“Rainfalls angry, on the thin roof. As we lay awake on my bed...
You're my survival. You're my living proof. My love is alive and not dead...”Narinig ko 'yan ng mapadaan ako sa music room. Napasilip ako at may tao nga sa loob. Kaso naka-talikod, eh. Hindi ko tuloy makita 'yung mukha nya.
Nakakahanga kasi. Napaka-ganda ng boses nya. Lalaking lalaki. Ang sarap pakinggan.
Magtatagal pa sana ako, kaso time na eh.
Naglalakad na ko papunta sa room. Pero... Uh.. Ang awkward.
Halos lahat ng madaanan ko eh nakatingin sa'kin.Nang makaupo ako sa proper seat ko, nakakagulat pero halos lahat sila eh nagpunta sa harapan ko.
O-kay? Ano 'to?
“Guys, uh.. Bakit?” nagtatakang tanong ko sa kanila.
“Huhhuhuhu. Alam mo, liligawan sana kita, eh” sabi ni edward
Uh..
“Totoo ba? Totoong may boyfriend ka na?”
Shit. Baliw ka Rhea. Sinabi mo.
Paano ko ba i-eexplain 'to? Sana maniwala sila. Aish!
“Guys... Wala po akong boyfriend. Hindi po totoo yung sinabi ni Ray sa inyo. Uh.. Yung kiss---!”
Nanlaki ang mata nila.
Oh my gulay! Mukhang ito ang hindi nasabi ni Ray, ah.
“Hindi boyfriend pero may kiss?! Grabe! Wag mo na kasi i-deny! Tatanggapin naman namin, eh!”
Shit talaga. Anong sasabihin ko sa kanila? Paniguradong 'di naman nila ko paniniwalaan.
“Guys--”
Naputol ang sasabihin ko ng dumating si ma'am.
Bumalik sila sa pwesto nila at nanahimik lang.
Waah! Thank You Lord! Ligtas sa kanila.
“Miss Flores?”
Napatayo ako. “Bakit po, Ma'am?”
“May naghahanap sayo, hija.”
Naghahanap? Sino naman?
Pumasok sya sa classroom namin at napasapo na talaga ko sa noo ko.
Akala ko, ligtas na ako. Bigla ka pang pumunta dito, Tristan.
“Uuuuy! Nats! Sya yung boyfriend mo 'diba?”
Nagkatinginan kami at namula sya. Oo, namumula sya.
Binigyan ko sya ng "mali-yung-iniisip-mo-look" sabay iling ako ng iling.
Napatingin ako sa iba kong classmates at para silang pinagsakluban ng lupa.
Tinignan din sila ni Tristan at yung pamumula ng mukha nya, nawala.
He grinned.
“Babe, tara muna dito.”
Babe? What the?! Mangtri-trip na naman ito!
Lumapit na lang ako, at hinatak sya palabas ng room pero may sinabi pa syang lalong ikinagulat ko.
“Uhm, Guys.. Aalis muna kami ng Girlfriend ko ah? By the way, I'm Tristan. Eve's Boyfriend. So back-off!”
At ngumiti sya nang pagkatamis-tamis.
Hinila ko sya palayo habang pinapalo sya.
Abnormal talaga 'to! Tsk
“Teka! Hahahahahaha. Grabe. Upo muna tayo dito, Eve. Hahahahah shet talaga hahahahahahahah”
YOU ARE READING
Rain
Teen Fiction"Other hates Rain. Me, I love Rain. I enjoy seeing water falls from the dark cloud. I used to play raindrops with my hand. It makes me happy. Rain, I do really love rain. When I'm crying and full of loneliness, I always go out and it will rain. For...