Chapter Six

195 2 1
                                    

Chapter Six

Everything seems to be okay. Until one day, bigla na lang siyang nagbago. Bigla na lang dumalang ang pagdalaw niya sa bahay namin. Hindi na rin niya ako sinusundo o hinahatid. All of a sudden, 'yung taong dating kilalang kilala mo became a stranger.

Madalang pa sa patak ng ulan kung sumagot siya sa mga text message ko, dinedecline ang mga tawag ko. Halos lumayo rin siya sa akin sa tuwing magkasama kami. Nasasaktan ako pero mahal na mahal ko siya. I need to find out what's going on. I need to know kung bakit bigla na lang siyang parang nawawala sa buhay ko.

7th monthsary namin nang inaya ko siyang magmall. Hindi niya ako grineet samantalang noon ay maaga palang may pabulaklak na siya sa akin. Nagtatampo man ay isinantabi ko iyon, ayokong masira ang araw namin dahil lang sa maliit na bagay.

Magpapasundo na sana ako sa kanya pero tumanggi siya. Magkita na lang daw kami sa mall, may gagawin pa raw kasi siya. Hinayaan ko na lang, baka nga busy siya.

Ala-una ang usapan namin na magkikita sa starbucks sa may SM Pampanga pero alas-dos na nang dumating siya. Matagal man akong naghintay ay nginitian ko pa rin siya. Ayokong mahalata niya ang sakit na nararamdaman ko dahil deisidido na akong ayusin ang kung ano mang problema ang mayroon kami.

Bebeso sana ako sa kanya ngunit umiwas siya. Hinayaan ko na lang.

"Mahal, saan mo gusto kumaen?", malambing kong tanong sa kanya.

"Bahala ka.", matipid na sagot niya.

"Sige mamaya na lang natin pagusapan 'yun. Gusto mo order kita ng kape?", alok ko.

Iling lang ang sagot niya. Napuputol na ang pasensya ko pero hinayaan ko na lang. Magiging okay din kami.

"Siya nga pala mahal, Happy Monthsary", sabay abot ko ng isang maliit na kahon. It's a dog tag that has his name engraved on it. Hindi man lang niya binuksan iyon, tumango lang siya sa akin. Sumunod ang nakakarinding katahimikan.

Hindi nagtagal ay inaya ko siyang maglakad lakad, napakabilis niyang maglakad. Tila halos ayaw niya akong sabayan, ako naman ay patuloy na humahabol sa kanya. Naiiyak na ako pero hinayaan ko lang siya.

Hinawakan ko ang kamay niya nang maabutan ko siya pero tinanggal niya ang pagkakahawak ko. Nabigla ako at napansin niya iyon, nang makita niya akong tila natulala ay muli niyang hinawakan ang kamay ko. Iba na ang hawak niya, wala na ang dating init. Napaluha ako lalo na nang muli ay mauna siyang maglakad at binitawan ako.

'Why are you slowly fading away?'

Lalong lumaki ang agwat namin.

'Why are you changing?'

Tila nawawala na siya sa paningin ko.

'Why do we have to be this way?'

Tumigil ako sa paglalakad. Sigurado na ako, hindi na siya ang Ram na minahal ko. Lumingon siya sa akin.

'Bakit sinasaktan mo ako ng ganito?'

"Ano ba?Bakit ba umiiyak ka?", Tila naiirita niyang tanong sa akin. Dahil doon ay naputol na ang lahat ng pasensyang meron ako.

"Ano bang problema mo, Ram? Bakit ka ba nagkakaganito?", tanong ko at tuluyan na akong naiyak mg malakas.

"Wala. Ihahatid na kita. Tara na!", kukunin niya sana ang mga kamay ko pero tumanggi ako.

"Kaya kong umuwing mag-isa!", pagmamatigas ko at tuluyan na akong lumbas ng mall. Hinabol niya ako at ako'y agad naman niyang naabutan.

"Ano'ng arte ba 'to Jam? Tumigil ka na nga sa kaartehan mo!", sigaw niya.

Ram and Jam LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon