KUMUHA ng isang pirasong tableta si Tessmarie mula sa isang banig ng contraceptive pills at ininom iyon. Bago pa man ang pang-aakit na ginawa niya kay Rogue ay nag-take na siya ng contraceptive para safe. Inilapag niya ang baso ng tubig sa bedside table saka umupo sa kama. Noon naman bumukas ang pinto ng silid niya at pumasok roon. Si Rogue na may isang baso ng gatas sa kaliwang kamay. Kasalukuyan silang nasa kanyang condo. Dito sila tumutuloy ni Rogue kapag naririto sila sa Manila. Umikot si Rogue sa kabilang bahagi ng kama kung saan siya nakaupo, tumabi sa kanya at inabot sa kanya ang gatas.
"Drink up." Nakangiti niya iyong tinanggap at umusal ng pasasalamat bago iyon ininom. Nang makalahati niya ang laman ay ibinalik niya kay Rogue ang baso pero hindi nito kinuha iyon.
"Ubusin mo." Wala siyang nagawa kundi ang ubusin na lang iyon. Nang mailapag niya ang baso sa bedside table ay hinawakan ni Rogue ang panga niya and he licked the milk off around her lips na marahan niyang ikinatawa. Kinuha ni Rogue ang kaliwa niyang kamay at marahang minasahe ang palad niya.
"Kanina ka pa walang imik mula pag-uwi natin galing hotel." Anito at marahang hinaplos ang palapulsuhan niyang may peklat.
"I'm just a little bit tired. Medyo marami kasing client lately." Medyo totoo naman ang sinabi niya pero walang kinalaman iyon kung bakit tahimik siya. Dahil iyon sa muli nilang pagtatagpo ni Michael. Ang lalaking naging dahilan para mawalan siya ng tiwala lalo sa mga lalaki. After Calvin ay si Michael ang sumunod na naging boyfriend niya pero katulad ni Calvin ay niloko lang din siya. Worst than what Calvin did to her.
"Ano ang nangyari rito?" lihim siyang napabuntong hininga saka binawi ang kamay mula kay Rogue. Ito ang iniiwasan niyang mga tanong. Naitanong na ni Rogue ang tungkol sa peklat niya at nasagot na niya iyon ng walang kahirap-hirap pero bakit tila ang hirap sagutin ng tanong nito ngayon.
"Tinanong mo na 'to 'di ba, at nasagot ko na rin."
Muling kinuha ni Rogue ang kamay niya at itinuon ang mata sa peklat.
"...Na pinaglaruan mo ang isang cutter blade noong bata ka pa at hindi mo sinasadyang mahiwa mo ang sarili mo."
"Hindi ka ba naniniwala?" Tumingin ito sa mga mata niya.
"If something is bothering you, you can tell me."
"I'm okay, Rogue. As I've said I'm just a little bit tired." Inabot niya ang mukha ni Rogue at masuyong hinaplos ang pisngi nito. Bahagya itong ngumiti.
"Let me pamper you then." Tumayo si Rogue at kinuha ang massage oil sa vanity table. Muli itong lumapit sa kanya, hinawakan ang laylayan ng kanyang purple night gown at hinubad iyon. Tanging purple underwear lang ang naiwang saplot niya. Nahulaan na niya ang gagawin ni Rogue kaya mabilis siyang dumapa sa gitna ng kama. Kailangan nga niya ng full body massage. Lumuhod si Rogue sa likuran niya, binuhusan nito ng massage oil ang kanyang likod. Naramdaman niya ang pagdaloy niyon sa kanyang spine. Nang lumapat ang dalawang palad ni Rogue sa pagal niyang likod at magsimulang humagod at pumisil roon ay isang ungol ang kumawala mula sa kanya. Agad na narelax ang pagod niyang likod dahil sa masarap na masahe ni Rogue.
"Puwede ka ng magtrabaho sa spa," aniya.
"Papasa na ba?"
"Mhm-mhm." She hummed in response.
"Pero gusto ko ikaw lang ang customer ko." Marahan siyang natawa.
"I would love that." Pinatihaya siya ni Rogue matapos masahehin ang kanyang likod. Binuhusan naman nito ng oil ang bandang taas ng dibdib niya. Dumaloy ang oil sa valley ng kanyang dibdib pababa sa kanyang tiyan. Tinakpan ni Rogue ang botelya at inilapag muli sa kama. Inilapat nito ang dalawang palad sa taas ng kanyang dibdib at magkasunod iyong humaplos pababa sa gitna ng kanyang dibdib patungo sa tiyan. Ipinikit niya ang kanyang mata at ninamnam ang mga haplos ni Rogue sa kanyang katawan. Sobrang nakaka-relax. A soft moan escaped of her mouth when he cradled her both breasts with his palms and pushed them up.
BINABASA MO ANG
Scandalous
Romance"Using her attractive looks and magnetic charm, Tessmarie de Leon succeeds in taking revenge-stealing Rogue Cole, the handsome engineer from Kris Francisco, the girl who stole her first boyfriend. But will the lust between Tessmarie and Rogue change...
Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte