drunken confession • junhui

120 4 4
                                    

"Zhei!" Sigaw ni Minghao mula sa labas kaya naman agad mo'ng kinuha yung jacket mo na kanina pa sa tabi mo at dali-daling sinuot 'to. "Zhei, pakibilisan. Please lang!"

Agad mo namang binuksan ang pintuan, bumungad sa'yo si Minghao sa may gate na hirap na hirap sa pagkakaakay kay Junhui, ang bespren mo'ng ubod ng gwapo't bait na may halong kakatihan sa katawan.

Napa-'tsk' ka nung malinaw mo nang nakikita ang kalagayan ni Junhui. Putangina, lasing ka na naman?! Napabuntong hininga ka at pinagbuksan si Minghao ng gate. Hay, good luck sa'yo. Nawa'y mapigilan mo ang sarili mo'ng masapak ang best friend mo.

Nung nakaraang beses kasi na naglasing siya, halos masapak mo siya dahil sa ang kulit nito kapag lasing siya.

"PUTANGINA JUNHUI HYUNG 'WAG MO AKONG HUBARAN— PUTANGINA ZHEI TULUNGAN MO AKO!"

"ZHEIIIII!!!! PAKISH NGA!"

Halos masapak mo talaga siya sa mukha nung gabing iyon. Ang kulit kulit tapos nasa kalsada pa kayo kaya naman nakakahiya talaga.

"Salamat, Zhei ha?" Sambit ni Minghao sa'yo at tinignan ang hyung niyang nakahiga na sa kama nito, mukhang tulog na. "Birthday kasi nung isang member sa dojo kaya ayun, nag-inuman."

Napabuntong hininga ka naman ulit sa sinabi ni Minghao sa'yo. "Pinipigilan ko naman siya pero makulit talaga eh. Alam mo naman 'tong best friend mo diba?" Wala ka nang nagawa kaya tumango ka nalang dahil totoo. Once na nakainom na kasi si Junhui, hindi na 'to titigil pa. Kaya bad choice talaga ang isama si Junhui sa mga ganito.

"Sige na Hao, umuwi ka na." Sabi mo kay Hao at inihatid siya hanggang sa gate. "Maraming salamat sa pagpalit ng damit niya dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka." Napangiti na lamang si Hao bilang sagot at umalis na.

Kahit naman kasi best friend mo si Junhui, nakakaano pa rin naman kasi diba? Baka mamaya, may gawing masama 'yang bestfriend mo sa'yo. Knowing Junhui naman, alam mo'ng makati 'yan.

Pero ang tanong, pipigilan mo ba? Syempre hindi, mahal mo eh. Gaga.

Napangiti ka nung makita ang maamong mukha ni Junhui habang natutulog. Hay, sana ganito ka nalang lagi. You chuckled at your own thought.

Akmang tatayo ka sana mula sa pagkakaupo mo sa gilid ng kama niya nang bigla ka niyang hawakan sa pulsuhan mo. Babawiin mo sana yung pulsuhan mo kaso, wala, malakas siya.

"Z—Zhei..." His voice trailed off. Napatingin ka naman sa kaniya nang nakataas ang isang kilay mo. Nako beb, mag-ingat ka na. Baka mamaya makagat ka na niyan... Joke.

Kahit naman na alam mo'ng lasing siya, sumagot ka pa rin. Parang nakaramdam ka kasi ng kung anong kaba nung tinawag ka niya.

"Oh?" Sambit mo at sinubukan mo'ng pumiglas sa hawak niya pero wala, malakas talaga siya kahit lasing siya't nakahilata sa kama niya. "Matulog ka na Jun— ACK! ARAY!"

In just a matter of seconds, hinila ka ni Junhui and you're now at the top— Nakadagan ka na sa kaniya dahil sa paghila niya sa'yo. NAKO BEB, AYAN NA.

Dahil may nakabukas ang lampshade sa bedside table, nakita mo yung mukha niya. Yung mata niya, nakapikit pero nakangiti siya. Luh, lufet. Charot.

"Alam mo ba na..." His voice trailed off again. "...Gusto kita?"

Nabato ka sa posisyon mo. Hindi mo alam ang gagawin mo. Aba naman, ang best friend mo for almost eight years nalasing lang, bigla nang aamin sa'yo na may gusto siya sa'yo? Ay nays.

Tumayo ka mula sa pagkakahiga mo kay Junhui. "Matulog ka na, lasing ka lang." And you tapped his shoulder  but you were stopped once again when Junhui talked.

"To be honest, I'm not that drunk." Amin niya at tumayo siya. "We're just acting."

Napalingon ka naman sa kaniya at nakita mo siya, nakangisi and your heart skipped a beat. Puta, bakit ba kasi ang pogi mo?!

You've been inlove with him for almost three years already. Hindi mo lang pinapahalata kasi nga diba, mag-best buddies kayo? Tsaka takot ka'ng masaktan. Takot na ma-reject. 'Yan ang laging nasa isip ko kapag iniisip mo na mag-confess sa kaniya kaso ayun nga, pinapangunahan ka ng takot mo.

"Zhei," sambit niya at nagulat ka nalang nang nasa harap mo na pala siya, caressing your cheeks. "Mahal na mahal kita pero pinangunahan lang ako ng takot. Takot na masira ang pagkakaibigan natin at takot na ma-reject."

With Junhui's confession, you don't what to do or say again. You felt speechless, your heart's doing these crazy beats and there are butterflies in your stomach.

"I—I love you too, Junhui." You confessed matapos mo'ng mahimasmasan sa sinabi ni Junhui.

Junhui face light up and dip down to give you a kiss on the lips.

ㅅ ㅅ ㅅ
i'm cringing while i'm writing this odg

dumpsiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon