Chapter Three

273 4 0
                                    

Chapter Three

Masakit ang aming paghihiwalay, kung kailan mawawala ang sakit...hindi ko alam.

Maraming nagbago simula nang maghiwalay kami ni Sherwin, for the first time in five years I felt freedom. Naging Malaya ako sa mga bagay na gusto at ayaw kong gawin. I am very happy.

Ipinagpatuloy ko ang kursong Civil Engineering para na rin sa aking mga magulang, ilang buwan na lang naman ay matatapos ko na ito. Napakarami ko na ring kayang gawin na hindi ko inakalang kakayanin ko noon. Aaminin ko, mas masaya ako ngayon.

Masakit pa rin naman ang maghiwalay kami ni Sherwin pero hindi ko na kaya pang lokohin ang sarili ko, hindi na ako masaya sa kanya.

"Miss, kasali ka ba sa tree planting? Nagsisimula na kase.", boses iyon ng isang lalaki. Tumingala ako at nakita ko ang mukha niya.

'Gwapo naman neto', sabi ng isip ko. Dahil tulala ako kanina ay hindi ko narinig ang nauna niyang tanong. Inuna ko kase ang kilig.

"Ha?", maang kong tanong.

"Sasali ka ba sa amin o tutulala ka lang diyan?", tila suplado niyang tanong sa akin.

"A, e oo sa-", hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil dumating na si Raffy.

"Uy, Ram. Si Jam nga pala, bestfriend ko. Jam, si Ram. Siya 'yung Graphic designer ng KKPK. Siya 'yung nagdesign ng mga materials for today.", pakilala ni Raffy sa amin.

"Nice meeting you, Jam", sabay lahad ng kamay sa akin ng lalaki.

"Same here.", sagot ko naman saka ko siya binigyan ng pinakamatamis ko na yatang ngiti. Ang gwapo kase e.

"Sige sunod na lang kayo, Raffy.", saka na siya umalis. Tanging tango na lamang ang naiganti ko sa paalam niya.

Sinundan ko na lang ng tingin si Ram. Napakabango niya at napakaamo ng mukha. Sa totoo lang ay hindi talaga siya gwapo na mala-Daniel Padilla pero there's something about him that is very gentle that gives him an impacting appeal. Unang tingin ko pa lang sa kanya ay kakaibang kaba na ang dulot niya sa dibdib ko. Ewan ko ba. I never felt this way before, siguro ay matinding paghanga lang or attraction ang naramdaman ko. Nakatingin pa rin ako sa kanya nang biglang may bumatok sa akin.

It was Raffy.

"Aray ko naman Bff! Makabatok, wagas!", reklamo ko sa kanya.

"Gaga, 'yung laway mo tumutulo na. Type mo 'no?", pangaasar niya sa akin.

"Hindi. Baka ikaw? Siguro nagbalik loob kana 'no, Raffaella Angela Aldama?" , balik ko sa pangaasar niya.

"Hindi ah, lalaki 'to!", sabay mwestra ng muscle niya.

"Ay nako. Sige na. Oo na, ikaw na ang pinakagwapong tomboy sa buong mundo!", at saka kami nagtawanan. Pero hindi pa rin ako tinigilan ni Raffy.

"Crush mo si Ram? Single 'yan.", asar niya sa akin.

"Ewan ko sa'yo!", saka ko na siya inayang sumama sa mga member ng KKPK o Kapampangan Ku Pagmaragul Ku. Isa itong non-government organization na sinalihan ko bilang parte ng Moving-on ko. Actually, si Raffy ang nagsama sa akin dito pero ang ipinagtataka ko ay marami-rami na rin akong nasamahang misyon ng grupo pero ngayon ko lang napansin si Ram. Hindi lang siguro siya palasama. Ewan, bigla na lang din ako naging interesado sa kanya.

Wala akong ginawa nang araw na iyon kung hindi pasimpleng titigan siya.. May mga pagkakataon pa ngang nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya. Isang beses pa nga ay nahuli ko rin siyang nakatingin sa akin. Kakaibang kilig ang dulot sa akin ng pagtatama ng mga mata namin. Hindi ko alam, pero sobrang kabog ng dbdib ko sa tuwing napapalapit ako sa kanya.

Ram and Jam LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon