"Ano ba kasing nangyari at bigla ka na lang hinimatay? Sakto pa talaga sa harap ni Joe. Ayan tuloy- binubuliglig ka niya patungkol sa sakit mo. Tss." Janice sighed a deep breath at napa-face palm na lang.
"Ikaw naman kasi hindi mo sinagot ang mga tawag ko kanina." Nakasimangot kong sabi.
"Oh." Matagal itong hindi nagsalita at tumingala na parang nag iisip. Duh! As if-. "Sorry. Naka airplane mode ako kanina. Hehe." Nag-peace sign pa ang babae.
Napairap na lang ako.
"Seriouly? Airplane mode? Feel mo naman na nasa travel ka." Sarkastikong sagot ko.
"E ang kulit kasi ni Benjie- tawag ng tawag ang hunghang."
"Bakit kas hindi mo pa sagutin?"
"Never in his wildest dreams. Balik tayo sa topic."
Tinitigan ako nito ng mabuti. Medyo nailang naman ako sa titig ni Janice kaya napayuko. Para kasing hinahalughog niya hanggang kalooban ko.
Tumikhim ako sandali bago nagsalita.
"Alam mo naman na bawal akong ma-stress dahil bigla nalang akong nahihilo, 'di ba? Halos hindi kasi ako nakatulog nitong nakaraang araw kakaisip kung bakit kinontak ako ni Joe last week, at nag-text din siya sa akin pagkatapos ng interview. He was asking for second chance. Syempre na-stress ako ng bongga. After 2 years na walang komunikasyon ay bigla na lang ganoon."
Pumangalumbaba ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Oo. Inaamin ko na may nararamdaman pa rin ako para kay Joe pero minsan ay hindi sapat ang pagmamahal natin sa isang tao para balikan sila, lalo na kung may bagong tao na nagtatangkang pumasok sa buhay mo. I'm not the type of a person who love being in between pero sa ngayon ay ito ang mas mabuti para sa akin. May sakit ako at ayaw ko ng madagdagan pa ang problema ko dahil marami ng problema ang daddy ko.
Naramdaman ko ang init sa gilid ng aking mga mata. Bigla kong na-miss ang mommy ko. Kung sana'y buhay pa siya ay mabibigyan niya ako ng napakagandang advice. Siya ang tumayong bestfriend ko simula noong grade school hanggang high school. Wala akong masyadong kaibigan simula noon maliban kay Janice na kababata ako. Wala rin naman kasi akong kapatid, kaya noong nawala siya ay hindi ko talaga matanggap. Hindi ako makapag aral ng mabuti noon at hindi rin ako makausap.
Mommy, sana ay nandito ka ngayon. I miss you. Simula noong nawala ka ay parang gumuho na ang mundo namin ni daddy, maging ang pangarap natin. We need you here. Please, comfort us.
Nawala ako sa malalim na pag-iisip ng naramdaman ko ang marahang pagpahid ni Janice sa mga luhang lumalandas sa aking mata.
"Hays. Rey naman e. Naiiyak na rin tuloy ako sa'yo." Natatawang sambit ni Janice hanang pinapahid din ang mga luhang pumatak mula sa kanyang mata.
"Janice, mabait naman ako simula pa noong bata ako. Mapagmahal naman ako sa halos lahat ng tao kahit minsan ay nakakainis na sila. Pero bakit gan'on? Habang nagmamahal ako ay nasasaktan ako? Karamay ba talaga ng pag-ibig ang sakit?"
Hindi ko na napigilan at napahagulhol na ako.
"Ang sakit na kasi. Nawala na halos lahat sa amin ni daddy tapos nadagdagan pa ang problema namin." Sambit ko sa pagitan ng mga hikbi.
"Rey, nandito pa ako. Nandyan pa si Tito Roderik at kaming mga kaibigan mo. Please, don't loose hope. We love you." She hugged at hinaplos ang likod ko.
I am grateful to have Janice by my side kahit pa minsan ay nagiging maldita na ako sa kanya. Ang dami kasing problema. She is one of my great treasure.
"Tahan na, Rey. Mamaya ay darating na si Mark. Alam mo naman na ang lalaking iyon- nababaliw kapag nakikita kang umiiyak kahit nga busangot lang e."
Parang may kung anong kumabog sa puso ko sa sinabing iyon ni Janice. Alam ko na hindi lihim ang pagtingin sa akin ni Mark, halos ipangalandakan na nga niya sa school ang nararamdaman niya para sa akin. Pero hindi ko iyon pinansin dahil marami akong problema. Oo at minsan ay hindi ko maiwasan magbigay ng pag asa sa kanya pero sa tuwing nagigising ako sa katotohanan ay itinitigil ko iyon.
"Oh... Tahan na, Rey. Nandyan na si Mark."
Mabilis kong pinalis ang mga luha na lumadas sa aking mata. Hindi talaga ako pwedeng makita ng lalaking 'to na umiiyak. Kahit naman kasi palagi kaming nagtatalo nito ay talagang mananakit siya kapag nakitang nasasaktan na ang kaibigan niya.
I didn't look up. Naramdaman ko na lang ang lamig ng may tumabi sa akin.
"Rey, sino 'yung lalaking kasama mo kanina?"
I felt the cold air from his voice.
"Mukhang close kayo." Patuloy nito.
I didn't bothered to look up to him. I know that he's aware of my situation.
"Rey, aalis muna ako." Paalam ni Janice. I just nodded.
"Is he the guy that you were telling me from the interview?"
This time he got my attention- I looked up to see his face.
His eyes widened. He moved closer and wept away my tears.
"It hurts me when you cry. Kahit pa ang panget mo sa lahat ng anggulo, ayaw ko pa rin na umiiyak ka." I sobbed. Pambihira naman ang lalaking ito. Why is he so caring with me? "Kaya tumahan kana riyan kung ayaw mo na masapak ko iyong ex mo."
I pouted. Kahit kailan talaga ang lalaking ito. Argh!
"Stop pouting. It doesn't suit you."
I am not sure kung guni-guni ko lang iyon pero parang nakita kong namula ang pisngi niya bago tumalikod sa akin.
I moved closer, trying to see his face pero mas lalo pa siyang tumagalid. Nagb-blush ba siya?
"Stop it, Rachelle. I'm gonna kiss you if you didn't stop"
My eyes widened. He faced me. I felt like my heart stop beatin' when he moved closer.
I closed my eyes when I felt his lips.
To be continue
BINABASA MO ANG
A Bittersweet Girl (On-going)
General FictionSabi nila masayang magmahal. Pero bakit gano'n? Habang nagmamahal ako, nasasaktan ako. -Rachelle