aw ah, wala eyon. Sege Brod, baka henahanap na ako ne ate Evon mo... wala pa naman seyang kasama sa bahay namen." Pagpapaalam nito bago kami naghiwalay ng landas. Ako naman ay nagpatuloy na rin sa paglalakad bako pa mas lumalim ang gabi.


Habang binabagtas ko ang daan, nadaanan ko ang lumang bahay sa tabi lang ng daan na ngayon ay ginawa nang simbahan. Lalagpasan ko na sana ito ng napansin ko ang isang babae. Nakaputi siya at hanggang tuhod ang saya ng kanyang bestida.
Ang buhok niya'y itim at lampas dibdib ang haba.


"Magandang gabi sister." Pagbati ko. Lalapitan ko na sana siya ngunit naglakad na siya . Hindi niya ako pinansin at nagpatiuna na siya sa paglalakad.


Babae siya, kaya hinayaan kong mauna siya sa akin, ang kaso pagdating sa reservoir, bigla nalang siyang na wala. Napahinto ako sa paglalakad at nagpalinga-linga upang hanapin ang dalaga, ngunit bigo ako dahil ni anino niya ay hindi ko nakita. Maglalakad na sana ulit ako ng makaramdam ako ng mabigat na presensya sa dakong likuran.

At nang akin itong lingonin, naroon ang babaeng kanina ay nasa aking unahan, sumasayaw sa hangin ang kanyang buhok at tirik na tirik ang kanyang puting mga mata....

Bago pa man niya ako masaktan, sinikap kong kumilos at mabilis na tumakbo. Wala na akong pakialam kung masugatan man ang aking mga paa dahil sa mga bato sa daan at dahil nakatsinelas lang ako.

Hindi na ako lumingon at diretso lang ang tingin ko sa daan. Hindi ko na rin pinansin ang mga punong kumakaway habang umiihip ang hangin ganoon din ang pagsayaw ng matayog na punong kawayan na sinasabing tirahan ng engkanto.

Nang matanaw ko na ang aming bahay, mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Hanggang sa nasa tapat na ako ng pinto. Kinatok ko ng maraming beses ang pinto hanggang sa lumiwanag na ang aming silid. Gising na ang aking mahal na asawa... Ilang sandali pa ay nakarinig na ako ng mahinang pagkalabit sa likod ng pinto... at nang tuloyang nang nabuksan ang pintuan ng aming bahay, agad akong pumasok.

End of papa's POV

Tahimik lang ako habang nakikinig sa kwento ni papa. At dahil sa aking kuryosidad, naglakad ako palapit sa pinakamalapit na bintana at sumilip ako sa maliit na butas. Sinuri ko ang paligid at ako ay naistatwa nang  na tanaw ko ang puno ng rambutan sa di kalayuan. Ang babae... Naroon siya...

Book of Horrific TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon