Chapter One

778 7 3
                                    

Two Lost Souls

(Ram and Jam Love story)

BY: Janine Santos Nicdao (Miracle Hope)

A manuscript

Sypnosis:

Ram met Jam habang nagmomove-on mula sa break up nila ng long-time Girlfriend nitong si Anna. What is funny about it is Jam also came from a failed relationship. Is it just a coincident or is it destiny?

They became friends and afterwards realized they are inlove with each other. However, their consecutive pasts continue to haunt them and ruin their brewing romance. Papasimula pa lamang ay tila wala ng pagasa ang dalawa. Pero kahit ilang ulit pang masaktan ay para bang hindi kayang maghiwalay ng dalawa. However, will love be enough to keep them going? Will they ever have their version of a happy conclusion? Will this two lost souls can find their home? Let us all sail through the real life story of Ram and Jam and learn how truelove works.





Chapter One

JAM: Nagmahal, nasaktan, iniwan.

"ring triangle" = 1/2 base * height = 1/2 * r * (2 * pi * r) = pi * r^2

Isa lang ang equation na 'yan sa bulto-bultong problemang hinaharap ko ngayon. Hindi ko na nga matapos tapos ang test na ipina-assignment ng professor ko sa calculus ay hindi ko pa alam kung maipapasa ko pa ang kursong pinasukan ko. Para naman kasi akong tanga.

Alam ko naman na hindi ko hilig ang numero at napakahina ng utak ko sa logic pero bakit sa dami ng kursong pwede kong pasukan ay eto pa ang pinili ko. 75 nga lang ang grade ko sa Algebra noong high school at halos dumugo ang ilong ko kapag pinagsama na si X at si Y. Ang tanga ko.

Gusto ko talaga ang magsulat ng mga tula, lathalain o kaya maiiksing kwento. Binalak kong kumuha ng Literature o kaya Journalism noon. Naging parte pa nga ako ng school paper namin noon e. Pero ewan ko ba, ang tanga ko lang kase talaga.

Wala na tuloy akong magawa ngayon kung hindi isubsob ang mukha ko sa patong patong na libro na pilitin ko mang intindihin ay hindi ko magawa. Tulad ng mga kaklase ko na hindi mag-kandaugaga kung kanino kokopya ay wala ring tigil ang utak ko sa pag-iisip. Nagbabakasakali.Paano kaya kung hindi ako naging tanga?

Okay naman sana ang buhay ko noon. Hindi ako matalino pero alam ko kung saan ako magaling at kung saan ako mahina. Matapang akong harapin ang mga bagay kahit pa alam kong ikakabagsak ko ito. Alam ko naman kase na kaya kong tumayo. Alam ko naman na matatag ako. Pero nilamon ako ng katangahan.



Paano?

Natuto akong mag-mahal.

Totoo pala ang sabi ni Mama sa Ate ko nang mabuntis ito at magasawa ng maaga. Nakakabobo ang mag-mahal. Parang vacuum cleaner na hihigupin ang lahat ng talinong meron ka. Kahit gaano ka pa katapang at katatag, magiging mahina ka. Totoo nga, mother's knows best.

Kaya lang, huli na. Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nawawalan ng control sa manibela ng buhay ko, Huli na nang malaman kong gaya ng marami, naging tanga na rin pala ako. Bobo!

Kung kailan ako napasama sa milyong-milyong umibig at nagpakatanga sa buong mundo, hindi ko alam. Ang alam ko lang ay kaisa pa rin ako sa mga taong hindi na makawala pa. Kaisa ako sa mga taong nilamon na ng Sistema ng pag-ibig. Kaisa ako sa mga ligaw na tanga.

Kung kailan ako lalaya, hindi ko rin alam.

"Hoy! Tulala ka nanaman diyan.", sigaw ng bestfriend ko. Si Raffy.

Paglabas pa lang naming sa tiyan ng mga nanay naming ay nag-aapiran na kami ng taong 'to. Siya ang bestfriend ko.

Alam niya lahat ang mga angal ko sa buhay. Alam niya ang lahat ng  mga gusto kong gawin na hindi ko nagawa at ang mga bagay na ginawa ko kahit labag sa loob ko. Kumbaga, siya talaga ang napagsasabihan ko ng mga sikretong kahit nanay ko ay hindi alam. Ganoon naman nga yata e. Mas kampante tayong mag-labas ng kung ano-ano sa mga bestfriend natin. Kung may taong makakaintindi sa akin, sigurado akong si Raffy iyon.

"Huy! Ano ba? Kanina pa ako nagsasalita dito, deadma ka lang.", sabay batok sa akin.

"Ah, sorry. Iniisip ko kase paano isosolve 'tong equation ko.", sagot ko na tila wala pa rin sa sarili at ipinagpatuloy ko na lamang ang pagsusulat sa notebook ko. Kahit ang totoo ay hindi ko pa rin alam ang sagot sa problema ko. Oo, sa problema ko sa assignment at sa buhay ko.

Hinablot ni Raffy ang kamay ko at dinala ako sa cafeteria ng Don Honorio Ventura Technological University, ang eskwelahan na sabay naming pinasukan. Dahil wala sa sarili ay namalayan ko na lamang na wala na ako sa classroom namin at nakaupo na kami sa isa sa mga bakanteng upuan sa kantina ng University.

Ngayon ay mas dumami ang ingay na aking narinig mula sa iba't ibang estudayante at tao sa loob ng gusaling iyon. May mga estudyanteng nagkacram daw sa exam, isang lalaking nagrereklamo dahil feeling major ang minor subject niya, isang babaeng naiirita dahil sinigil ng piso sa banyo kanina, mga professor na hobby ang paguutos sa mga estudyante at feel na feel kapag hinahabol sila maexempted lang sa exam at marami pang ibang ingay na tila humalo sa stress na nararamdaman ko. Iritang irita ako.

"Bakit mo ba kase ako dinala dito?", inis kong reklamo sa kaibigan kong si Raffy.

"Ano ba ginagawa sa canteen? Edi para kumaen.", sabay subo sa isang kutsarang lasagna na naorder na pala niya nang hindi ko napapansin.

"Ayokong kumaen, may gagawin pa ako.", akmaang tatayo na sana ako nang bigla siyang nagsalita.

"Kung hindi mo na kaya, tigilan mo na. Hindi ka magiging masaya kahit ipilit mo pa.", sabay subo muli ng kinakain.

Hindi na ako sumagot pa. Nagpatuloy na lamang ako sa pag-alis. Sa totoo lang ay tapos na ang klase ko para sa araw na iyon. Ayoko lang talagang umuwi dahil lalo lang akong magiisip kapag magisa ako. Kapag wala akong nakikitang ibang tao. Kapag kase ganun' ay lalo kong naiisip ang mga maling desiyong ginawa ko.

Tinahak ko na ang kahabaan ng Bacolor Rd. hanggang sa makarating sa kanto kung saan ako sasakay saka ako pumara ng jeep pauwi. Kakarag karag na ang nasakyan ko na tila sing-tanda na ng nagmamaneho. Sa tabi niya ay isa pang matandang babae na puno na rin ng uban. Mag-asawa siguro sila.

Nakakatuwang pakinggan ang mga kwentuhan nila. Tila nalibang ako sa bawat halakhak nila. Nagagalak sa tuwing pupunasan ng matandang babae ang noo ni Manong drayber na pinagpapawisan sa init ng araw. Mahal na mahal nila ang isa't isa.

Ako kaya?

Nagising na lamang ako sa mulat kong panaginip nang mapansing malapit na ako sa kanto pauwi sa amin.

"Para po, ken mu pong kantu", sigaw ko.

Pinihit ni manong drayber ang preno saka nagsalita, "Mingat ka nang, kalagu mo pamo".

Nakangiti akong bumaba ng jeep ni Manong saka na naglakad pauwi. Lumulutang pa rin ang isip ko hanggang sa unti unti ko ng nararating ang bahay namin. Isang araw nanaman ang natapos.

Ram and Jam LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon