TANGAN ang isang galon ng vanilla ice cream ay masiglang tinungo ni Tessmarie ang sala kung nasaan naroroon si Rogue na nanonood ng movie. Si Mhelanie ay umalis kanina kasama si Falcon. May ipinapagawa raw si Harper kaya naman sumama na kay Falcon pabalik ng Maynila. Ang siglang nararamdaman ni Tessmarie ay agad na nawala nang marinig si Rogue na kausap na naman si Kris.
"I'll think about that, Kris." Tinapos ng binata ang tawag at inilapag sa center table ang cell phone. Nakangiting inilahad ni Rogue ang kamay sa kanya. Inilapag niya ang ice cream sa ibabaw ng center table at umupo sa tabi ni Rogue. Inakbayan at kinabig siya ni Rogue palapit sa katawan nito saka hinalikan ang gilid ng kanyang ulo.
"Ano na naman ang pinag-usapan niyo ng babaeng 'yon?" Hindi man niya gustong magmukhang nagseselos pero mukhang iyon yata ang nagiging kinalalabasan. Pinisil ni Rogue ang braso niya at matamang tinitigan si Tessmarie na para bang nanantiya.
"Sandali lang muna." Kapagkuwa'y paalam ni Rogue at kinuha ang cell phone sa ibabaw ng mesa saka tinungo ang pinto. Sumimangot si Tessmarie. Sino naman kaya ang tatawagan nito at kailangan pang lumayo.
Kinuha na lang ni Tessmarie and dalawang magkapatong na ceramic ice cream bowl na nasa ibabaw ng container ng ice cream kasama ang kutsara at stainless steel ice cream scoop. Binuksan niya ang container at padabog na sumandok ng ice cream at sinimulang kainin iyon. Hindi naman nagtagal ay bumalik rin agad si Rogue at parang lalo siyang nababanas dahil ngiting-ngiti ito. Umupo si Rogue sa tabi ni Tessmarie at inakbayan siya.
"Penge," lambing ni Rogue na sinagot niya ng pabalang habang patuloy sa pagkain ng ice cream.
"Ang dami diyan, kumuha ka." Biglang hinawakan ni Rogue ang panga ni Tessmarie at pinihit paharap ang kanyang mukha.
"What's with that face, hmm? Bakit parang wala ka sa mood?" She swears she wanted to punch the shit-grin off of Rogue's face. Marahas niyang binawi ang mukha sa pagkakahawak nito. Rogue chuckled and shoved his face against the side of her face. Ipinatong nito ang baba sa kanyang balikat.
"Subuan mo naman ako niyan. Bakit ba ang sungit mo? Wala naman akong ginagawa." Wala naman nga itong ginagawa pero naiinis siya. Naiinis siya dahil siguradong pinagtatawanan siya ni Kris ngayon. Siya ang kasama ni Rogue ngayon pero panay naman ang tawag ni Rogue kay Kris. Nakikita naman niyang mukha naman itong masaya sa kanya. Hindi pa rin talaga siya siguro sapat. Siguro mas magaling talaga sa kanya si Kris.
"Ano ba ang pinag-usapan niyo ni Kris? Siya ba ulit ang tinawagan mo?" She jammed a spoonful of ice cream into her mouth. Mabuti na lang at walang kasira-sira ang ngipin niya kaya hindi man lang siya nangilo. Natunaw na't lahat ang ice cream sa kanyang bibig ay hindi pa rin sumagot si Rogue kaya nilingon niya ito. Nakapatong pa rin ang baba nito sa kanyang balikat at parang sirang nakangiti.
"You look like an idiot!" Marahan niyang singhal. Malakas na tumawa si Rogue. Bahagya pang tumingala ang ulo nito. Kahit naiinis siya ay hindi niya napigilan ang pagguhit ng ngiti sa kanyang labi. Ang sarap sa tainga ng halakak nito.
"Do I look like an idiot?" She "hmp" and jerked her gaze back to the television. She scooped up another spoonful of ice cream and brought it up to her mouth. Bigla na lang hinawakan ni Rogue ang magkabila niyang pisngi at pinihit paharap, and he covered her mouth with his, his tongue dipped into her mouth at nilaro ng dila nito ang ice cream sa bibig niya hanggang sa matunaw iyon.
"Ang sarap." Nakangiting wika ni Rogue matapos ilayo ang bibig mula sa kanya. Napangiti na lang din siya. Muli siyang inakbayan ni Rogue.
"Nagseselos ka ba kay Kris?" His hand slid up and down her arm, gently caressing her smooth skin.
"Hindi ako selosa, but honestly, I get really irritated every time you talk to her. Nakakahiya, Rogue! Ano na lang ang sasabihin ng babaeng 'yon? Siguradong pinagtatawanan ako n'on. Saka 'di ba sabi ko naman sa 'yo na huwag si Kris! Ako mismo ang maghahanap ng matinong babae para sa 'yo basta huwag lang siya."

BINABASA MO ANG
Scandalous
Romance"Using her attractive looks and magnetic charm, Tessmarie de Leon succeeds in taking revenge-stealing Rogue Cole, the handsome engineer from Kris Francisco, the girl who stole her first boyfriend. But will the lust between Tessmarie and Rogue change...
Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte