Epilogue

0 0 0
                                    

[Tin's pov]

After 4 years..

Kristine Divas, 21years old. i am a fresh graduate of b.s accounting, an ambassador for women's right and a happy fiancee of mr. Nate Teves.

About 3months from now ay ikakasal na ako sa aking pinakamamahal ng lalake. pagkatapos ng lahat ng mga nangyari sa amin ay pakiramdam ko'y ako ay kompleto na ako. wala na akong mahihiling pang iba. ang makasama si Nate ay sapat na.

"Base sa kwento mo, ikaw ang gumawa ng paper rose na ibinigay sa akin ni Jb noong nililigawan palang nya ako?"

Nakapangalumbaba si Mysty sa harap ng screen ng aking laptop. nasa Canada na sya ngayon kaya sa harap nalang ng skype kami nakakapagusap.

Nagpakasal sina Mysty at Jb dito sa pilipinas. ngunit sa Canada na sila naninirahan ngayon. dalawang super cute na kambal ang naging mga anak nila. Jillian at Macky.  when i have a family i want to be like them.  one big happy family.

"I think.. yan rin ang paper rose na binigay sa akin ni Aaron noon" ani Denisse sa kabilang linya ng screen. nakadapa sya habang kumakain ng popcorn.

Like Mysty, hindi na rin kami nagkikita ng personal ni Denisse. may sarili syang condo sa maynila. dahil ilang buwan nalang ay gagraduate na sya ng law. ang alam ko'y LDR sila ni Aaron. dahil si Aaron ay nasa Hawaii. naroon kasi ang naiwang business ng nasira nyang mga magulang. sya na ang namamahala ng mga iyon roon. well siguro ay kahit ganun ang set up nila Dennise at Aaron ay malaki parin ang tiwala nila sa isa't isa. nasubukan na ni Denisse yan dahil sa malaking pagbabago ni Aaron. hindi na sya playboy.

"Yap.. at tadhana na nga ang gumawa ng paraan para makuha iyon ni Nate" ngiti ko sa kanila.

"Swerte ang paper rose na iyon sa atin noh? kasi tatlong lovelife ang nabuo dahil doon. Destiny iyon" ani Dennisse..

"Tama ka jan.. sayang at nasira na iyon" Sumandal si Mysty sa kanyang upuan para humalukipkip.

"Oo nasira na. pero hindi ko iyon tinapon. guest what?.. nagawa ko pa syang ipa-frame"

Tumawa kaming tatlo dahil doon. natigil lamang ito dahil sa narinig naming pagbukas ng pintuan.

"Oh. anjan na pala ang fiance mo" ani Mysty

Lilingunin ko na sana ang pinto ngunit biglaan akong niyakap ni Nate sa aking likuran. hinigit niya ako mula sa aking tiyan at hinalikan sa may leeg.

"Oy.. mamaya na ha. off nyo muna ang computer. baka makita ng kambal ko" biro ni Mysty.

"Ano ka ba Mysty. mga baby pa ang kambal mo. hindi pa nila maapriciate yan!" tawa ni Denisse.

"Oy kayong dalawa kung ano anong pinagiiisip nyo jan!" saway ki

"Don't worry guys. hindi ko hahayaang may makakita kay Tin na wala syang saplot. poprotektahan ko sya" gatong pa ni Nate na ngayon ay nakatingin na sa screen.

Tumawa ng malakas ang dalawa. di alintana ang pamumula n aking pisngi. Umiling na lamang ako

"Sige na. i-ooff ko na ang laptop. may gagawin pa kasi kami"

"Ok Tin. you need a private time kaya naiintindihan kita"

"Sira! may dinner kami ng pamilya namin kaya i-ooff ko na itong laptop" depensa ko.

"Ok sabi mo eh" di mawala an pagtawa ni Mysty at Denisse sa skype.

In-Off ko na ang aking laptop at hinarap na si Nate. tinanggal nya an pagkakayakap sa akin at ngumiti.

"Are you ready?"

"Yes" tumayo ako at inabot ang kanyang kamay. pinagmasdan pa nya ang aking red dress bago magsimulang maglakad palabas ng aking kwarto.

"You look beautiful tonight" aniya

"You look handsome" sabi ko naman.

Nang nasa may hamba na kami ng pintuan ay bigla nya akong hinigit sa may bewang kaya napahawak ako sa kanyang dibdib.

"Akin ka lang ha!" bulong nya na nagpatawa sa akin.

"Oo naman. mahal kita eh"

He chuckle a little at pinagmasdan ang aking mga mata. pagkatapos ay lumipat ito sa aking mga labi.

Dahan dahan ay hinalikan nya ako.

"I love you kristine Divas!"

"I love you too Jonathan Teves"

The end...

Paper RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon