Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 7

215K 3.7K 160
                                    

NAGTUNGO si Tessmarie sa Grandeur building kung saan ang main office ng Grandeur Mall. Dito nag-o-opisina si Rogue pansamantala dahil sa itatayong bagong branch ng Grandeur mall. Tinanggap ni Rogue ang offer ng Grandeur Corporation at ang kompanya nila Rogue ang gagawa ng bagong branch ng Grandeur Mall. Ang Grandeur Corporation mismo ang nagprovide ng magiging opisina ng team nila Rogue. Mula Canada ay lumipad pa ng Pilipinas ang ilang staff ng Civil Engeering Firm nila Rogue para sa proyektong ito.

Nagtungo si Tessmarie at Rogue ng Maynila para sa kanila-kanilang appointment. Napag-usapan nila ni Rogue na kapag weekdays ay sa Manila sila at kapag weekends naman ay sa Infanta sila. Mas gusto ni Rogue sa beach house. Mas nakakapagtrabaho raw ito roon. Sa condominium ni Tessmarie ang dalawa tumutuloy sa tuwing nasa Manila sila. Rogue is a consulting engineer kaya hindi kailangan ang presensiya nito sa construction site. He is responsible for the design work of project and works predominantly in the office. Trabaho naman ng contracting engineer ang magmonitor ng trabaho sa site. Marahang binuksan ni Tessmarie ang pinto ng opisina ni Rogue pero nabitin ang pagpasok niya nang maulinigan niya itong may kausap sa cell phone.

"Could you please talk to me, Kris?" punong-puno ng pakiusap ang boses ni Rogue.

"Kris, please, I need you— dammit!" Ibinagsak ni Rogue ang cell phone sa mesa. Mukhang pinatayan ito ng kausap. Mapait na ngumiti si Tessmarie. Nakaramdamdam ng paninikip ng dibdib. Medyo nasagi ang woman-ego niya dahil sa narinig. Mukhang sinusuyo pa rin ni Rogue si Kris. Mga lalaki talaga. Ikinakama siya ngayon pero kapag nakipagbalikan na si Kris ay itatapon na siya. Mas magaling ba si Kris sa kama at mas nakakalimutan ni Rogue si Red kapag si Kris ang kasama nito? Possible. Hindi magtatagal ang relasyon ng dalawa kung walang pakinabang si Kris kay Rogue. Pero wala siyang pakialam. Hindi siya papayag na magkabalikan ang dalawa. Nakakahiya 'yon. Baka pagtawanan siya ni Kris.

Nagbuga siya ng hangin mula sa bibig saka itinulak ang pinto.

"Hey, handsome!" Magiliw niyang bati. Ang iritadong ekspresyon ni Rogue ay nahalinhinan ng saya.

"Hey!" Nang makalapit siya sa binata na nakaupo sa swivel at maipatong ang bag sa ibabaw ng desk ay umuklo siya at siniil ng halik sa labi si Rogue. It wasn't a simple kiss. It was her best torrid kiss. Umungol si Rogue nang ipasok niya ang dila sa bibig nito at makipaglaro sa dila nito. Napahawak si Rogue sa pisngi niya. Habol nila ang kanya-kanyang paghinga nang tapusin niya ang halik.

"Ang sarap n'on, ah." Ani Rogue habang matiim na nakatitig sa mata niya.

"Do you like my kiss?"

"Yeah." Sagot ni Rogue at hinila siya nito dahilan para bumagsak siya sa hita ng binata.

Patagilid siyang nakaupo at awtomatikong nagsalubong ang mga bibig nila. Ipinaikot ni Tessmarie ang mga braso sa leeg ni Rogue at idinikit ang dibdib sa katawan nito. Ang kamay naman ni Rogue na nasa batok ni Tessmarie ay pumisipil roon sa tuwing sisipsin niya ang tila ahas na dila nitong naglulumikot sa loob ng kanyang bibig. Pumisil ang kamay niya sa balikat ni Rogue nang maramdaman niyang pumisil ang isang palad nito sa dibdib niya. Agad na kumalat ang matinding init sa buo niyang katawan. Si Rogue lang ang may kakayahang magparamdaman sa kanya ng ganito. Binuksan niya ang ilang butones ng light blue polo ni Rogue at hinaplos ang dibdib ng binata. Sumidhi ang antisipasyong nararamdaman nang bumaba ang kamay ni Rogue at humaplos iyon sa hita niya sa ilalim ng suot niyang dress. Pero bago pa man iyon makarating sa destinasyon ay napigil na iyon sa biglang pagbukas ng pinto.

"Woah!" Mabilis na naghiwalay ang labi ng dalawa at inalis ni Rogue ang kamay mula sa ilalim ng kanyang bestida at sabay na bumaling sa taong mukhang nagulat sa naabutang eksena. Nahihiyang ngumiti si Tessmarie at tumayo.

"I'm sorry. Hindi ko alam na may bisita si Engineer Cole. Babalik na lang ako." Hinging paumanhin ng lalaki.

"No need, Falcon," pigil ni Rogue at sinabayan ng tayo. Inakbayan ni Rogue si Tessmarie.

ScandalousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon