Chapter Five

196 3 1
                                    

           Simula noon ay umiwas na ako kay Ram. I never responded sa mga text messages niya and even decline all of his calls. Ayoko naman maging parang panakip butas lang sa kanya. Hindi ko alam, pero kahit wala naman kaming naging relasyon ay nasasaktan pa rin ako. Hindi kaya tuluyan na akong nahulog sa kanya? Huwag naman sana, baka kase masaktan lang ako. Alam ko naman na hindi niya ako kayang mahalin dahil si Anna ang greatest love niya. Ano nga naman ba ang laban ko sa kanya?

Ilang araw akong naging matamlay dahil tila sumuko na rin si Ram sa pangungulit sa akin. Bukas graduation ko na pero parang pang-burol ang mukha ko. Tumingin ako sa salamin, napakalalim ng mata ko at tila limang kilo ang eyebags ko. Hindi naman ako naging ganito nang maghiwalay kami ni Sherwin pero kakaiba ngayon. Parang may kulang sa akin simula nang iwasan ko si Ram.

Kinabukasan ay wala pa rin ako sa kundisyon. Pinipilit kong ngumiti pero hindi iyon umaabot sa aking mga mata. Napansin na nga ito nila Mama pero tumanggi na lamang akong magsalita. Kunumbinsi ko silang ayos lamang ako, na okay lang ang lahat at wala akong problema.

Naghanda ng celebration sila Mama para sa graduation ko, marami ang pagkain at marami rin ang pumunta. Masayang masaya ang mga magulang ko dahil napagtapos na nila ang kanilang bunso, ngayon daw ay sigurado na silang may maganda na akong kinabukasan. Silang dalawa ni Papa ang naghatid sa akin sa Graduation march ko at hindi nagtagal ay naging masaya na rin ako. Inisip ko na lamang na dapat maging masaya ako dahil naging proud ang mga magulang ko sa akin.

Umuwi kami sa bahay at dinatnan ang maraming bisita. Iba't ibang taong binabati ako. Ngunit sa gitna ng crowd ay may isang mukha akong hinahanap, alam kong alam niyang ngayon ang graduation ko pero pupunta kaya siya? Naghintay ako.

Lumalim na ang gabi at iilan  na lang ang natira sa mga bisita namin pero wala pa rin ang taong hinihintay ko. Para na nga akong tangang labas masok sa bahay sa tuwing may maririnig akong makina ng sasakyan na hihinto sa tapat ng bahay namin. Hindi na siguro siya darating kaya naman malungkot na lamang akong umakyat sa kwarto ko.

Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame ng kwarto ko. Tila walang hanggang kawalan ang nakikita ko, gaya ng tampong nararamdaman ko kay Ram. Wala naman siyang kasalanan dahil ako naman ang umiwas pero nasasaktan pa rin ako. Naiinis ako dahil hindi niya man lang nahalata na gusto ko siya. Hindi man lang niya naisip na baka dahil nagiging mabait siya sa akin ay baka mahulog ako sa kanya. Ang sakit lang isipin na dahil babae ako ay kailangan kong itago ang nararamdaman ko kahit pa gustong gusto ko naman siya. Ang tanga niya rin kase hindi man lang niya nahalata.

Hindi ko namalayan na unti unti na palang tumutulo ang luha ko. Agad ko iyong pinawi pero hindi ko mapigilan ang paghikbi. Ang sama ng loob ko dahil I felt unfair.  Palagi na lang kase akong nasasaktan ng mga taong gusto kong mahalin. Ang hirap talagang umasa na magustuhan ka ng isang tao lalo na kung sa iba siya nakatingin.

Muli, iniyak ko ang sakit na nararamdaman ko nang biglang bumukas ang pinto.

"Anak, may bisita ka. Babain mo muna", si Papa iyon.

"Opo, Pa.", sagot ko na pilit itinatago ang paghikbi.

Inayos ko ang aking sarili at nagpakatatag, hindi nila dapat mahalata na umiyak ako dahil sa isang lalaking ni hindi man nga nagkagusto sa akin. Pagtatawanan lang nila ako.

Bumaba ako sa hagdan at doon nakita ko ang isang lalaking nakatalikod. Dahil hindi ko suot ang contact lenses ko ay hindi ko naaninag kung sino siya. Lumapit pa ako ng kaunti hanggang sa mamukaan ko na siya. Isang pamilyar na pigura ang aking nakita saka siya humarap hawak ang isang pulang rosas.

Ram and Jam LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon