OLI'S P.O.V
WAAAAH! DI AKO MAKAPANIWALA! SHET.
TOTOO BA TO?
Ma-testing nga.
Iniuntog ko ang sarili ko sa locker para icheck kung nanaginip lang ba ako pero hindeeee. Masaket eh. >3<
Ngiting ngiti akong tumakbo papunta ng classroom para ibalita kay Hannah. Habang dumadaan pa nga ako sa corridors, eh narinig kong pinag-uusapan ako ng mga lalaki. Mainggit sila. Hahahaha!
"Ay pota!" sabi ni Hannah nang magkauntog kami. Kasi nung nagmamadali akong pumasok sa room, bigla bigla naman siyang lumabas.
"Hahahaha! Hi Hannah!" ^___^
"Tae. Tigilan mo ko ng ngiting yan. Nakakatakot." -____-
"Hahaha! Oy alam mo ba..." tinaas-taasan ko siya ng kilay.
"Hindi pa." -____-
"Tinanggap ni Ali yung flowers!"
"Oh ano ngayon? Eh lagi naman niyang inuuwi yung mga pinaglalalagay mo sa locker niya ah."
"Hindi... Kasi nahuli niya ako blah blah blah blah tas tinanggap niya blah blah blah tas nag-thank you siya!!! WAAAAAHHH!!" \(*0*)/
"Nag-thank you siya???" *0*
"Yeah."
"HIMAL--"
"Fvck. You're so loud. Get out of my way. You're blocking it," biglang dumating si Ali.
Ganda talaga ng babaeng to. Kaya ang daming lalaking nagkakandarapa eh. Dami kong kaagaw. >___>
"Sunget!" binehlatan naman siya ni Hannah.
"Tch," umirap lang si Ali at pumasok na sa loob ng classroom.
"Ang sarap tusukin ng mata nun. Buset."
"Hahaha. Wag naman. Mahal ko yun eh."
"Lul."
Hahahaha!
.
.
.
.
Nasa cafeteria ako ngayon. Lunch na kasi eh. Hindi ko kasama ngayon si Hannah kasi nasa detention siya. Pasaway kasi... nag-cutting ba naman. Tsk tsk. Ang babaeng iyon talaga. Narinig lang na magpapaquiz sa math tumakas na. Ayun nahuli. Wala na siyang nagawa.
Si Ali naman, ewan ko kung nasaan. Inexcuse kasi siya kanina nung second subject pa lang namin, pero di pa rin siya bumabalik hanggang ngayon.
Naghanap na ako ng uupuan at kumain na.
Habang kumakain naman ako, may biglang nagkagulo.
At dahil sa nahawaan ako ng pagkachismosa ni Hannah, nakiosyoso ako.
"Fvck you b*tches! Stop it! Aaaah! Nooo! Fvck!"
"Ipakita mo na kasi! Hahahaha! Panget!"
Nakita kong pinagtutulungan ng tatlong babae si Jasha.
Si Jasha ata yung laging kaaway ni Ali eh. Lagi ko kasi silang nakikitang nagbabanggaan na dalawa pag nagkakasalubong sila sa corridor.
Wala man lang umaawat sa away nila. Wala din namang teachers sa paligid kaya ako na ang umawat.
"Oy, tama na nga yan!" hiniwalay ko si Jasha dun sa tatlong babae galing section D.
"Wag ka ngang epal dito Torres!" sabi nung nasa gitna.
BINABASA MO ANG
She's a Rebel! [ON-HOLD]
Teen FictionI'm a bad girl. I'm a b*tch who doesnt believe in love. But, sh*t, this good guy suddenly came in. That freaking good boy made me realize that love do exists. And this is our freaking love story. Read it or I'll drag you to hell. +____+