Chapter 25

4 0 0
                                    

[Denisse's Pov]

  Pahinga at walang pasok ngayon sa bar. kasama ko an pamilya ko ngayong gabi.

"kamusta na kayo ni Aaron?" tanong ni Tatay habang kumakain kami

"Ok naman Tay"

"Kayo na ba?"

Muntik na akong mabilaukan sa tanong ni Tatay

"heyey! may kuya na ako!" wala pa akong sagot pero masaya na agad si Mei

"hindi pa po tay"

"ganun ba? pero anak.. ok lang aa akin na magkaroon ka ng boyfriend. hangga't hindi mo pinapabayaan ang pagaaral mo, susuportahan kita kung sino man ang mamahalin mo"

"Salamat po Tay"

Sakto naman ang pagdating ni Aaron na may dalang mga supot

"Hello po. may dala po akong mga ulam dito. tamang tama kumakain pala kayo" ani Aaron pagkatapos ay nagmano sya kay Tatay

"hala sige iho. umupo ka para kumain. Denisse kuhaan mo naman ng plato si Aaron"

Agad akong kumuha ng plato at ibinigay ito kay Aaron.

Tuwang tuwa naman sina Allan at Mei sa presensya ni Aaron. kaya ayun puro kwentuhan at tawanan ang nangyari sa buong hapunan.

***

  Pagkatapos ng hapunan ay pinayagan kami ni Tatay na umistambay sa labasan.

"ang dami ng nangyari. matagal na rin simula nung itinigil ko ang pagiging playboy, Denisse" sabi nya. seryoso.. treasure yan kasi minsan lang yan magseryoso.

"Talaga? katulad ng?"

"katulad ng.. minahal kita" humagalpak sya sa tawa.. " actually hindi ako ang nagpabago sa sarili ko, ikaw ang nagbago sa akin. nagiba ang tingin  ko sa mga babae simula nung makilala kita"

Nginitian ko sya. argg.. ang lakas ng tibok ng puso ko

"ako ang nagpabago sayo?" tinuro ko ang sarili ko

"Oo. dahil narealized ko na ang isang tulad mo ay hindi dapat pinapaiyak. tini-treasure ka kasi isa kang kayaman na sobrang mahalaga sa akin at kapag nawala ay sobra akong masasaktan"

Huminga ako ng malalim. dahil ang pakiramdam ko ngayon ay parang malalagutan ako ng hininga.

Muli syang nagsalita. this time hawak na nya ang kamay ko

"Denisse, hihintayin kita hanggang sagutin mo ako. di kita pagmamadaliin"

"thank you Aaron"

Sa ginawa nya ay lalo kong nararamdaman ang pagmamahal ko sa kanya.

[Tin's pov]

Hindi pa nags-start ang klase namin pero mukhang walang ganang makipagchikahan ang dalawa kong bestfriend.

Gumagawa sila ng Arts na pinapa-activity sa amin ng aming guro. ako naman ay kabaligtaran noon. tssk.. wala man lan makausap!

Gusto kong lumabas para magpahangin. pakiramdam ko ay maso-sophocate ako rito.

"Oy Tin san ka pupunta?" sigaw ni Mysty nang malapit na ako sa pintuan ng classroom

"jan lang magpapahangin" sabi ko nang lingunin ko sya.

Paper RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon