Chapter Eight- Twelve

256 1 0
                                    

Chapter Eight

Akala ko okay na talaga kami. Akala ko wala ng magiging problema, but then akala ko lang pala.

One night, I receive a text message from Anna. She told me she still loves me and I need to break up with Jam. I said no but she insisted. I never replied to her and shrugged that off, baka nagkaproblema lang sila ni Nathan. Weeks past and I got another message from her sa facebook, this time it has picture included in it.

Alam ko naman na hindi ako naging perpektong boyfriend kay Anna noon pero minahal ko siya. May mga bagay lang akong nagawa na hindi dapat pero alam niya na pinagsisihan ko na lahat iyon lalo na 'yun din ang dahilan bakit kami nag hiwalay. But I never thought, that same mistake will be the same reason why I needed to leave Jam. Yes, Anna blackmailed me that she'll post those pictures on Social Media if I will continue my relationship with Jam. Those nude photos of me and a random girl during a night out.

Those pictures were taken during a house party of one of Anna's friends and me. Hindi siya pwede noon so ako na lang ang pumunta. I got drunk real hard at hindi ko na alam ang ginagawa ko. Little did I know, may mga picture pala kami nang gabing iyon. Until now ay hindi ko pa rin alam kung sino ang nagbigay ng mga 'yun kay Anna and she's using those pictures to make my life misserable. Alam ko naman na maiintindihan ni Jam ang mga picture na 'yun sakaling makita niya but I jutst can't dragged her sa maaring maging epekto 'nun sa buhay ko The least thing I want is to hurt her.

Kaya pumayag ako sa gusto ni Anna.

Unti-unti iniwasan ko si Jam. Ang sakit sakit na makita siyang nasasaktan pero mas hindi ko kaya ang mapahamak siya. I just can't, mahal na mahal ko siya. I stopped texting her, I declined her calls and never replied to her messages on facebook. I ignored her kahit pa nahihirapan ako nagkasya na lang ako sa pagsilip sa kanya sa tuwing papasok at palabas siya ng opisina.

But one day ay hindi ko na talaga kinaya, It was our monthsary at mababaliw na ako kapag hindi ko pa siya nakita. Magkikita daw kami sa Startbucks sa may SM Pampanga nang araw na iyon. Sinadya kong magpalate kahit ang totoo ay nasa kabilang stall lang ako. I need to contain myself, baka kase hindi ko macontrol at mayakap ko siya bigla kapag nagkita kami agad. It took me an hour bago ko tuluyan napalis ang pagka miss ko sa kanya. Nagkasya na lang ako sa pagtitig sa mukha niya. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit hinayaan mangayari ito sa amin.

Nilapitan ko siya at akmang bebeso siya sa akin. Umiwas ako pero sa totoo lang gusto ko na siyang yakapin ng mahigpit at halikan ng one to sawa.

'Kung alam mo lang, Mahal ko.'

"Mahal, saan mo gusto kumaen?", she sounded so sweet.

'Namiss ko ang boses mo, Jam'

"Bahala ka.",sagot ko kahit ang totoo gusto ko ng sabihing mahal ko siya at sorry na.

'Hindi ka pa ba nasasaktan? Hindi mo pa rin ba ako bibitawan?'

"Sige mamaya na lang natin pagusapan 'yun. Gusto mo order kita ng kape?", alok niya, she cared for me still kahit nahihirapan na siya.

'Bakit mahal mo pa rin ako kahit sinasaktan kita?'

Umiling lang ako.

"Siya nga pala mahal, Happy Monthsary", she said smiling.

Inabot ang dog tag na gustong gusto kong bilin last week pa.

'Why do you have to make this hard, Jam?'

Inaya niya akong maglakad pero nauna ako sa kanya. Hindi ko siya hinihintay hindi para iwan siya o ubusin ang pasensyang meron siya. Ayoko lang makita niyang umiiyak na ako dahil hirap na hirap na rin ako sa sitwasyon naming dalawa.

Ram and Jam LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon