Chapter2:Knowing♡→♥←♡

9.1K 331 13
                                    

Harly POV.

7:46 pm. Natapos kona lahat nang gawain ko pag kauwi ko sa bahay.. grabe!! Di kona yata kayang mag tiis dito sa bahay nato huhu... kawawa talaga aketch!!


At dahil nasa 2nd flor ang kwarto ko. (NOTE:BUDEGA PO ANG KWARTO KO.) Bumaba muna ako para makainom nang tubig. Hindi kasi ako maka tulog e. Ewan koba kung bakit. Haaayyy.. naaalala ko yung gwapong lalaking bakat na bakat yung abs. Hihihi.. landi kuna ^-^


"Ano kayang pwedeng gawin" wala talaga akong alam gawin. Nakakainip naman. haayysstt!!

7:59pm. Napagpasyahan ko na munang lumabas, punta muna akong park na malapit lang dito sa bahay NILA auntie.

Habang nag lalakad ako, pakiramdam ko may sumusunod. Pero pag lumilingon naman ako wala naman. Siguro guniguni kolang.



Nang ilang oras pang pag lalakad nandito naako sa Park. Fav. Ko tong tamabayan, wala naman kasi akong Pamilya, wala rin akong mga kaibigan. Wala rin naman tumuturing saaking totoong tao. Why? Kasi nga BAKLA ako. Pero hindi ko iyon ikinakahiya.. ibinigay ito nang diyos saakin e. Tatanggapin kolang, alam ko namang malaking pagsubok ito para saakin pero, sigurado akong kakayanin ko, wala naman binibigay na pag subok ang diyos kung hindi natin kaya diba...


Umupo ako sa bench na malapit sa malaking puno, lagi ako rito nakaupo, pag may problema ako o kaya naman pag inaaway at sinasaktan ako sa bahay nila auntie, dito na ang naging takbuhan ko. Dito ko lahat iniiyak. Dito ko lahat iniinda ang sakit na nararamdaman ko. Marami naman sumusuporta saakin sa pagiging bakla ko pero hindi mo parin maiiwasan ang MAS maraming nanlalait sa pag katao ko.


Kahit naman hearthrob ako sa school, may nambubully parin saakin. Siguro inggit sa Kapogihan ko? Ewan, Buti nga nung first day walang ginawang kalokohan ang mga varsity players e. Dati nung 3rd yr. Ako? Dadaan lang ako sa pathway may mantitisod saakin. Minsan naman may man tutulak saakin sa hagdan, madalas tapunan ako nang pintura o kaya naman tubig. Pag uuwi na, itatali ang bag ko sa upuan ko. Minsan naman sisirain ang books at notebooks ko. lagyan nang glue ang upuan ko. Tyaka pintura na red. Ganyan ang buhay ko sa loob nang tatlong taon sa high school dahil sa mga varsity player. Oo sila ang nambubully saakin, gustuhin ko man lumaban pero mas marami sila siguro mga 12 na nag lalakihang tao.


Achuchu!! Buti na ngalang ganun ang ginagawa saakin at hindi pambubugbog. Pero hindi mo naman maiiwasan minsan na masaktan pag natamaan ka nang bagay na itatapon sayo. Tulad nalang nang libro, Tabo, Ballphen, Notebooks, etc. Kahit ganun? Pinili ko parin na hindi lumaban pero pag ako napuno na, bahala na. Lagi nalang kasi nila ako ginaganyan e.


Ilang oras naakong nakaupo rito pero bakit feeling ko may nakatingin saakin? Lumingalinga ako at nakita ko yung tatlong babae at apat na lalaki. Teka pamilyar saakin ang mga to ah?!



Tumayo ako at tinignan sila nang mabuti. Oo tama!! Sila nga, pero teka ano naman kayang ginagawa nila rito? Baka naliligaw? I guess??


"Hi harly!! GoodEvening"sabi nang tatlong babae. Nang makalapit sila sa pwesto ko.



Yan pa ang ayoko. Pag nakipag kaibigan ako, siguradong damay sila sa mga masasaktan kaya walang nakikipag kaibigan saakin sa school. Saklap no?


"Oh? Anong ginagawa nyo dito? Naliligaw ba kayo?"tanong ko sakanila.

"Ano kaba! Hindi no, nag lilibot lang kami tas nakita kanamin kaya sinundan kanamin"Sabi ni Ry.


"Ah ganun ba? Gabi na ah, dipaba kayo uuwi?"tanong ko sakanila.


"Ah hindi pa, kwentuhan nalang tayo, hindi kasi kami makatulog e."Heily

HilFiger AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon