Chapter 17

0 0 0
                                    


[Tin's Pov]

  "Wait!" sabi ko na parang naiintindihan ng phone ko ang sigaw ko. ring kasi ito ng ring. binilisan ko na lang ang pagligo ko.

Nang mailagay ko na yung bathrobe sa katawan ko at lumabas ng cr ay agad ko ng kinuha ang phone ko na kanina pa nagriring para sagutin

"Hello?"

"Hello Tin! kelangan mong pumunta dito sa school. bilis!"

anonh meron? bakit ganito ang tono ng boses ni Mysty?

"Bakit? wala namang pasok ha?"

"Basta pumunta ka nalang dito. asap!"

Binaba nya agad ang phone nya. ano kayang problema ng babaeng yun? lakas ng trip

Umalis ako agad pagkatapos kong magbihis. pagdating ko roon ay sinalubong ako agad nila Mysty at Denisse sa gate palang.

"mabuti at nakarating ka na" sabi ni Mysty

"tara na agad sa court" hinawakan ni Nisse ang braso ko at hinila na papunta siguro sa court

"ano ba kasing nangyayari?!" pagtataka ko

"e kasi si Nate eh. hinamon pala yung Rico mo sa basketball at ang kapalit ay ikaw. kung sinong matalo ay lalayuan ka" paliwanag ni Mysty.

Nang magproseso na sa utak ko ang mga sinabi ni Mysty ay mabilis ko na silang pinuntahan sa may court. agad naman akong sinundan ng dalawa

Ewan ko kung bakit pero nagulat parin ako kahit na alam ko na medyo maraming tao pero nakisiksik parin ako para makaupo sa may bench

25-32 na yung score sa score board. favor kina Rico. hay.. Bakit ba nila to ginagawa!?  bakit ba to ginagawa ni Nate?!

"Go JB Go Aaron Go Nate!!" cheer nila Mysty at Denisse

"Wooahhh!! Go Aaron!! Woooaahhh!!" Sa gitna ng cheers nila. saka ko lang narealize na si Denisse na an pinaka malakas magcheer sa aming tatlo. ano bang pinakain dito ni Aaron? ganyan na ba sila ka-close? nakakapagtaka lang ha!

Natigilan lang sya at umupo sa Bench nang tinitigan na namin sya ni Mysty

Maya-maya pa'y biglang nagharap sina Rico at Nate. hawak ni Nate yung bola habang binabantayan sya ni Rico. mejo matagal ang ganung pwesto nila. naguusap yata sila.  maya maya ay binitawan ni Nate yung bola at sinuntok si Rico. lahat ng taong nanuuod roon ay nagulantang sa ginawa ni Nate.

Mabilis silang inawat ng mga malapiy sa kanila ng akmang gaganti si Rico ng suntok.

mabilis silang pinagkaguluhan ng mga taong nanunuod lang kanina.

Nagwalk out si Nate at nakita kong sina Jb at Mysty naman ang nagaaway. pinaalis na ng couch an mga tao roon kaya kami nalang ang natira.

"halika nga dito! ikaw talaga!" piningot ni Mysty si Jb  at umalis na rin.

"tara na tin" pag-aya sa akin ni Denisse nang makita nyang nagkatinginan kami ni Rico.

"Tin pwede ba tayong magusap?" tanong ni Rico nang lumapit ito bigla sa amin.

Sa totoo lang hindi ko alam kung magiging reaktyon ko. nagawa nila akong pagpustahan. dapat ba akong masaktan at umikyak?

Nasaktan kasi ako eh. hindi naman ako laruan diba? pero parang ganun yung tingin nila sa akin. pagpupustahan at kung sino ang mananalo ay sa kanya ako.

Paper RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon