Chapter Two

313 2 0
                                    

Chapter Two

Marahil dahil na rin sa dami ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan ang tila traffic sa edsa na mga sasakyang nakapark malapit sa bahay namin. Dire-diretso akong pumasok sa gate at akma ko na sanang bubuksan ang main door namin nang bigla itong kusang bumukas.

Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng Mama ko. Niyakap niya ako. Nagulat ako dahil hindi niya iyon madalas gawin sa akin. Inalis niya ang pagkakayakap niya sa akin saka nagsalita, "Masaya ako para sa'yo anak."

Nalilito ako dahil sa likod niya ay maraming tao. Ang ilan ay pamilyar sa akin samantalang hindi ko naman kilala ang iba. Ngunit nagimbal ako sa taong lumutang sa gitna nila. Si Sherwin.

Si Sherwin ang boyfriend ko. Simula highschool ay kami na kaya naman iniisip ng ilan na forever na kaming dalawa. Perfect match nga ang tawag ng ilan sa amin.

Gaya ni Raffy ay kababata ko rin siya. Halos tatlong taon ang tanda niya sa akin pero isa iyon sa mga nagustuhan ko sa kanya. Napakamature niyang magisip. Nakaplano at estimate ang bawat kilos at desisyon niya. Responsible ang gentleman, 'ika nga ni Mama.

4th year high school ako nang manligaw si Sherwin sa akin at dahil kaibigan nila Mama ang pamilya nila ay madali niyang nakuha ang loob ng mga magulang ko. Naalala ko pa nga na si Mama pa ang nagsabing sagutin ko na siya matapos ang halos tatlong buwan niyang pag-akyat ng panliligaw.

Sa una ay napakasaya namin. Alam ko na mahal niya ako at sobrang mahal ko rin siya. Pero hindi pala sapat na mahal mo lang siya. Hindi sapat na gusto mo siya. Hindi palaging sapat ang 'I love you'.

Unti-unti ay lumutang ang mga bagay na hindi namin pinagkakasunduan. Ang mga maliliit na bagay ay lumaki. Ang mga tampuhan ay naging away. Umabot sa puntong hindi ko na siya kilala. Pero dahil mahal ko siya, inisip kong pagsubok lamang ang lahat, na magiging okay ang lahat at babalik kami sa dati pero mali ako.



Ang mga away ay lalong tumindi at ang mga sugat ay lalong lumalim. Ang dating 'kami' ay naging 'siya' at 'ako' na lamang. Ang mga lambingan ay naging sumbatan, ang dating matatamis na salita ay naging masasakit na. Naging bilanggo ako at siya ang kadenang pilit na isinusukol ang puso ko. Hanggang siya na lamang ang kumokontrol sa buhay ko.

Tumagal pa kami at habang lalong humahaba ang aming pagsasama ay lalong lumalala ang mga problemang isinantabi ko na. Dumating sa puntong siya na ang nagdedesisyon sa buhay ko.

Mula sa isusuot ko hanggang sa kakainin ko ay siya na ang nasusunod. Ayos lang naman sana dahil alam kong concern lang siya sa akin. Ngunit nang tumagal ay nakeelam na rin siya sa mga mahahalagang bagay sa buhay ko. Gaya na lamang ng kursong kukunin ko noon. Alam niyang gusto ko talaga ang Journalism ngunit tumutol siya, at doon na nagsimula ang kalbaryo ko.

Nang mabalitaan niyang nababalak ko ng mag-enroll sa kursong nagugustuhan ko ay agad niya akong kinompronta. Nang tumanggi ako ay isang malutong na sampal ang natikman ko mula sa kanya. Nabigla ako. Natakot.

Matagal akong sinuyo ni Sherwin. Halos araw-arawin niya ang pagpunta sa bahay namin mapatawad ko lang siya. Hindi nagtagal ay lumambot rin naman ako. Naging kami ulit. Mahal na mahal ko kase siya, kaya pinatawad at sinunod ko muli ang lahat ng gusto niya.

Akala ko iyon na ang huli. Hindi pala.

Nasundan pa iyon ng ilang pananakit at masasakit na salita ngunit sa tuwing sinusubukan kong iwan siya ay pinangungunahan ako ng takot. Takot na baka hindi ko makaya ang buhay na wala siya.

At eto siya ngayon sa harap ko. Nakaluhod. Nakangiti hawak ang isang munting kahon. Binuksan niya iyon at ito'y naglalaman ng isang singsing. Kinabahan ako sa mga susunod niyang sasabihin. Sa susunod niyang gagawin.

"Will you marry me?", tanong niya.

Kasabay noon ay ang kanta ni Yeng Constantino na "IKAW" na pinatugtog marahil upang makadagdag sa romance ng aming eksena. Awtomatikong napatakip ang mga kamay ko sa aking bibig. Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil kanina lamang ay iniisip ko na kung paano hihiwalayan ang taong ito at ngayon ay inaaya niya na akong magpakasal. Siya nga kaya ang gusto kong makasama habang buhay? Siya na ba?

Unti-unting pumatak ang mga luhang matagal ko ng kinikimkim. Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling umiyak, pero ngayon ay inilabas ko na lahat.

"Hey , Baby? What now?", untag niya sa akin.

Umling lamang ako. Bakas sa mukha niya ang pagtataka, hindi lamang siya dahil maging ang mga taong naroon ay hindi ineexpect ang tila pagtanggi ko. Huminga ako ng malalim saka ako nagsalita.

"I'm sorry, but I can't" , sabay takbo palabas.

Hinabol niya ako at dahil tila hapong hapo na ako ay madali niya akong naabutan. Nahagip niya ang kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit. Kitang kita ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Jam, ano 'yun? Bakit?", tanong niya.

"Sorry, hindi ko pa kaya. Mga bata pa tayo.", tanggi ko.

"Hindi naman agad-agad ikakasal tayo. This is just an engagement for us to be sure na tayo na talaga. Baby, come on.", tila sumamo niya sa akin.

"Sorry. Sorry.", habang patuloy sa pagiyak at pag-iling.

"Bakit?", litong tanong niya muli.

"Hindi ko kayang pakasalan ka. Hindi dahil hindi kita mahal, mahal kita Sherwin. Diyos ko, alam mo 'yan. Pero ayokong mabuhay sa takot. Ayoko ng mabuhay dahil nadyan ka. I want to be just me, not just Sherwin's girl.", iyak ko. Hindi ko kayang pakasalan siya. Hindi ko kayang mabuhay pa sa takot. Gusto kong kahit ngayon lang ay ako naman ang masunod sa buhay ko.

"Iyon pa rin ba Jam huh? Matagal na 'yun. Hindi na 'yun mauulit. Please naman.", pakiusap niya. Kitang kita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya. Nasasaktan din ako dahil mahal ko siya.

"I am sorry. Hindi ko talaga kaya. Baka kailangan muna natin maghiwalay. Baka kailangan muna natin hanapin ang mga sarili natin, baka hindi pa ito ang tamang panahon para sa kasal. Sorry, but I really can't.", umiiyak ko pa ring sagot sa kanya.

Unti-unting lumuwang ang hawak niya sa kamay ko. Naglakad siya palayo sa akin saka siya nagsalita, "Mamahalin kita hanggang sa maging handa kana.".Iyon lang at tuluyan na siyang umalis. Kasunod ay ang buong pamilya niyang tila diskumpyado rin sa inaasahang kasiyahan na nauwi sa isang paghihiwalay.

Ram and Jam LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon