Chapter 8: When the past memories must come back

1.4K 44 2
                                    

Another scene...
Makes your day/night beautiful!

Ipagpapatuloy...

*****
Lander Miles POV...

"Okey, next scene is magkikita na kayo ni Prince Won sa kagubatan!" Sigaw ni Miss Pres.

"Lights, Camera, and Action!" Sigaw niya.

Naglalakad ako grabe mukhang nasa past na nga ako. Wait dito yung....

*ROAR!*

Nanlaki ang mata ko.

"Waaaa!!" Paano sila nagkaroon ng ganitong kalaking tigre!

Napaupo ako sa sahig dahil natisod daw ang paa ko. Ganitong ganito ang nangyari saakin noon.

Palapit na saakin ang tigre... kakainin na niya ako!!!

Napapikit ako ng makarinig ako ng ingay ng espada. Kaya napamulat ako.

Nakita ko ang lalaking gusto kong makita. My Won...

My knight and shinning armor!

"Salamat..."

"May sira ba ang ulo mo? Bakit ka lumalabas sa bahay niyo na ganitong oras at dito ba talaga sa kagubatan ha." Sabi niya. Ganito ba talaga ang sinabi niya noon? Mukhang hindi eh...

Aish... nakalimutan ko.

"Eh sa napadpad... teka wag mo kong talikuran."sabi ko susundan ko sana siya nang napatumba daw ako mabuti nasalo niya ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko...

Nabigla ako ng binuhat niya ako. Kaya napahawak ako sa leeg niya at ang lapit ng mukha namin.

Dubdubdub...

Nagtitigan lang kami... walang imikan.

Napahawak ako sa mukha niya... sana totoo nalang ito.

Wala ito sa script ha...

Nagulat naman siya ng hawakan ko ang mukha niya.

Gusto ng tumulo ang luha ko pero pinipigilan ko ito.

"My Won..." mahinang sabi ko.

"Hey! Diba wala yan sa scene!" sigaw naman ni Marga sa gilid.

"Tsk... cut muna." Sabi ni Miss Pres.

"Panira ng moment oh. Okey na yun eh." Sabi naman ni Stephanie. Pero di padin ako binababa ni Blaze.

"Ibaba mo na ako." Sabi ko sa kanya.

"Ah..." binaba na niya ako.

"Sayang maganda na yun eh." Mahinang sabi ni Miss Pres.

"Are you okey?" Tanong ni Blaze. Tumango lang ako at ngumiti ng pilit.

"Okey lang noh..." sabi ko at yumuko.

My Prince From The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon