Housemate

23 0 0
                                    

AR's note: Bata pa ako nito. Basta, this happened long ago noong kalilipat pA ng family namin  from Gen. San

Housemate

Nasa ancestral home ako kasama ng Lolo ko, dalawang Uncle ko, sina Mama, Papa, Kuya at pati na rin si Ate Aiza, ang nagiisang tomby insan ko.

It was past nine pm, nasa ground floor kaming lahat at nanonood ng palabas sa TV habang hinihintay ang pagdating ni apong Osia. Makalipas ang ilang sandali nakarinig kami ng mahinang katok sa pinto na gawa sa kahoy.

Tumayo si Uncle Nan at naglakad papunta sa pinto.

"Sino ka?"  Tanong ni Uncle Nan habang nakatayo parin sa harap ng nakasarang pinto.

"Siyak day toy." Sagot ng boses na pamilyar sa aming lahat.

Hindi na nagdalawang isip pa si Uncle, pinagbuksan niya ng pinto si Apong ngunit sa pagkagulat nito ay wala doon ang inaasahang makita.

Maya-maya pa ay muli itong nakarinig ng mga katok and this time mula iyon sa back door, papasok sa may kusina, kaya agad niyang isinara ang front door at nilock ito.

Lalakad na sana si Uncle Efren upang buksan ang pinto sa kusina ngunit pinigil siya ni Uncle Nan.

Nagtipon lang kaming lahat sa sala habang ang mga kalabog sa magkabilang pinto ay hindi parin humihinto.

Hindi naming maiwasang makaramdam ng takot sa mga nangyayari. Bukod sa mga kalabog sa magkabilang pinto, kapansinpansin din ang biglaan at sabay-sabay na pag kahol ng mga alaga naming aso. Some of them are howling na siyang mas nagpakaba pa sa aking dibdib.

Ilang minuto pa ang lumipas, habang tahimi lamang kaming nagtitipon sa sala, biglang may naglanding sa aming harapan mula sa may saradong pinto. Kung hindi ako nagkakamali isa itong wild mushroom na tumutubo sa puno ng Germilina. Sangkap din ito sa pagluluto ng dinengdeng. Kasabay ng pagsaboy ng wild mushroom ay ang paghinto ng mga kalabog.

Sa paglipas ng ilang minuto nakarinig kami ng mahinang mga yabag at tatlong katok sa pinto.

"Lukatan yo man." she demanded. Sa pagkakataong iyon binuksan ni uncle Nan ang pinto habang may hawak na buneng.

Pumipinta sa mukha ni Apong ang pagtataka kung bakit may hawak na pantaga si uncle just when she realized na pinagtripan nanaman kami ng ibang kasama namin sa bahay.

Book of Horrific TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon