Chapter 30

2 1 0
                                    

[Tin's pov]

  Chinarge ko ang aking phone kagabi kaya umaga ko na nabasa ang mga txt ni Nate sa akin

Pakiusap Tin. wag ka ng umalis. kung mahal mo parin ako magkita tayo sa tapat ng school. hihintayin kita doon

Bakit nagtxt si Nate ng ganito? bakit nya ako pinipigilang umalis?

"Are you ready Tin?" tanong ni mommy mang pumasok sya sa kwarto ko

"Yes mom"

"Ok. tara na"

Tinakpan ko ang aking bagahe at agad sumunod kay mom para sumakay sa kotse ni Dad. ready na kami para pumunta ng airport.

[Nate's pov]

  Nandito na ko sa may tapat ng school. dala dala yung mga paper rose na ginawa ko kagabi. hinihintay ko si Tin para ibigay ang mga ito sa kanya.

Excited na akong makita sya ulit at sabihin sa kanya kung gaano ko sya kamahal. pero at the same time kinakabahan din ako. ayokong mautal sa sasabihin ko.

[Tin's pov]

Nakarating na kami nila Mommy at Daddy sa airport. habang naglalakad kami ay narinig ko ang pagtawag ng aking mga kaibigan sa amin. nilingon naming tatlo ang mga ito.

Wala si Nate. tino-too kaya nya ang pagaantay sa akin sa may tapat ng school?

"Tin were here para magpaalam sa iyo" ani Denisse

"Mamimiss ka talaga namin"  Niyakap ko sina Mysty at Denisse

"Bye Tin. have a good and safe trip" pagkatapos ay sinaladuhan ako ni Jb.

"Uy Tin. paguwi mo pasalubong ha. size 9 lang" agad na siniko ni Denisse si Aaron sa tiyan dahil sa biro nya. pero natawa ako doon ha

"Ah Tin usap nalang tayo sa chat box" sambit ni Rico

"Ok sige"

"Bye Tin" anang lahat

Nagpaalam na rin ako sa kanila.

[Nate's pov]

Halos isang oras at kalahati na rin ako dito nakatayo at naghihintay kay Tin. darating pa ba yun? tss.. ngi hindi nga sya nagrereply sa txt diba maya pa'y biglang pumatak sa ulo ko ang ulan ng tatlong beses hanggang sa tuluyan na ngang umulan. yung mga paper roses na hawak ko ay basa na sila at mukhang di ko na sila maibibigay pa kay Tin.

Dahil sa pagod at basa na rin ako ay napasandal na rin ako sa may gilid ng gate. hindi ako susuko. alam kong darating sya.

[Tin's pov]

  Habang nakaupo ako nagaantay sa byahe at di parin mawala sa isip ko yung txt ni Nate.

Ang daming tanong sa utak ko. sabi nya kung mahal ko parin sya pupuntahan ko sya. tsss... nagdadalawan isip tuloy ako. gusto kong pumunta roon dahil mahal ko parin sya pero hindi na pwede dahil aalis na ako.

Paper RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon