NABULABOG ang mahimbing na pagtulog ni Tessmarie nang bigla niyang naramdamang umangat ang kanyang ulo mula sa malambot na unan at pakiramdam niya ay matatanggal ang kanyang buhok mula sa kanyang anit. Someone is pulling her hair. Tuluyan siyang nagising nang mas hinila pa ang buhok niya ng kung sinong walang respetong nang bubulahaw sa pagtulog ng iba. Nasundan iyon ng malalakas na hiyaw.
"Tumayo kang babae ka! Mapapatay kita!" Hindi niya makita ang mukha ng taong may hawak ng buhok niya dahil nakayuko ang posisyon ng ulo niya habang nakaupo siya sa kama pero sigurado siyang si Kris iyon.
"Malandi ka! Ginawa mo talaga lahat para akitin ang boyfriend ko!" Galit na hiyaw ni Kris.
"Bitiwan mo nga ako! Nasasaktan ako!" Ganting sigaw niya kay Kris. Nahila na siya ni Kris pababa ng kama. Kipkip niya ang kumot sa dibdib para maitago ang hubad niyang katawan.
"Bitiwan mo ako kundi papatulan na talaga kita!" Banta niya sa babae.
"Napakalandi mo! You are a desperate bitch!" Umalingawngaw ang malakas at galit na boses ni Kris sa buong silid. Tuluyang nagising si Rogue dahil sa ingay ng sigawan ng dalawa. Tarantang-tarantang napabalikwas at mabilis na isinuot ang boxer short saka lumapit sa dalawang mukhang magpapatayan na talaga.
"Tumigil kayo!" Pilit nitong pinaghiwalay ang dalawa. Nang mabitawan ni Kris ang buhok ni Tessmarie ay agad na iniharang ni Rogue ang sarili sa pagitan ng dalawang babaeng parehas na nagpupuyos sa galit. Hawak ni Rogue si Kris na pilit inaabot si Tessmarie.
"Kris, please, enough. Pag-usapan natin 'to," Rogue begged softly, guilt laced his voice.
"Pag-usapan?!" Malakas na itinulak ni Kris si Rogue.
"I can't believe na magagawa mo sa 'kin 'to! Kaya pala ni hindi mo ako sinundan para suyuin man lang dahil may kinakalantari kang iba! Kinakalantari mo ang malanding 'yan!" Dinuro ni Kris si Tessmarie pero tinaasan lang niya ito ng kilay.
Ni wala siyang maramdamang guilt. Damn her! Wala itong karapatan kaawan dahil ginawa rin nito sa kanya noon kung ano ang ginawa niya ngayon. Parang replay lang ang pangyayari ngayon. Ganitong-ganito ang naging eksena sa pagitan nila ni Kris ilang taon na ang nakakalipas. Walang bakas ng pagsisisi si Kris at mukhang proud na proud pa sa ginawa sa kanya noon. Ang pagkakaiba lang ngayon, ibang lalaki ang pinag-aawayan nila at siya ngayon ang kontrabida sa kanilang dalawa at si Kris ang mukhang aping-api. Keber! She deserves it!
"Goddamn, Rogue! She had a desperate desire to have her revenge on me. She was trying to ruin us and now she had finally succeeded because you let yourself fall on her trap." Nababagot na ipinaikot ni Tessmarie ang mata nang muli siyang duruin ni Kris.
"Stop this drama, Kris, nangyari na ang nangyari. We were both horny last night and we felt that we needed each other to find our release. So don't put the blame on me na parang ako lang ang nagtrabaho, because Rogue fucked me hard last night while chanting my name in so much pleasure." Tessmarie said nonchalantly. Para bang ang ikinukwento ay ang pagkain lang nila ni Rogue ng popcorn habang nagmo-movie marathon at kinukumbinsi ang jowa nitong huwag magselos. Lalo namang sumidhi ang galit ni Kris sa sinabi niya.
"Hayup ka talaga!" Sigaw nito at muli siyang susugurin pero naging maagap si Rogue at nahawakan nito si Kris.
"Kris, please, mag-usap tayo. I'm sorry!" Muling pakiusap ni Rogue. Malakas na itinulak ni Kris si Rogue at sinampal.
"We're over!" Kris walked out of the room, furious.
"Bye, Kris, ingat!" Pahabol ni Tessmarie sa papalabas na si Kris at pigil siyang bumungisngis.
"Rogue, what is hap—" noon naman dumating si Kristina, ang mama ni Rogue kasama si Donya Conching, ang lola ni Rogue. At halos lumuwa ang mata ng dalawang babaeng nakabalandara sa pinto nang makita ang mga itsura nila ni Rogue na halos hubad. Ni hindi na natapos pa ang binabalak na sabihin ni Kristina. Noon siya tinamaan ng hiya. Ugh! May kahihiyan pa pala siya. Gusto niya biglang pumailalim sa kama at itago ang sarili.

BINABASA MO ANG
Scandalous
Romance"Using her attractive looks and magnetic charm, Tessmarie de Leon succeeds in taking revenge-stealing Rogue Cole, the handsome engineer from Kris Francisco, the girl who stole her first boyfriend. But will the lust between Tessmarie and Rogue change...
Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte