Peanut Brittle

21 0 0
                                    

Tahimik lamang akong nakikipagchat sa mga kaibigan kong nakilala ko sa isang group page sa Facebook kaninang umaga. Sa sobrang sarap ng pag-uusap namin hindi ko na napansin ang paglipas ng oras.

Nakakatuwa silang ka-chat kasi hindi sila 'seener' at boring kausap. Ayon na nga, magre-reply na sana ako nang nakaraninig ako ng kalabog at kasunod nito ay ang pagbukas ng gate. Lumapit ako sa bintana ng aking kwarto at bahagyang sumilip.

Si Ante lang pala.

Mayroon siyang bitbit na dalawang medium sized sando-bags.

Malamang ay galing siya sa palengke.

Bumalik na ako sa aking study-table at nakipagchat na ulit kay Lem- isa sa mga naging malapit na virtual citizen sa akin, ngunit hindi pa man tumatagal ay nakarinig ulit ako ng ingay.

"Iela! Nag-kukulong ka na naman sa kwarto mo?! Lumabas ka riyan at hugasan mo itong mga isda!" Sigaw ng huli mula sa kusina na katapat lang ng aking kwarto.

Bago pa man ako mapagalitan, minabuti kong tumayo na ngunit bago ako tuloyang lumabas, kumagat muna ako sa aking peanut brittle na kasing laki ng platito.

Masarap sana ang brittle na kinakain ko ang kaso may nabaon sa sirang bagang ko kaya  masarap ito ay hindi ko makuhang lasapin ang tamis nito.

Nag-umpisa nang kumalat ang kirot mula sa aking bagang papunta sa karatig na parte ng aking mukha, kaya kahit ako ay nasasaktan, pilit kong inalis ang nakabaong mani sa aking wasak na bagang. Hindi ko naman ito magamitan ng tooth-pick dahil naubusan kami at mukhang nakalimutang bumili ni auntie... Sa ngayon tiis-tiis na lang.

"Pakilinis nitong isda," bungad ni Auntie na hindi ko naman agad na pansin dahil abala ako sa aking 'misyon'.

" Natanggalan na iyan ng hasang. Ang gagawin mo nalang ay alisin ang mga kaliskis at..."

Patuloy lang siya sa pagsasalita habang ako naman ay nakikinig at walang tigil sa pag-sungkit ng Mani na nakasiksik sa aking sirang bagang gamit ang aking dila kung minsan naman ay ang aking hintuturo.

Muntik ko na sanang maalis ang Mani kung hindi niya ako tinapunan ng basang basahan na sa aking palagay ay ginamit niyang pantrapo sa kanina ay basang lababo.

"Bakit ka nakasimangot?!" Singhal niya sabay taas ng kanyang kaliwang kilay.

Ikaw ba naman mabaunan ng something hard and spiky sa ngipin, tingnan natin kung hindi ka mapapasimangot.

"Sabihin mo lang kung ayaw mo at ako na ang gagawa!"

Hindi ako umimik sa kabila ng mga paratang niya, bagkus aking ipinagpatoloy ang naudlot na gawain.
Nang matanggal ko na ang pahamak na mani sa ngipin ko, akin itong nilonok.

Sayang kaya, kasama rin iyon sa binayaran ko.

Kinuha ko ang maliit na palanggana na naglalaman ng limang Tilapia na sa tantsa ko ay may habang four to six inches, kinuha ko rin ang sangkalan at saka ako nagtungo sa dirty kitchen na nasa gilid lang ng bahay.

*****


Madilim na sa labas. Alas sais trenta na ng gabi. Naglilinis ako ng Tilapia, kinikiskis ko ang mga kaliskis nito nang bumukas ang screen door at iniluwa nito si Auntie, naglakad siya palapit sa akin.

"Kumain ka muna doon baka umatake 'yang ulcer mo gatos na naman," pasusungit niya.

"Mamaya na po, taposin ko lang ito," hindi ko na siya nilingon at patuloy pa rin sa aking ginagawa. Pagkatapos kong linisin ang mga isda, dala-dala ang plangganang kinasisidlan ng mga Tilapia, pumasok na rin ako sa loob.

Book of Horrific TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon