Chapter 19

0 0 0
                                    


[Tin's pov]

Halos dalawang linggo na kaming naggu-group study ng mga kaibigan ko para lang maipasa nila Nate yung 3rd quarter at para lang maka-graduate sila.

Sa tuwing lunes ay binibigyan namin sila ng mga exams pagkatapos ay chini-check namin ito pagdating ng sabado.

Last day na ngayong linggo ang aming group study. the bukas na sila huhusgahan. talagang desidido na yung tatlo na matuto. marunong na rin kasi sila magmanage ng oras. lalo na sa oras ng pagaaral at oras ng pagliliwaliw.

[Nate's pov]

  Hayyy.. ang sakit ng ulo ko sa kakaisip. last day na rin naman ito ng group study namin. unfortunately pinahirapan na naman kami ng mga girls sa 1- 50 na exsercises. mejo mahirap nga yung mga pinapagawa nila pero ok lang naman. basta si Tin ang magtuturo sa akin.

Tumigil ako sa saglit sa pagsagot ng exam at napatingin kay Tin. at wow lang ha! tinulugan ba naman ako.

Nakasandal lang sya sa may armchair ng sofa. kaya may kung ano sa aking sistema na naeengganyo na titigan sya. wala naman masama kasi walang ibang tao dito sa sala. kami lang dalawa. yung iba kasi nasa kusina o kaya nasa garden.

Ang ganda-ganda kasi talaga ni Tin. hinawi ko yung buhok nya nakaharang sa kanyang mukha at inilagay sa likod ng kanyang tenga. at doon nagising na nga sya.

[ Tin's pov]

" Nate?"

Bigla akong nagising nang may maramdaman akong kamay na humawi ng buhok ko.

Nagulat ako..

As in napaayos ako ng upo nang makita kong si Nate pala iyon.

"are you ok?" tanong nya

"yes ok lang ako" habol-hininga kong sambit.

"you want water?"

"Hi-hindi na. teka, tapos ka na ba sa exam mo?"

"hindi pa. nakikita kasi kitang natutulog. baka kasi pagod ka na"

"hindi! hindi ako pagod. tapusin mo yang ginagawa mo"

Nagkibit balikat si Nate at sinunod na lang ang utos kong tapusin yung pinapagawa ko sa kanya. nakahinga ako ng maluwag.. after this kelangan ko na syang iwasan.

***

Kinabukasan,

ito na nga ang 3rd quarterly exam namin. kung alam nyo lang kung gaano ako kinakabahan sa tatlong ito. kung gaano ako kaporsigido na sana pumasa ang mga ito.

"get one and pass" sabi ni Ms. Mallari habang namimigay ng papers.

Nang makakuha na ako ng isang kopya, agad na akong nakahinga ng maluwag. nandito lahat ng mga tinuro namin sa kanila. sana ay maalala ng tatlo ang mga sagot dito.

****

Nagaabang na akp ng jeep pauwi ng bahay nan biglang may tumawag sa akin.

Paper RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon