i'm better than him • mingyu

95 2 0
                                    

NOTE
hindi ko alam kung saan ko
ito nahugot jusmiyo

ㅅ ㅅ ㅅ

Halos maibato mo pati sarili mo sa kama ng bespren mo nang ihiga mo siya sa kama niya. Lasing na lasing ang bestfriend mo. Hindi naman siya ganito, yung naglalasing ng todo. Naglalasing lang naman siya ng todo kapag may problema siya eh. Teka nga.

"Hoy Minggoy," yugyog mo sa best friend mo'ng nakahiga sa kama ng flat niya. Tumugon naman siya nang tinawag mo siya at lalo mo siyang niyugyog. "May problema ka ba?"

Umupo naman siya't kinamot ang batok niya. "Wa—la," sagot niya at hindi mo mapigilang matawa nang sinukin siya.

"Utut mo, hindi ka naman magpapakalasing ng ganiyan kung wala kang problema eh!" Sabi mo sa kaniya't umupo sa harap niya.

"Wa—la nga k—asi eh!" He said in between his hiccups and you can't but to laugh even more. Enjoy na enjoy ka talagang makita mo ang iyong best friend na malasing todo. Once in a blue moon lang kasi maglasing ng todo si Minggoy kaya naman opporunity mo na 'to para kulitin siya at pagtawanan.

Bago mo pa man siya sunduin kanina sa bar, tumawag si Seungcheol sa'yo. Sinabing ayaw tumigil sa pag-inom ni Mingyu kaya naman napapunta ka agad ng bar at nakita mo sila nahihirapang alalayan si Mingyu. Nagpasalamat ka naman sa mga kaibigan niya at ikaw na ang nag-uwi sa kaniya sa flat niya.

"Alam m—o Wonu hyo—ng," sabi ni Mingyu at hindi niya pala alam na ikaw ang nag-uwi sa kaniya. Akala niya mga kaibigan niya ang nag-uwi niya.

Hindi ka nagsalita, pinabayaan mo siyang ilabas ang katotohanan kaya siya naglalasing. Ganito naman lagi kapag naglalasing siya. Pasabi-sabing wala tapos mamaya magk-kwento na.

Baka naman tungkol na naman 'to kila tita. Sabi mo sa sarili mo dahil gano'n naman ang laging dahilan kapag naglalasing siya ng todo. Nag-away na naman ang magulang niya. Walang katapusang away.

"Tang—ina ng pus—ong 'to!" Sabi niya't tinuro pa yung dibdib niya. "Mahuhulog na ng—a lang, sa tak—en pa! Punyeta—ng sinok 't—o!"

Hindi mo naman maiwasang matawa kaya naman nagsalita pa siya ulit.

"Ayan! Nari—rinig ko pa ta—wa niya hy—ung!" Sambit niya't sinabunutan ang sariling buhok. "Ayoko n—a!"

"Nako, lasing ka na talaga, Gyu. Matulog ka na," sabi mo't akmang iiwanan na siya para matulog pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Bakit siya pa pinili mo, Y/N?" Sambit niya at mas lalong nanahimik ang atmospera ng flat niya. "Mas magaling naman ako sa kaniya. Akala nga ng iba, tayo eh. Pero anong sinasabi mo? Best friend mo lang ako. Tangina, ang sakit. Hindi mo ba alam na sa bawat pagsabi mo no'n, nasasaktan ako? Hindi mo ba alam na handang-handa akong sagutin sila na 'Oo, kami nga.' pero hindi ko magawa. Bakit? Kasi best friend mo lang pala ako."

Napatigil ka sa sinabi niya. Hindi mo inaasahang magsasabi ng gano'n si Mingyu sa'yo. Hindi mo alam na gano'n pala ang magiging dating ng mga sinasabi mo sa iba tungkol sa kung anong meron sa inyong dalawa. Hindi mo alam na nasaktan mo na pala siya.

"Ang sakit tangina, hahahahaha." Walang emosyon niyang tawa na naging mga hikbi. "Ang sakit, sakit." At binitawan na ni Mingyu yung kamay mo.

"G-Gyu, lasing na lasing ka lang," pilit mong sabi sa kaniya at inalalayan mo siya papuntang kama niya. "Matulog ka na." At pagdating niya nga sa kama, nakatulog agad siya.

Sorry, Gyu.

ㅅ ㅅ ㅅ
putangines di q alam kung
anong pumasok sa isip ko
bakit naging ganiyan dAPAT
MAGIGING FLUFF KALALABASAN
NIYAN EH BAKIT NAGING GANIYAN TSAKA DAPAT SMUT JESKE— pota joke lang yung smut di aq marunong magsulat ng smut. aym inosens

dumpsiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon