Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

Chapter 1

425K 5K 245
                                    

THE gushing sound of waves is one of the most relaxing sounds on Earth— it's comforting. Her brown hair was tousled from the ocean breeze as she walked along the shore. It was a great place to relax and unwind. She deserves a vacation, leaving her stressful job for a while.

Life as a wedding planner has many pressures as well as many rewards. Being an event organizer gets really stressful at times. Lalo na kapag moody at mahirap kausap ang kliyente. Pero kakaibang saya naman ang naibibigay sa kanya ng trabaho niya lalo kapag successful at nagustuhan ng kliyente ang gawa nila. Ang papuring natatanggap mula sa kanilang kliyente at mga tao ay nakakapawi ng pagod. Being a wedding planner wasn't really her dream. Ang gusto niya noon ay maging isang flight attendant.

Bata palang siya, iyon na ang pangarap niya. Gusto niya iyong nagta-travel sa iba't ibang bansa. Paris, France — the "City of Lights" is on every girl's list of dream places to see at least once in their life, at kasama siya sa maraming nangangarap na makarating sa Paris. Number one iyon sa list niya. Two years ago ay natupad niya iyon. Nagtravel siyang mag-isa sa Paris.

Ang gusto niya noon ay libutin ang buong mundo. Hanggang sa mag-iba ang ihip ng hangin noong nasa kolehiyo na siya. She still wanted to travel around the world, but the dream of being a flight attendant had changed. Ang gusto na niya ay ang magtayo ng sariling travel agency. Nagtapos siya sa Pamantasan ng Santo Tomas sa kursong Tourism Management. Pero hindi rin iyon nangyari dahil ang pagiging isang wedding planner ang kinahantungan niya.

Tessmarie and her friend, Red Montero-Esquivel, are running their own wedding planning business na pinangalanan nilang 'Wedding Dream'. Four years ago nang simulan nila ang negosyo. Mula sa pipitsugin ay lumaki ang negosyo nila at naging sikat na wedding planner sila ni Red sa buong bansa lalo na sa mga prominent personalities. Hindi na lang kasal ang in-organize nila kundi pati na rin ang iba't ibang klaseng event.

Pangarap ni Red ang magkaroon ng wedding planning business. Since wala namang kapital ang kaibigan para simulan ang negosyo ay tinulungan niya ito. Nanghiram siya ng pera sa magulang at iyon ang ginamit para simulan ang negosyo. Restaurant ang negosyo ng pamilya ni Tessmarie at ang mag-asawang de Leon ang namamahala niyon katuwang ang panganay na kapatid na babae ni Tessmarie. Dalawa lang silang magkapatid at pitong taon ang tanda sa kanya ng kapatid na si Cindy.

Mas nakakatulong ang kapatid niya sa pamamahala sa restoran nila dahil katulad ng kanyang ama ay isa rin itong chef samantalang siya naman ay walang kaalam-alam sa pagluluto. Pero wala siyang pinagsisisihan dahil sobra niyang na-enjoy ang career niya. Thanks to Red. Red taught and guided her.

Nag-training din siya sa Hong Kong ng tatlong buwan para mas mahasa ang kanyang kaalaman sa events planning. Sa kanilang dalawa ni Red, mas gamay ni Red ang ganitong trabaho dahil nagtrabaho ito sa isang catering service noong kolehiyo palang ito. Napag-aralan naman nila ang events management pero iba pa rin ang makukuha mong kaalaman kung aktuwal ka talagang nagta-trabaho.

Mula sa paglalakad sa dalampasigan ay nahinto siya nang makita ang isa sa pinakaguwapong nilalang sa balat ng lupa, ang lalaking kanyang pinagnanasahan ngayon. None other than Engineer Rogue Cole, Red Montero's ex-fiancé, and twin brother of Red's husband, Rostov Esquivel.

"Rogue!" Huminto mula sa paglalakad si Rogue sa dalampasigan at nilingon si Tessmarie. Agad na gumuhit ang friendly smile sa labi ng lalaki pero isinusumpa niyang maging ngiting may kalakip na pagmamahal na iyan sa susunod. O kaya'y ngiting may kasamang titig ng pagnanasa. Argh! She can't wait for that to happen.

Patakbo siyang lumapit kay Rogue, pero syempre hininhinan niya ang ginawang pagtakbo. Mahirap na, baka ma-turn-off agad hindi pa man nabubuksan ang paunang kabanata ng love story nila.

ScandalousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon