Chapter 9

16 2 0
                                    

AN: The characters are above. I chose Zac Efron as Rachelle ex-boyfriend, Joe Villareal. This photo was taken when they were still together as a couple. Hehe

-

"Rey, sigurado ka ba rito? Pwede mo pa namang pag-isipan. Hindi naman kailangang mag madali."

Medyo naiirita na ako sa kakulitan ni Janice. She's my bestfriend pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya ako masuportahan sa ganitong desisyon. Ngayon lang naman ako pipili nang para sa sarili ko.

"How many times I need to say that I'm totally fine just to get your support? Janice, support lang naman ang kailangan ko."

Natahimik ito. Binaling nito ang atensyon sa maliit na bagaheng nakalapag sa sahig.

"It's not that I'm not supporting you. I'm just concern about your health. Kakalabas mo lang ng hospital one week ago pero gusto mo na agad magbyahe na walang ibang kasama kun'di si Joe lang."

"Hindi ko naman pababayaan ang sarili ko at sigurado akong hindi hahayaan ni Joe na may mangyaring masama sa akin. Kailangan ko lang itong gawin para malaman kung sapat ba ang pagmamahal ko sa kanya para bumalik kami sa dati."

Umasim ang mukha nito. Halatang naiinis sa pangyayari. Alam ko na naman kasi na kahit kailan ay hindi na siya naging boto kay Joe. Ayaw niya ito para sa akin sa 'di ko malamang dahilan. Tinanong ko siya noon nang maraming beses kung bakit ayaw niya kay Joe pero ang tanging sagot lang niya ay-

"He's not the right guy for you. You deserve better than him!"

Like I'd give a damn! Sino ang sa tingin niyang tamang lalaki para sa akin? Si Mark?

Parang sumikip ang dibdib ko sa isiping iyon. Muli kong naalala ang sandaling segundo ng halik na iginawad niya sa akin. He's a gentleman. Siya at si Janice ang palagi kong karamay sa hirap at ginhawa. Childhood friend ko si Janice at si Mark naman ay nakilala ko noong second year college.

Alam kong may iba sa relasyon naming dalawa at hindi lang iyon basta pagkakaibigan, pero ayaw ko na munang isipin iyon. I need to do this! I am true to my words. I promised Joe that I will give him a chance.

Kailangan ko rin siyang makasama kahit tatlong araw lang ang pinayagan ni Daddy. Gusto kong mas maintindihan ang mga rason niya noong iniwan niya ako. Gayon din ang biglaang pagbabago nang pakiramdam ko pagkatapos niyong insidente sa amin ni Mark.

Hay... Ang buhay ay talagang bilog. Paiikutin ka nito hanggang sa mawala ka na lang sa huwisyo.

"I'll help you pack you stuffs, but please promise me that you'll always update me about the happenings."

Binalingan na nito ang bagahe ko at sinimulang tiklupin ang gulo-gulong damit sa loob nito.

"And please, diretsohin mo si Mark kung ano ang kaya mong ibigay sa kanya. Kaibigan natin iyon at ayaw kong umasa siya sa wala. Kahit man lang ang pagkakaibigan niyo ay huwag mawala."

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi nakatingin sa akin si Janice habang sinasabi niya iyon.

-

Kabado ako habang tinatahak namin ni Joe ang daan papunta sa Terminal 4 dito mismo sa NAIA. Ang bigat ng mga hakbang ko. Pakiramdam ko ay may malakas na bisig na humihila sa akin pabalik sa Cabanatuan City. Pakiramdam ko ay iniwan ako nang kaluluwa ko at para bang nawala ang kaunting dugo na nagpapapula sa akin.

-

Palabas na ako nang bahay ng tumunog ang cellphone sa bag ko.

Mark is calling

Lumamig ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay may nabubuong yelo sa tiyan ko paakyat sa aking dibdib.

Namatay ang tawag pero wala pang isang minuto ay tumunog ulit.

Mark is calling

"Answer it, Rachelle!" Reklamo ni Janice.

Kinakabahan man ay sinagot ko pa rin. Hindi agad ako nagsalita.

"Totoo ba? You're going with your ex to Caramoan Island for three days?"

Mahihimigan sa boses nito ang pag aakusa. Wala naman akong ginagawang masama at saka hindi ko naman siya boyfriend. Siya pa nga itong nangungulit sa interview tungkol sa ex boyfriend ko.

"Mark." May diin ang pagbigkas ko sa pangalan niya. Sapat na para maramdaman niya na wala siyang karapatan na akusahan ako.

"Damn! I thought there's something I could hope for after the kiss. Ano nga bang aasahan ko sa bato at matigas na ulong tulad mo."

Nag init ang pisngi ko. Masakit ang mga sinabi niya at pakiramdam ko ay nagpantig ang tainga ko. Gusto kong umalma pero 'di ko na nagawa nang tumunog na ang doorbell.

I'm pretty sure na that it's Joe.

"Mark, I need to go. Talk to you when I got home."

"No need. I don't want to ruin our friendship. Kung walang pag asa ay maging casual na lang tayo sa isa't-isa. Let's just be civil."

-

"Give me your luggage, Rachelle."

Para namang wala sa sarili kong inabot ang maliit kong luggage kay Joe.

Hindi pa rin ako mapakali. Ayaw ko mang kumpirmahin ang nararamdaman ko pero nasasaktan ako. Para bang pinupunit na parang papel ang puso ko sa sobrang sakit. Hindi ko yata kayang maging civil kami ni Mark.

"Are you alright?" Asked Joe. Bakas ang pag-aalala. Sinipat pa nito ang noo ko para masiguradong wala akong sakit. "We should eat once we check in." Hinawakan nito ang kamay ko at iginiya na ako patungo sa loob ng terminal.

I'm not into restaurant kaya pinili ko na lang na bumili kami sa Duty Free. We bought sorts of imported foods, including my favorite Almond Chocolates.

I am a skinny person kaya sapat na sa akin ang tinapay at carbonated drinks. Pero itong si Joe ay hindi napigilang bumili pa ng dalawang burger at take out order sa Macy's.

"Wala pa akong ideya sa mga pakulo ngayon roon sa Caramoan Island. Pero ang alam ko ay may fire dance at battle of the bands na ginaganap doon tuwing summer ng gabi. Sa liwanag ay pwede tayong mag Island hopping at mag tour sa mga magandang spot doon."

Nilingon ko si Joe na halatang sabik sa mga gagawin namin sa Caramoan. Doon siya lumaki pero nang nag-high school siya ay lumipat sila nang pamilya niya sa Cabanatuan City at hindi na muling bumalik pa. Ang akala ko nga ay doob siya nagpunta noong iniwan niya ako nang walang paalam.

I smiled at him.

"We'll make good memories for those three days."

"Yeah. I'll prove to you that we're worth to be together again."

I managed to smile sweetly despite of the bitterness that I am feeling right now. Ayaw kong sirain ang tatlong araw na bakasyon namin.

To be continue ...

AN: Sorry for the short update. Sabaw din hehe! I'll make bawi sa susunod na update. Hehe. Thank you for reading and please continue. 😘

A Bittersweet Girl (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon