Sabi nila na masama raw na halikan ang isang tao na hindi mo naman kasintahan. Pero excuse ba iyon? Kahit naman yata kasintahan mo na ang tao ay hindi pa rin maganda na halikan ito o makatanggap ng halik para rito. Hindi kasi maganda na hayaan mo mahalikan ka lalo na kung hindi naman kayo kasal. Iyon ang palaging sinasabi sa akin ng mga matatanda. Ang dami ko naman kasing kamag anak na matanda: mga tito, tita, lolo, lola, ate, kuya at magulang.
Pero noon pa naman 'yon, 'di ba? Iba na kasi ngayon? Pero excuse pa rin ba 'yon para suwayin ang gabay ng matanda. Kasi nakita ko naman kung gaano kaganda ang relasyon mga matanda kong kamag anak dahil ginawa nila iyon. Ang dami kasi nilang pamahiin e. Ang daming pinapaniwalaan.
Pero paano na 'yan? Nahalikan na ako kanina? First kiss ko iyon. Kahit naman nagka boyfriend na ako noon ay hindi naman ako nahalikan ni Joe sa labi. Palaging sa noo lang, sa pisngi, o kaya sa kamay. Palagi kasi siyang sinasabihan ng mga amigo at amiga ko. Takot lang siya sa mga pwedeng sabihin nito, baka isumpa ng mga ito ang buong pagkatao niya kahit mukhang wala namang katotohanan sa mga pamahiin nila.
I touched my lips. I can still feel his lips on mine kahit halos kalahating araw na ang lumipas.
Napangiti na lang ako sa kawalan. Nandito pa rin ako sa hospital at nagpapahinga. Ang sabi nang Dr. ay makakalabas na rin naman daw ako bukas kapag hindi ko pipilitin ang sarili ko na mag isip ng problema at kumilos sa hospital. Kailangan ko lang daw mag bed rest.
Gusto kong malungkot sa mga nangyayari sa katawan ko. Simula nang nagkaroon ako nang Fibromyalgia ay naging limitado ang mga pwede kong gawin. Hindi ako pwedeng ma-stress o mapagod, hindi rin naman pwedeng magpahinga ako araw-araw dahil mabilis manghina ang muscle ko. Tapos isa pang malungkot sa resulta ng test ay mayroon akong Cervical Radiculopathy. Ayaw ko nang isipin ang sakit na dumagdag sa akin. Nai-stress lang ako dahil ang panget ng ibig sabihin.
Maya maya ay napalingon ako sa bumukas na pintuan. Niluwa nito si Joe na may dalang isang basket ng prutas at dalawang juice.
I smiled at him. Sobrang laki ng pinagbago niya simula noong huli kaming nagkita 2 years ago. Mas nag mature ang hitsura nito, maging ang katawan niya.
He smiled back. Nag iwas ako nang tingin at itinuon lang ang mga mata ko sa magandang tanawin sa labas ng hospital. Pasimple kong tinapat ang kanang kamay ko sa aking puso. Hindi ko maintindihan kung bakit may iba sa pakiramdam ko ngayon. Hindi naman kasi ganito noong magkasama kami ni Joe kahapon.
Ang pagkaka alam ko ay sigurado ako na mahal ko pa siya at bigyan siya ng chance. Pero bakit parang may iba sa pakiramdam ko. Hindi ko rin maintindihan.
"Rachelle, are you alright? Do you want me to call the nurse?"
Halos napatalon ako sa pagkakaupo sa kama ng hawakan niya ako sa balikat.
"Hey. Are you alright?" Bakas sa mukha nito ang pag aalala.
"Joe." I can't face him. Kasi naman. Bakit kailangan dumating sa punto na malilito ako. Totoo ba talaga ang sabi ng matatanda na masisira ang love life ko kapag nangyari ang kissing scene sa dalawang tao na hindi naman mag asawa. Para namang ewan. Sobra naman sa pagiging Dalagang Pilipina.
"Rachelle, I'm sorry. Hindi ko alam kung paano ko aayusin ang gulong ginawa ko sa buhay mo. Alam ko na hindi naman ako dapat umasa na maaayos pa tayo dahil dalawang taon na ang nakakalipas simula nang iwan kita. Wala akong alam kung may iba na bang lalaki ang umaaligid sa'yo. Pero sana mabigyan mo pa rin ako nang chance to prove myself, kahit iyon lang."
Marahan kong nilingon si Joe pero mukhang mali yata ako. Guilt runs through my vein kahit hindi naman dapat. He seems depress at malalim na rin eyebags nito. Siguro ay hindi siya nakatulog pagkatapos ng insidente na nangyari kahapon. Hindi ko naman kasi alam na bigla na lang mag react ng ganoon si Mark, pero hindi ko rin naman ito masisisi.
BINABASA MO ANG
A Bittersweet Girl (On-going)
Ficción GeneralSabi nila masayang magmahal. Pero bakit gano'n? Habang nagmamahal ako, nasasaktan ako. -Rachelle