Chapter 9- Huli

2.2K 68 7
                                    

Lander Miles POV...

Ngayon ang huling taping namin dito sa palasyo at ang scene na ito ay ang pagkamatay ko dahil sa sakit sa puso. At ito na din ang pinaka kinakabahan ko sa boung scene na ginawa namin.

Nahihirapan daw akong huminga at nakahawak sa dibdib ko.

"Aaarrgghh!"

"Her Majesty... papunta na dito ang mahal na hari." Naiiyak na sabi ni Miss President mukhang ganito pala ang reaction nila nung mamamatay nako noon.

Napapikit nako at biglang bumukas ang pintuan. At nakita ko doon si Blaze na hinihingal kahit di naman tumakbo.

"My Nice!" Lumapit siya saakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Y-your majesty..." nahihirapang sabi ko.

"Nice, kumalma ka lang... please wag mo naman akong iwan." Nakatingin kami sa isat isa.

Hinawakan niya ang mukha ko.

"My Won.... alam ko na tayo parin ang magkakatuluyan sa susunod na buhay natin... kaya hayaan mo na akong magpahinga. Nandito naman akk palagi sa tabi mo nagbabantay sayo." Sabi ko sa kanya.

Napapikit siya habang umiiyak. Parang totoo tung ginagawa namin ha.

Nagiiyakan na din ang iba sa gilid.

Hinawakan ko mukha niya at.... unti unti kong nilapit ang mukha ko balak ko sana na sa ilong ko lang siya hahalikan ng gumalaw ang labi niya kaya ayun lips to lips kami.

Nanlaki ang mata ko at di nagtagal napapikit narin ako. Nararamdaman ko ang mga halik niya... ang natagal ko nang hinihintay na halik.

Muntik ko nang makalimutan mamamatay na pala ako. -___-

Bigla nalang bumagsak ang kamay ko at humiwalay na ang labi namin.

"Nice.. magkikita tayo sa susunod na buhay natin at tayo ang magkakatuluyan." iyak na sabi niya at niyakap niya ako

"Cut! Ang galing! Totoong totoo lahat!" Sabi ni Miss President. Napabangon ako at sinamaan ng tingin si Blaze. Painosente naman siya tumingin saakin.

"Blaze!" Tumakbo si Marga at pupunasan sana niya ang labi ni Blaze ng hinawakan niya ang kamay nito at di natuloy ang pagpunas.

Nabigla ako ng dinilaan niya ang mga labi niya na kinabilis ng tibok ng puso ko. Pervert mode siya...

At tinalikuran na niya si Marga. Masama naman niya akong tiningnan.

Di ko nalang siya pinansin at ang susunod na scene ay si Blaze lang ang gaganap at yun ang pamumunuan niya ng maayos at dadakpin ang mga lumalabag sa batas.

And the end...

"Salamat sa mga paticipation na ginawa niyo!" Sabi ni Miss President. Nagbow naman silang lahat.

"Wala po yun!" Sabi namin.

Napangiti kami at nagsabi si Ms President na kakain kami sa labas kaming lahat mamayang gabi. At ngayon magpapahinga daw muna.

My Prince From The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon