~•~“Eve, gising ka na. May pasok ka pa.”
Dumilat ako pero 'di pa din ako bumabangon.
“Uh... Anong oras na ba Tristan?”
Inaantok pa 'ko, eh.
“Alas nuwebe na.”
“Alas nuwebe pa lang naman pala, eh.”
Maaga p---!!! Asdfghjkl!
Napabalikwas agad ako at dali-daling tumayo at pumunta sa damitan ko saka dire-diretso sa CR.
Peste! Peste talaga! Late na 'ko! Bakit ngayon lang ako ginising ni Tristan? Huhuhuhuhu
*
Minadali ko talaga ang pagligo ko at saka lumabas ng banyo.
Nakita ko sya sa tapat ng pinto ng banyo at halatang nagpipigil ng tawa.
Jusme! Masaya ba sya na late ako?
“Anong tinatawa tawa mo d'yan?! Letse ka Tristan! Labas! Magbibihis ako.” Sigaw ko
“Okay. Okay. Pffft--!” Sabi nito sabay labas ng kwarto ko.
Paglabas nya ay rinig na rinig ko ang paghagalpak nya sa katatawa.
Bwiset!
*
Binilisan ko din ang pag-aayos ko, kinuha ko ang bag ko at nagmamadali nang umalis.
Napadaan ako sa kusina at nakita ko syang nakangiti sa'kin.
“Kumain ka muna. Naghanda ako.” anito pero halata pa din na nagpipigil sya sa pagtawa.
“Sorry Tan, Late na 'ko. Bye!” Sabi ko at lumakad na ng mabilis.
Tumakbo sya at hinawakan ang braso ko.
“Tristan, Late na ako. Hindi na 'ko kakain”
At humagalpak sya sa katatawa. Yung tipong 'kala mo eh mamamatay na.
“Kumain ka na! Hahahahahaha nagbibiro lang ako kanina na alas nuwebe na. Hhahaha alas siyete pa lang, Eve. Sorry! Hahahahahaha”
Tinignan ko yung wall clock namin at 7am pa nga lang talaga!
Tinignan ko siya ng masama.
“Bwiset ka Tristaaaaaan!” sigaw ko habang hinahabol sya.
At siya? Tawa ng tawa habang tumatakbo.
Bwiset talaga!
***
Hinatid ako ni Tristan sa School gamit 'yung kotse nya.
Bumaba na ako. At bumaba din sya.
“Thank you sa free ride, Tan. Haha”
Ngumiti ako at ngumiti din sya.
“Haha pambawi ko 'yun kasi pinagtripan kita kanina”
“Sus. Haha sige na, ba-bye!”
At nagpaalam na ko.
“Teka,”
Humarap ulit ako at hinalikan nya 'ko noo.
“Haha may ganon? Sige na, ba-bye.”
“Kinilig ka naman. ”
Nakangiting sabi nya pero ngumiti na lang ako at nag-wave.
“Bye Eve! Ingat!” sabay wave.
At narinig ko na ang pag-andar ng kotse nya.
*
“Uy Nats!” bati sa'kin ni Rhea. Classmate ko.
“Uy! Hi Ray, Goodmorning.” bati ko din.
Lumapit sya sakin at siniko-siko ako.
“Ikaw ha. Naku! Akala ko pa man din, nbsb ka. Hindi mo sinasabi, may boyfriend ka na pala!” ngiting-ngiting sabi nya.
Napasapo ako sa noo ko. Naloko na!
“Hindi ko sya boyfriend, Ray.”
“Sus. Deny pa, kitang kita na.”
“Swear! 'Di ko talaga sya boyfriend. Kaibigan ko lang 'yun.”
Pero nakangiti lang sya na halatang nang-aasar.
“Kaibigan ba yung may pahatid-hatid pa tapos may pa-kiss to forehead pa tapos ang lagkit ng mga tinginan at mga ngiti. Naku, Naku, Nathalie! Wag ako, girl!”
I just rolled my eyes.
“Siraulo ka. Basta 'di ko sya boyfriend. Period.”
“Haha. Mukha mo Nats! Hayaan mo, sasabihin ko sa buong section para wala ng magbalak na manligaw sa'yo kahit na ang daming nagkakagusto sa'yo.”
Nanlaki ang mata ko.
“Baliw ka! 'Wag mo sasabihin sa kanila. 'Wag mo ipagkalat 'yon!”
Pero tinawanan nya lang ako. Paktay!
*
Third Person's POV
“Sir, nakita ko na po sya” Sabi sa'kin ni Donna. Secretary ko.“Sigurado ka? Paano mo nalamang siya iyon?”
“Namukhaan ko po siya at nakitang papasok sa Sophist University. Kung saan, sabi nyo ay doon sya nag-aaral. Alam ko po na sya iyon, nararamdaman ko ho, Sir.”
“Good to hear, Donna. Sundan mo pa din sya. Marami pa akong gustong malaman sa kanya.”
“Sige po, Sir” anito sabay lumabas na ng aking opisina.
Makakabawi din ako. Magkikita din tayo, Nathalie Flores.
~•~
YOU ARE READING
Rain
Teen Fiction"Other hates Rain. Me, I love Rain. I enjoy seeing water falls from the dark cloud. I used to play raindrops with my hand. It makes me happy. Rain, I do really love rain. When I'm crying and full of loneliness, I always go out and it will rain. For...