Chapter 7

56 1 0
                                    

ALI'S P.O.V

"Hey. Allyson Ocampo, right?" may lumapit sa aking hot na guy.

"Yeah," I nodded.

"Wanna dance?"

"Su---"

"No. We're busy! Kaya chupi! Shoo shoo!" epal ni Hannah. -___-

Natawa na lang yung guy at ibinalik ang atensyon niya sa akin. "So, wanna dance?"

"Alr---"

"Honey! Tayo na!" inakbayan naman ako ni Oli.

Seriouslyyyyy? Walang freedom? Ano ko ba sila? Nanay at tatay?

"H-honey?" nagtatakang tanong nung guy.

"Yeah! Honey! Boyfriend niya ako!" pagmamalaki ni Oli.

"Hahaha! Boyfriend ka ni Ali? So what? As if namang seseryosohin ka niyan."

"Seryoso siya sa akin. Diba hon?" tumingin sakin si Oli at bumulong. "Sige ka, pag pumayag ka na sumama dyan, di namin gagawin yung pinapagawa mo."

I smirked. "Okay. Edi sasabihin ko kay ma'am na i-65 kayo sa project. I'm Allyson Shane Ocampo. You know I can do that."

Tinanggal niya ang pagkaka-akbay niya sakin at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Halaaa. Grabe ka naman HONEY."

=_____________________=

"Bakit naman ganun? Wag naman. Kawawa naman kami ni Hannah. Naghirap din kami dun ah. Tapos.. tapos.. Waaah! Ang bad bad mo naman sa amin HONEY," nobela niya.

Blah blah blah.

At dahil siguro sa kadaldalan niya, nainip na yung guy at iniwan na kami. -___-

"Alright. He's gone now. Satisfied?" pumameywang ako at tinabig ang mga kamay niya. "Now, change your clothes and start doing your work."

Pumunta ako sa counter ng bar at umupo sa isa sa mga stools.

Nandito kami ngayon sa Jacques to do THE plan.

Nakita kong pumasok na si Oli sa CR. Nagtataka siguro kayo kung bakit silang dalawa nakapasok dito kahit na they're both sixteen pa lang. Pinagawan ko din kasi agad sila ng fake na IDs sa pinsan ko. Eh since malakas ako dun, agad-agad niya naman nagawa yun, kaya... here we are...

Habang naghihintay ako dun at pinapanood lang ang mga nagsasayaw sa dance floor, madaming mga guys ang lumalapit sa akin, pero wala ako sa mood makipag-flirt ngayon. Excited na kasi ako sa mangyayari mamaya.

Sinilip ko yung ipinunta namin dito.

Hahahaha. Sige sulitin mo lang yang pang-uuto mo diyan sa babae mo. Mawawala din ang lahat ng koleksyon mo.

==============================

OLI'S P.O.V

Kainis. Kailangan ko pa ba talagang mag-suot nito?

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin ng cr.

Pink na backless, pek-pek shorts, at pink na pumps. Idagdag mo pa yung pinaglalagay na make-up sakin ni Hannah. Makapal na blush-on. Makapal na lipstick. Eyeshadow. Fake eyelashes. At malaking headband na may mga prints ng hearts! Nakakawalang respeto lang sa sarili =____=

Pasalamat si Ali at mabait ako. Tsk.

Kinuha ko na yung props kong pink na handbag, at naglakad na palabas.

May nakasalubong pa nga ako na lalaki papasok ng cr, at diring-diri akong tinignan.

"Hi fafa! Mwah!" kinindatan ko siya.

She's a Rebel! [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon