Chapter 6: What i am to you?

1.3K 46 0
                                    

Dito na ba magsisimula ang totoong love story niya?

Abangan...

****
Lander Miles POV...

Maaga akong nagising at umalis sa school. Masaya akong naglalakad sa daan di naman malayo ang school namin eh kaya nga lakarin ng 30 minutes.

Habang naglalakad napaisip ako paano kaya kung wala siyang nararamdaman saakin. Nabalitaan ko nga mga gf na siya.

Balita lang naman di ko alam ang totoo.

"Sana wala."

Naglalakad ako ng napadaan ako sa isang store at nakita ko ang isang napakapamilyar na bracelet.

At naalala ko yun ang bracelet ni Won! Agad akong pumasok sa loob at tiningnan ang bracelet may nakaukit doon na Nice... ito nga yun!

"Ms magkano toh?" Tanong ko sa nagtitinda.

"5,000 po maam. Totoo po kasi yan na bato." Sabi nung tindera. Ang mahal naman!

Kinuha ko yung pitaka ko at 2,000 lang ang laman nun.

"Uhmm.. pwede hulog hulugan lang yan miss?" Napailing naman siya. Paano kung may nakabili nang bracelet na yan?

Ayokong mangyari yun!

Lumabas nalang ako ng store at malungkot na naglalakad. Naman eh! Nandun na yun eh!

Basta babalikan ko yun!

Nasa room nako at tahimik na nakatingin sa malayo. Nandun na yun eh.

"Hello ate miles!" Napatingin ako sa sumigaw at si Stephanie lang pala yun.

"Hello din, Stephanie." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Parang may problema ka ngayon ate? Anong nangyari?" Sabi niya. Napailing ako at pinat siya sa ulo.

"Don't mind me." Sabi ko sa kanya.

"Kung yan ang gusto mo ate... nandito lang kami." Sabi niya. Napangiti ako sa sinabi niya. Kaya kinuwento ko nalang sa kanya.

"Hmm.. special pala sayo ang purselas na yun.... ito ate oh." Nagbigay siya saakin ng 5,000 na kinabigla ko. Mabuti pa siya mayaman.

"Nako wag na." Sabi ko.

"Ate... tanggapin mo na sige ka magtatampo ako sayo." Sabi niya.

Kinuha ko nalang at nagpasalamat.

Nagmamadali akong pumunta sa store na yun at nanlaki ang mata ko sa nakikita ko ngayon. Wala na ang bracelet!

"M-ms... sino nagbili ng bracelet dito yung blue ang kulay." Naiiyak kong sabi.

"Binili yun ng babae kanina." Babae? Sino?

"Ha... " napaatras nalang ako at naglakad palabas ng store. Gusto ko ng umiyak sa inis bakit ko pa kasi iniwan yan wala na akong babalikan.

(Hugot?)

Nakakainis naman oh!

Bumalik nalang ako sa school. Naglalakad na parang wala sa sarili. Ang layo kasi ng Korea sa Pilipinas di ko malakad nandun kasi yung pin eh remember niyo? Gusto ko yun makuha kapalit nung bracelet na nawala nalang saakin.

My Prince From The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon