HANNAH'S P.O.V (A/N: Kay Hannah naman po tayo this time. Pagbigyan niyo na. XD)
Kumakain ako sa Jollibee ngayon ng mag-isa. Okay... edi ako na loner. T^T
Si Oli kasi nagyayaya kanina sa bar na pupuntahan nila ng kapatid niya, pero di ako sumama kasi ayoko sa maingay, at masisikip na lugar. Plus, puro mga manyak at lasinggero lang ang mga nandun.
Napilitan lang naman ako pumunta sa bar nung time nung paghihiganti ni Ali dun sa ex niya kasi baka ipa-60 ako nun sa teacher namin eh. Once in a lifetime na nga lang ang magkaroon ng mataas na grade, babawiin pa niya. ASA.
Nakakainis naman kasi eh. Ang tagal naman bumalik dito ni Kuya JM. Wala tuloy ako kasamang lumabas. Siguro madaming chicks dun sa dorm niya at ayaw ng bumalik pa dito. Isa pa kasing playboy yun eh.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng spaghetti ko nang biglang may umupo sa harapan ko at nilapag ang isang fries at sundae nang walang paalam.
"Oy, dun ka nga," sabi ko. Table ko to eh.
Hindi ko naman siya kilala eh tapos ni hindi pa niya tinanong kung pwede ba makiupo. ABA! Sino ba siya? >___>
Hindi ko maaninag yung mukha niya kasi nakatungo siya habang sumusubo ng fries na sinasawsaw niya sa sundae ice cream niya.
Nang iangat naman niya yung ulo niya...
"Ikaw?!" sabi ko.
"Oo. Baket? Ingay mo," sabi naman niya, A.K.A yung guy na humigit sa akin sa hallway kanina.
"Bat ka diyan nakaupo? Dun ka nga!"
"Puro occupied na yung chairs. So... no choice," nag-shrug lang siya at sumubo na ulit ng fries.
Tch. Kabuwiset.
Tumingin tingin ako sa loob nung Jollibee.
Madami namang bakante ah! =_____=
"Oy. Dun ka nga. May bakante naman dun ah!" sabi ko sa kanya, pero dinedma niya lang ako at nagpatuloy sa pagkain.
Hay. Hayaan na nga. Kabadtrip lang eh.
Isipin ko na lang na wala siya dito.
.
.
.
"Aray ko!" angal ko nang may humigit sa akin papunta sa gilid ng kalsada. At pagtingin ko dun sa tao...
"IKAW NANAMAN?! BITAWAN MO NGA AKO!!" sigaw ko kasi ang higpit na naman nung pagkakahawak niya sa braso ko. "ANO BANG PROBLEMA MO?! YUNG SERYOSO?!"
Sino pa ba ang nanghigit sa akin sa hallway? Tapos yung nakishare ng table sa akin sa jollibee? Edi si ano... si... ano bang pangalan nito? -___-a
"Langya. Masasagasaan ka na nga eh! Pasalamat ka niligtas kita!" sigaw niya.
"Eh kasi naman, grabe ka naman kung makahawak! Parang gigil na gigil kang buset ka!" =____=+
"Tch. Napakasungit. Bahala ka na nga diyan!"
"Baket, sino ba kasi nagsabing pakielaman mo ko?!" sigaw ko at tumalikod na. Badtrip ah!
"Tss. OA mo. Niligtas ka na nga jan, dahil ang tanga tanga mo eh," narinig ko pang sabi niya.
ABA!
Humarap ako sa kanya at hinigit siya sa kwelyo niya. "Ano?!"
"Tignan mo. OA mo talaga eh," ngumisi siya.
"Ikaw---" binitawan ko na siya. "Diyan ka na nga! Kabanas!"
Nag-walk out na ako. Naiirita talaga ako sa lalaking yun. Ewan ko ba pero umiinit talaga ang dugo ko pag dating sa kanya. Kahit ngayon lang kami nagkita.
BINABASA MO ANG
She's a Rebel! [ON-HOLD]
Teen FictionI'm a bad girl. I'm a b*tch who doesnt believe in love. But, sh*t, this good guy suddenly came in. That freaking good boy made me realize that love do exists. And this is our freaking love story. Read it or I'll drag you to hell. +____+