HANNAH'S P.O.V
"Larossa! Parang awa mo na! Tigilan mo na ako!" sigaw ko habang papasok ng music room. Kakatapos lang ng break pero wala pa rin si Oliver at Ali dito. At eto nanaman si Larossa't nakabuntot sa akin. Kanina pa yan eh. Ayaw humiwalay sa akin. Simula pa kanina nung sinundo niya ako sa bahay at sabay kaming pumasok. Kinacareer niya talaga yung mga pinagsasabi niya kay tatay na aalagaan niya ako ah. Naiirita na talaga ako.
"Ayaw ko nga!" humalukipkip siya na parang sutil na bata habang sinasara yung pintuan ng music room gamit yung paa niya.
"Bakit?!" pinulot ko yung drumsticks na nakakalat lang sa sahig. Naitsa ko na lang kasi ng basta basta iyon kanina dahil sa pagka-inis ko sa kanya.
"Kasi sabi ni mama sakin.. pag may pangarap daw akong gustong abutin, wag na wag daw akong titigil para makuha iyon," sabi niya sabay kindat pa sa akin.
#*@&#*@/: "NAKU LAROSSA TIGIL TIGILAN MO AKO NIYAN HA! LUMA NA YAN!" Nakaka-high blood talaga siya kahit kailan.
"Sus. Keleg keleg ka naman diyan. Hahahaha!"
"GAGO. MANAHIMIK KA DIYAN!"
"KANINA MO PA AKO MINUMURA!"
"EH PANG-ASAR KA KASI!"
"ANG INGAY MO!"
"SO? HINDI MO AKO MAPAPATAHIMIK HANGGA'T DI KA UMAALIS!"
"Talaga?" bigla siyang ngumiti ng nakakaloko. "Sigurado ka?"
"OO!"
"Eh pano pag napatahimik kita kahit di ako umaalis dito?"
"HINDI NAMAN KASI MANGYAYAR---- hmmpph."
Bigla niya akong tinulak sa pader at hinalikan sa labi. Nung una nagpupumiglas pa ako pero masyado siyang malakas kaya napahinto ako sa paglaban at di nagtagal... nabitawan ko na yung hawak kong drumsticks at gumaganti na din ako ng halik sa kanya.
"What the heck?!"
Napalayo bigla si Larossa sa akin nang biglang pumasok si Oli at Ali nang magkahawak-kamay.
BAT DI MAN LANG NI-LOCK NI LAROSSA YUNG PINTO?!
Ay shit. Baliw ka Hannah Cruz. Baliw ka.
============================================================
DARWIN'S P.O.V
"Kuya kuya! How to shut a girl up?" tanong ng isang six years old na Darwin Larossa sa kuya nyang si Darren.
"Why?" lumingon siya sa akin mula sa librong binabasa niya.
"Just answer me kuya! Pleaseee!"
"Hmm. May lovelife ka na ano? Hahaha."
"H-ha? No kuya! I'm too young for that! Just answer me please!"
"Okay okay. Hmm, well.." nilagay niya ang kamay niya sa ilalim ng kanyang baba at nag-isip. "For me.. it's either feed the girl or kiss her."
"Okay kuya! Thank you!"
"Hoy! Haha, bakit mo ba natanong na bata ka?"
"Nothing kuya, bye!" pumunta ako sa kusina at kumuha ng chips bago ako umakyat sa aking kwarto kung nasaan si mama.
"IKAW TALAGANG BATA KA! ANG KALAT KALAT MO KAHIT KAILAN! SABI KO NAMAN SAYO DIBA NA---" nahinto si mama sa pagsermon nang hilahin ko siya para maupo sa kama ko.
"Mama, say 'ah'," sabi ko.
"Ha? Bakit?"
"Sige na po mama! Sige ka, I'll cry!"
Napailing na lang siya. "Ah," sambit niya saka ko siya sinubuan ng sangkatutak na potato chips. Tapos kiniss ko siya sa cheeks.
"There you go! Shut up na po mama ha! Wag niyo na po ako pagalitan! Maglilinis na po ako ng kwarto! Wag nang maingay! I love you mama!"
"SO? HINDI MO AKO MAPAPATAHIMIK HANGGA'T DI KA UMAALIS!" sigaw ni Hannah. Init ng ulo kahit kailan. Tsk.
"Talaga?" nginitian ko siya ng nakakaloko. "Sigurado ka?"
"OO!" tumango tango siya.
"Eh pano kung napatahimik kita kahit di ako umaalis dito?"
"HINDI NAMAN KASI MANGYAYAR--- hmpphh."
Tinulak ko siya sa pader at hinalikan sa labi. Nung una, nagpupumiglas pa siya pero di nagtagal ay naramdaman kong kumalma na siya at hinahalikan na din ako.
Sa pagkakaalam ko, kapilyuhan ko lang talaga yung nagtulak sakin para gawin yun. Wala lang. Trip ko lang ulit siya. Pero parang may iba na akong naramdaman nung siya na din mismo yung humahalik sakin. Parang may nagshoshowdown sa pagtugtog ng drums sa loob ng puso ko.
"What the heck?!"
Napalayo ako bigla kay Hannah nang biglang bumukas yung pinto ng music room at pumasok si Ali at Oliver.
Sayang. Bat di ko nailock yung pinto? Ay. Hahahahaha!
Napatingin ako kay Hannah pati dun sa dalawa. Nagpapalitan sila ng mga mapang-akusa na tingin.
"Why are you guys making out here?!" nanlalaki yung mga mata ni Ali.
Bakit, bawal ba? Gusto ko sanang sabihin yan kasi sila ngang dalawa ni Oli, sa starbucks pa naghahalikan eh. Kaso baka malintikan ako ni Ali. Katakot.
"Bakit magkahawak-kamay kayo ni Oli?" ngumiti ng pang-asar si Hannah. Tumingin ako dun sa kamay nung dalawa. Magkahawak nga.
"Kayo na?" dagdag pa ni Hannah.
Bigla namang namula si Ali.
"Ah! Oo! Kami naaaaa~" sagot ni Oliver. "Kayo ba? Kayo na ba?"
"HIND---" pinutol ko na si Hannah at inakbayan siya.
Tumango tango ako sa kanila. "Oo! Kami na ni Hannah babes! Hahahaha!"
Ngayon, hindi ko na alam kung kapilyuhan pa rin ba yung nagtulak sakin para gawin yun o... yung puso ko na.
BINABASA MO ANG
She's a Rebel! [ON-HOLD]
Teen FictionI'm a bad girl. I'm a b*tch who doesnt believe in love. But, sh*t, this good guy suddenly came in. That freaking good boy made me realize that love do exists. And this is our freaking love story. Read it or I'll drag you to hell. +____+