Chapter 4- The day comes back

1.4K 45 1
                                    

Welcome to Chapter 4
Makakabalik ba agad si Miles sa present time? Makakaligtas ba siya sa nagbabantang pumatay sa kanya.

*******

Lander Miles/ Nice POV....

Nagising ako dahil sa sinag ng araw sa bintana. At tumingin ako sa paligid nasa past papala ako.

Dapat walang bad mood ngayon dapat always positive!

Nagbihis nako at dumiretso sa labas para makalanghap ng sariwang hangin.

Nakakailang kasi may sumusunod saakin. Napapout nalang ako at nagpatuloy sa paglakad ng... napatingin ako sa kalalabas sa may gate at yun ay si Prince Won. Napatingin siya saakin at ngumiti.

At lumapit saakin.

*****
Nandito kami sa may garden dito sa palasyo at may swing pa dito.

Nakahawak ang kamay namin sa isat isa habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Mamimiss kita." Sabi ko. Napatingin siya saakin.

"Ha?"

"I mean namiss kita." Sabi ko sa kanya. Bawal niyang malaman na ako ay galing sa present time at alam ko naman na once mawala ako may papalit saakin at yun ang totoong ako dito sa mundong ito.

"Me too." Sabi niya.

"Alam mo sa linggo na ang ating kasal. At yun ang pinakamasayang araw sa buhay ko." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya.

Yun din ang araw na mawawala ako.

"Ako din."

"Pagkatapos ng kasal gagawa agad tayo ng magmamana." Nanlaki ang mata ko at napalayo ako sa kanya.

At ayun tawa ng tawa.

"Pervert ka pala." Sabi ko sa kanya.

"Normal yun sa mag asawa." Sabi niya.

"Ewan ko sayo." Tatayo sana ako ng hinigit niya ako kaya napaupo ako sa lap niya at niyakap ako.

"Basta nandito ka lang sa tabi ko, bou na ang araw ko." Sabi niya. Napangiti ako di ko alam sweet pala tong lalaking ito.

Napangiti ako sa sinabi niya. Sa present kaya ganito din ba ang nararamdaman ni Blaze saakin?

Maybe not. Di nga ako kilala nun.

"Tanong ko lang... sa future ba ganito mo din ba ako kamahal?" Tanong ko sa kanya.

Napangiti siya at hinawakan ang kamay ko.

"Promise ko sayo... ikaw padin ang laman ng puso ko kahit sa future natin." Sabi niya. Sana totoo ang pangako niya.

"Uhmm... pwede bang lumabas tayo." Sabi ko. Napatingin siya saakin.

"Diba ngayon ang kasayahan sa bayan." Sabi ko mukhang ngayon lang niya naalala.

Napatango nalang siya.

*****

Patakas kaming lumabas ng palasyo at natawa nalang kami sa ginawa namin.

My Prince From The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon