EVE.Sinalubong ako ni Rhea and kate paglabas ko ng music room.
“Omg friend! Kumusta?” Tanong nila
Napatawa ako. Parang mga baliw, eh.
“Okay lang naman. Masaya”
“Pasok ka ba, Girl?” tanong ni kate
“Hindi pa, eh. Bukas pa daw malalaman 'yung result.”
“Ay, may gan'on? Parang exam lang ah. Haha tara na nga! Lilibre ka namin”
“Ay naku. Hahaha wag na”
Nagkatinginan silang dalawa at ngumiti ng malawak.
“Yes! Hahaha 'kala ko mapapagastos na kami, eh. Bait mo talaga---”
Natigil si Rhea ng biglang bumukas yung pinto sa likod ko.
Napalingon ako.
Si Mr. Villanueva. 'Yung judge na naka-duet ko kanina.
Tumabi ako at tumingin sya sa'kin.
At ngumiti.
Kaya napangiti din ako.
“Maganda 'yung boses mo. Thank You.” sabi nito
Nag-init 'yung mukha ko. Fudge!
“Ah-eh, naku po. Ako pa nga po dapat ang magpasalamat, eh. Salamat po sa papuri. Salamat po, sir.”
Ngumiti na naman sya.
“You deserved it, Eve. By the way, never call me 'sir' again. I'm Justine Ken Villanueva.”
And then, he offered his hand.
At inabot ako naman ito.
“Ken.”
Ngumiti sya ulit at umalis na.
*
Pinalo-palo ako ni Rhea habang tumitili. Ewan ko ba, tsk.
“Aray Ray. Bakit ba?”
Ngumiti sya ng ngumiti at tumili ng tumili.
“Eh kasi naman! Ang gwapo gwapo naman n'on! Sino ba 'yun, hah?”
Napatawa ako. Haha. Kinikilig pala ang loka.
“Sya si Ken. 'Yung judge kanina.”
Biglang nagsalita si Kate na ngiting-ngiti din.
“Hindi nyo ba sya kilala? Omg! Sya lang naman 'yung Ultimate hearthrob dito sa school na 'to. Kilala sya bilang super sungit pero super galing na musician. Kaya din kinakikiligan kasi ang ganda ng boses n'on grabe. He's 3rd year College na. Omg talaga! Ang swerte mo, Nats” Kinikilig na sabi niya
“Haynaku. Basta talaga gwapo, ang tindi nyo. Haha.”
“Hindi lang sya gwapo 'noh. Ang talino nya pa! Alam mo bang top student 'yan kahit ngayon? Dean's lister sya, girl!” sabi ni Kate
YOU ARE READING
Rain
Teen Fiction"Other hates Rain. Me, I love Rain. I enjoy seeing water falls from the dark cloud. I used to play raindrops with my hand. It makes me happy. Rain, I do really love rain. When I'm crying and full of loneliness, I always go out and it will rain. For...