Chapter 7: Go to travel with you

1.3K 43 2
                                    

May exciting sa episode na ito...
Abangan...

******
Lander Miles POV...


"At sino ka?" Walang buhay na sabi ni Blaze.

"Ako si JR... manliligaw ako ni Miles." Seryosong sabi ni JR. Hala seryoso silang dalawa anong nangyayari?

"Manliligaw?" Tiningnan niya mula ulo hanggang paa. Anong ginagawa mo Blaze?

"Oo... bakit sino kaba? At kaano ano mo si Miles?" Galit na sabi ni JR.

Napatingin ako kay Blaze... kaano ano ba ako ni Blaze sa buhay niya? Importante ba ako sa kanya?

"Hindi ako nagpapakilala sa mga di ko pa masyadong kilala. And about kay Miles.... she's nothing to me." Malamig na sabi niya. Napayuko nalang ako...

Tumalikod na siya at lalakad na sana nang huminto siya.

"Baka nakakalimutan mo may practice pa tayo." Sabi niya saakin. Oo nga pala nakalimutan ko.

"Susunod lang ako." Sabi ko at lumakad na siya.

Humarap ako kay JR.

"May practice pa kami. Sige see you JR!" Sabi ko aalis sana ng hawakan niya kamay ko.

"Sama ako." Malababy niyang sabi. Napangiti ako at tumango.

Sabay na kaming pumunta sa Drama Club.

"Nandito ka na pal... who that boy, miles?" Tanong ni Ms. President.

"Si JR nga pala Ms President...."

"Mangliligaw niya." Napatingin lahat sa kanya.

"Ha!" Gulat na sabi nila. Grabe maka react naman sila.

"Ate Miles!" Napayakap saakin si Stephanie.

"Bakit?" Sabi ko.

"Halika!" Sabi niya at dinala malapit sa inuupuan ni Blaze.

"JR, umupo ka muna doon." Sabi ni John kay JR. Ngumiti lang ito at umupo sa tinurong upuan.

"May importante akong sasabihin ngayon... iniba ng judges ang story. At ang sabi nila gawin natin yung Video at magte taping tayo sa Korea!" Sabi ni Ms. President. Nanlaki ang mata namin.

"Po?!" Gulat na sabi ko.

"Ang gagawin natin ay... itutulad natin ang drama natin sa nangyari noon sa Joseon Dynasty na pinamumunuan ni King Leo. Diba nasa history niyo yun?" Sabi ni Ms. President. At ako nakatulala lang sa nangyayari.

Nakatingin ako kay Miss Pres parang may pinahihiwatig ang kanyang mga ngiti.

"Okey! Ito ang mga script ninyo." Kinuha ko yung script at agad binasa.

Nanlaki ang mata ko. No... di maaari toh. Di ko na siya pwedeng mahalin... dahil alam ko na di naman magiging kami sa isat isa.

"At natanggap ko na ang permission sa Dean at bukas na bukas lilipad tayo papuntang Korea!" Masayang sabi ni Miss President.

Ayun nagdiwang sila.

Di ko alam kung sasaya ako o malulungkot sa nangyayari.

Napatingin ako kay Blaze. Nakatingin lang siya saakin.

"May problema?" Sabi niya. Napailing ako at ngumiti.

"Excuse me lang ha." Sabi ko at tumakbo palabas ng Drama Club.

Dumiretso ako sa Rooftop at doon tumulo ang luha ko.

"Kapalaran ba ang may gawa nito? Grabe naman oh.... nag aadjust pa ako eh. Nagbibigay agad ng problema wala bang pahinga muna?" Wala na akong pake sa mga sinasabi ko wala namang makakarinig saakin eh.

My Prince From The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon