"Hani, 'wag ka tumakbo! Baka may masagi ka!" Sita ni Jeonghan sa isang apat na taong bata pero tila ba hindi siya narinig ng bata at nagpatuloy pa din sa pagtakbo sa loob ng store. Napasapo naman siya sa noo niya't tinawanan siya ng namay niya.
"Pabayaan mo na muna," Sabi ni Mrs. Yoon. "Mamaya mapapagod din 'yan kakatakbo,"
Yoon Hani. She's Jeonghan's daughter. Actually, nung una hindi niya matanggap na anak niya ito dahil sa nagulat nalang sila nang isang gabi ay makita nila ang isang sanggol sa tapat ng bahay nila. May iniwanan na sulat ang nanay neto at sinasabing siya nalang ang bumuhay sa anak nila na aksidente nilang nabuo.
Now, Jeonghan's quite a fuckboy back then. At hindi niya inaasahang may mangyayaring gano'n. Nung una, nagdalawang isip siya pero pinilit siya ni Mrs. Yoon na kupkupin dahil sa kawawa ito.
"Ipapa-DNA test ko siya," sambit ni Jeonghan noong tatlong buwan pa lamang ang bata at nagulat naman sila sa resulta. Anak niya nga ito. Kaya nung tumagal din ay napamahal siya sa bata.
Pagtapos ng practice nila, inanunsyo na ni Seungcheol na pwede na silang magsiuwian at dahil may malaking responsibilidad si Jeonghan, agad agad nitong kinuha ang kaniyang mga gamit at agad na umalis.
"Anyare do'n?" Tanong ni Junhui at napakibit balikat nalang sila.
Nung tumagal, napapansin nilang iba ang kinikilos ng kanilang kaibigan. Parati itong nagmamadaling umuwi kaya naman napagdesisyunan nila itong tanungin.
Nang malaman nila ang sagot, lahat sila'y nagulat at hinampas ito dahil baka masira ang kanilang career once na malaman ito ng kanilang mga fans.
"Wala akong paki kung malaman nilang may anak ako," sabi niya na tila ba hindi natatakot na mawala ang kaniyang career.
Nalaman ito ng entertainment. Surprisingly, hindi sila nagalit. Sinabihan lang siya, i-balanse lang ang pagiging tatay at idol.
"Pwede ba namin siya makita?" Tanong ni Soonyoung sa kaniyang hyung.
"Papi!!!" Napabalik naman siya sa reyalidad. "Kanina pa kita tinatawag but you're not moving there," and Hani pouted. Napangiti naman si Jeonghan at lumuhod para pantayan ang height ng kaniyang anak.
"Nakapili ka na?" Tanong neto sa kaniyang anak at napatango naman ito. Hinila siya neto para ipakita sa kaniya ang kaniyang napili.
"Ito papi oh!" Masiglang sabi ng bata at tinignan naman ito ni Jeonghan. It was a beautiful white lace dress na bagay na bagay talaga sa kaniyang anak.
"Galing naman pumili ng baby ko," at humagikhik naman ito nang kilitiin siya ng kaniyang ama.
"Syempre po!" Nakataas-noo netong sabi at tumawa ulit nang kilitiin siya ni Jeonghan. "Mommy oh! Look what I've picked!" Sabi niya habang pinapakita sa lola niya ang kaniyang piniling damit.
"Ang galing galing naman pumili ng apo ko," nakangiti sabi nito. "Pabayaran mo na kay Papi mo 'yan," agad namang tumango ang bata't hinila ang kaniyang Papi papuntang cashier.
— — —
"Ready ka na, baby?" Tanong ni Jeonghan sa kaniyang anak habang unti-unting binubuksan ang pintuan ng kwarto neto.
"Not yet, Papi!" Masiglang sagot neto. "Ate Ja is still fixing my hair!"
Nang makita niya ang anak niya, hindi niya mapigilang mapangiti. Sobrang ganda ng anak niya. Kamukhang-kamukha niya nanay niya.
"Tara na po, Papi!" At hinila na siya paalis ng anak niya. "Babye po!"
Sa kanilang byahe, hindi naman mapigilang maexcite ng kaniyang anak. Ngiting-ngiti ito habang nakatingin sa labas.
"Yay! Andito na tayo!" Tuwang-tuwa na sabi niya't agad-agad bumaba ng sasakyan.
"Baby, mag-ingat ka! Baka madapa ka!" Sabi niya sa kaniyang anak na tumatakbo palapit sa isang lapida.
Moon Hyelin
19xx - 19xx"Hi Mami! Kamusta ka na?" Masiglang tanong ng kaniyang anak. "I hope you're doing fine diyan, Mami. Look oh! Binilhan ako ni Papi ng bagong dress! Ang ganda ganda! Parang ako," at parehas naman silang napahagikhik ng kaniyang anak.
Oo, patay na ang totoong nanay ng kaniyang anak. Namatay ito dahil hindi niya kinaya ang pag-iri sa kanilang anak. Ilang buwan ding pinahanap ni Jeonghan ang pamilya neto at buti nama'y nahanap niya at ayun nga, nabalitaan iyon.
Humingi siya matinding paumanhin sa mga magulang neto pero pinatawad naman siya dahil wala namang kasalanan ang bata dito at inamin din ng magulang ni Hyelin na napamahal ang babae kay Jeonghan.
Nakonsensya naman siya sa pagiging fuck boy niya dati kaya naman nangako siya na aalagaan niya ng maigi ang kanilang anak.
"Pasensiya, Hyelin."
- - -
bigyan niyo q tips on how
to make tulog ng maaga
kasi inuumaga ako mga besh
literal na ala sais ng umaga
na ako natutulog huehue
someone halp
BINABASA MO ANG
dumpsite
Acakcollections of one shots, short stories, epistolaries and etcs featuring seventeen