EVE.
“Uy Nats, may payong ka?” tanong sa'kin ni Kate. Seatmate ko.
Umiling ako.
“Wala kate, eh. Sorry”
“Okay lang. Manghihiram na lang ako sa iba. Pero ikaw, paano ka uuwi nito? Ang lakas ng Ulan, oh!”
Ngumiti lang ako.
Oo nga naman, paano ako uuwi nito? Wala naman si mommy sa bahay.
Gusto ko sana maligo na lang sa Ulan kaso may dala akong gamit. Mababasa 'yung mga libro't notebooks ko 'pag sumugod ako sa Ulan.
“Hindi ko rin alam, eh. Pero bahala na. Salamat sa pag-aalala, kate.”
“Sigurado ka ba? Anong oras na din, oh. Pasado alas sais na ng Gabi. Sigurado ka talaga?”
Ngumiti lang ako bilang sagot.
Napabuntong-hininga na lamang sya at nagpaalam na umalis na.
***
Nakaupo ako sa isang bench dito sa labas ng school. Alas otso na kasi pero hindi pa rin tumitila ang ulan.
Pinagmamasdan ko lang ang mga ulan na pumapatak. Ang ganda talaga nilang tignan.
Nakayuko lang ako ng may nakita kong sapatos.
“Hanggang ngayon, ganyan ka pa din. Ilang oras ka ng nakamasid sa ulan? Hahaha.” sabi nito.
Bigla kong ini-angat ang tingin ko at nakita ko sya.
Nakangiti sya sakin habang hawak ang payong na kulay asul.
“Grabe! Tinitigan nya lang talaga ko, oh! Alam kong lalo akong naging gwap---”
Niyakap ko sya. At napaiyak ako.
“I miss you.” bulong ko
Hinawakan nya ang buhok ko habang yakap din ako.
“Iyakin. Hahaha. I miss you, Eve.”
Bumitiw ako at ngumiti kahit umiiyak pa din.
Ngumiti sya at pinunasan ang mga luha ko.
“Siguro lagi kang malungkot, noh? Haha. Wag ka na umiyak.” sabi nya
Then he cupped my face and kissed my forehead.
Napaka-sweet at gentleman niya talaga.
“Hindi na ko iiyak, nand'yan ka na eh” sabi ko ng nakangiti.
“Good. Tara na? Mukhang kanina ka pa dito, eh.”
Tumango ako at sumabay sa paglalakad nya.
*
He is Tristan Crimson. My Childhood bestfriend. Kilala sya ng buong pamilya ko at dati, gustong-gusto sya ni Daddy.
Umalis sya dito noong 10 years old siya at 9 years old naman ako at pumunta siya ng ibang bansa for some reasons.
At ngayon ko na lang ulit siya nakita matapos ang 7 years.
~•~
Umuwi kami sa bahay at do'n daw muna sya makikitulog. Babantayan nya din daw ako.
Napangiti na lang ako. Kagaya nya talaga si Daddy.
*
Nasa kusina kami at nagluluto sya ng mami. Tinitignan ko lang sya.
Kahit sinong babae, magkakagusto dito eh.
“Tan, May girlfriend ka na?”
“SHIT!” napa-sigaw sya at napaso pa ata.
Ano ba naman kasing tanong 'yun? Aish!
Lumapit agad ako sa kanya.
“Sorry, Tan”
“Baliw ka talaga, Eve! Ayan tuloy napaso ako.” nakasimangot na sabi nya.
Napasimangot din ako.
“Sorry, hindi ko naman sadya eh. Bakit ba kasi nagulat ka? Eh hindi naman nakakagulat 'yung tanong ko.”
“Anong hindi? Out of nowhere, bigla kang nagtanong ng ganun! Sa'n mo ba napulot 'yung tanong na yun?”
“Wala, naisip ko lang. Kaugali mo si Dad, eh. Imposible kasing wala kang girlfriend.” paliwanag ko
“Haynaku. Tigilan mo na nga kakaisip nyan. Balik ka na doon sa upuan mo, itutuloy ko na 'to.”
Lalo akong napasimangot. Broken hearted siguro 'to. Ayaw sagutin, eh.
“Broken hearted ka ngayon Tan, noh? Hahahahahahahah ayaw mo kasi sagutin, eh.”
Humarap sya sakin. Seryoso 'yung mukha.
“Oo, broken hearted ako. Okay na? Oh balik ka na do'n, matatapos na ito.”
Ngumiti sya.
Pero kita ko sa mata nya 'yung sakit. Bakit ganun? Parang may gusto syang ipahiwatig. Ano kaya yun?
YOU ARE READING
Rain
Teen Fiction"Other hates Rain. Me, I love Rain. I enjoy seeing water falls from the dark cloud. I used to play raindrops with my hand. It makes me happy. Rain, I do really love rain. When I'm crying and full of loneliness, I always go out and it will rain. For...