I got stiffened when a very familiar scent filled my nostrils.
"Rey, bukas na ang interview. Ayos lang ba?" Mark asked as he took a seat beside me.
"Bakit bukas pa? Pwede naman ngayon."
"Baka kasi hindi ka pa handa sa mga itatanong ko." He said as he pinched the tip of my nose. Agad ko naman inalis ang daliri niya.
Feeler. Porke pumayag ako. Ano yun, close na kami?
"Oh. Ang sungit mo na naman."
"Whatever." Sabi ko na lang at dumiretsto nang upo.
I heard him sigh. Tahimik lang itong nakikinig sa professor namin sa MarMa (Marketing Management). Nahiya nga ako e. Ako itong top 1 sa klase tapos ako pa itong tamad.
"That's all for today. Please, prepare for your long quiz next Tuesday,"
"Miss Maliwag, ano po ang coverage nang long quiz?" Janice asked. I smiled. Ang sipag talaga kasi niyang mag-review.
"Day 16 to 21." Maiksing sagot ni Miss Maliwag. "Bye." And she left the classroom.
Mabilis na tumayo si Mark at agad na lumabas ng klase pagkaalis misimo ni Miss Maliwag. Gutom na gutom na siguro kaya hindi naisipang mag-yaya.
Inayos ko agad ang gamit ko at mabilis na tumayo. Kamuntik na akong matumba nang nakita ko si Mark na nakatayo sa tabi nang pinto. Pambihirang tao naman 'to! Nakakagulat! Akala ko ay dumiretso na sa Casa ang lalaking ito.
"Hay. Aatakihin ako sayo sa puso e. Ano ba ang ginagawa mo riyan? Ang akala ko ay dumiretso ka na sa Casa."
"Akala mo lang iyon. Naku! Mag-ingat ka dahil marami ang namamatay sa maling akala." Sabi nito at saka tumawa nang pagak.
Hinagis ko rito ang pamburang hawak ko.
"Umalis ka na nga! Epal ka lang e."
"Hahaha! I was just kidding. Hinihintay talaga kita."
I was speechless. Hindi na ako nakapagsalita, lalo na nang kinuha niya ang bag ko at binitbit palabas ng classroom.
"Hurry up! Gutom na ako." Nakangising sabi nito.
I walked fast over him.
"Sino ang mabagal ngayon? Ha-ha-ha!" I laughed in a sarcastic manner.
"Is it true that Rachelle Evans is smiling?"
My smile vanished away when I heard voices of girls talking about me. 😑
I'm not a celebrity, thus I don't understand why do people want to talk about my life.
Agad kong hinila si Mark papunta sa Casa at dinedma ang mga gossiper na walang magawa sa buhay kundi pag-usapan ang kapwa.
Tss. Papansin.
--
Tahimik lang kaming kumakain ni Mark ng biglang dumating si Gilbert at umupo sa tabi ko.
"Sabi na nga ba e. kunwaring nagkakainisan pero may secret affair pala."
Napairap na lang ako. Pambihira! Affair talaga?
"Affair talaga? Ginawa mo naman akong mistress." I pouted.
"Bakit? Ano ba dapat?" Secret lovers?" Tatawa-tawang sabi nito.
My forehead creased. "Ewan ko sayo, Gilbert. Kumain ka na nga lang." Naiiritang sabi ko rito.
Para naman kasing ewan si Gilbert. May nalalaman pang secret lovers. Kung alam niya lang na si Mark ang nag insist na ilibre ako ng lunch for two weeks kapalit ng pagpayag ko sa interview. Hahaha!
"Gilbert, would you stop pestering my girlfriend? Can't you see that she's eating her lunch?" Mark raised his right eye brow.
I was speechless again. Hindi ko magawang magsalita. Gosh! Palagi na lang ba akong ganito? Hindi makapagsalita sa tuwing nabibigla. I hate this!
"Okay. I will leave the two of you." Hindi ko na nakita ang reaksyon ng mukha ni Gilbert, narinig ko na lang ang papalayong hakbang at tawa nito.
What happened? Could someone tell me what happened? Please.
I glared at Mark. "What?" Painonsenteng tanong nito.
"Nice, dude! Playing innocent?" I asked, sarcastically. "Never show your innocent face to me, Mark Villanueva." Nanlilit ang mata ko sa lalaking ito e. "Why did you tell Gilbert that I'm your girlfriend when we're not!" Nanggigil na sabi ko rito.
"Oh. That one. I thought it would make things better. Kanina ka pa kasi niya inaasar e."
Things better? Abnormal ba siya!? Walang better doon dahil mas lalo lang kaming aasarin ni Gilbert.
"Walang better doon! Mas lalo lang niya akong aasarin-tayo!" Naiinis na sabi ko rito. Gusto ko na talagang ibato sa kanya lahat ng laman ng pinggan ko.
"Easy. Mukhang hindi naman siya naniwala e."
"Anong hindi? Bulag ka ba at bingi? Hindi mo ba nakita at narinig kung paano siya tumawa. Ako, hindi ko nakita ang reaksyon niya pero narinig ko kung paano siya tumawa!"
Lalo akong nainis ng hindi ito sumagot at nagkibit balikat lang.
"Arg! Nakakainis ka talaga!"
--
Hindi ko nililingon at pinapansin si Gilbert ng nakabalik ako sa klase. Iniwan ko na si Mark. Naiinis ako sa kanya. Parang ewan ang lalaking iyon, kung anu-ano ang sinasabi. May topak na yata iyon e.
"Rachelle..." I rolled my eyes as I heard Gilbert's voice.
"Oh. Bakit?"
"Asan na ang boyfriend mo? Bakit hindi kayo sabay bumalik?"
"Stop it, Gilbert. We're not a couple. He wont invite me in the live interview if I have a boyfriend. So, we're not."
Saglit itong nag-isip bago tumango. "Oo nga, noh? Sorry."
Hays... salamat at mukhang naniwala na rin si kuya. Sana nga lang ay tumigil na siya sa panga-asar samin.
"Oh. Mr. Villanueva, why are you late."
Agad akong napalingon sa back door ng class room namin, at doon ko unang beses nakitang sobrang galit si Mark.
"Dead." I whispered.
To be continued...
BINABASA MO ANG
A Bittersweet Girl (On-going)
General FictionSabi nila masayang magmahal. Pero bakit gano'n? Habang nagmamahal ako, nasasaktan ako. -Rachelle