OLI'S P.O.V
Yung totoo... di pa rin talaga ako makapaniwala na pumayag na si Ali na maging date ko sa prom! Waaah nakakaiyak TT0TT
Nung una akala ko na wala talaga. Di siya papayag na maging prom date ko. Akala ko pinagtripan nya lang ako nung mga oras na ginawa niya akong taga bitbit ng mga pinamili niya sa mall para lang mapapayag ko siya. Pero totoo waaaah. Huhuhuhu!
"Hoy kuya! Ano ba yan mukha kang tanga!" hinampas ako ni Veronica ng unan.
"Aray ano ba yan. Napakabrutal mo talaga!" -3- tinabig ko yung unan sa mukha ko. Problema nito?
"Eh mukha ka kasing tanga. Mukha kang baliw. Kanina ka pa tulala tapos abot anit yung ngiti. Parang may binabalak kang kung ano diyan e. Para kang psychotic."
"Dami mong sinasabi! Sumbong kita kay mama diyan eh!" Paano ba naman kasi... nung gabing iniwan ko siya saglit sa bar nung kapatid ng kaklase niya, pagbalik ko, lasing ang bata. Sabi ko na nga sa kanyang hanggang lemonade lang siya dun, ang kulit pa rin. Ang wild niya kaya pag lasing kaya nahirapan akong iuwi siya nang hindi siya nasisilayan ni mama na ganun ang itsura.
"Lah kuya joke lang," nag-paawa pa ang bata! Hay naku kung hindi ko lang ito mahal eh tsk.
"Oo na. Wag mo na lang akong pakielaman dito okay?" ngumiti ako.
"Pero kuya... bat ka nga ba ngiting aso diyan kanina pa? Ano.. sinagot ka na ba ni ate Ali?" kilala niya si Ali at alam niyang nililigawan ko siya kasi sa buong pamilya ko kaya yun pinagmalaki hahahahaha. Kaya nakakahiya talaga pag nabusted ako huhuhu. Pero hayaan na lang. Basta't manliligaw ako! ^0^
"Di pa ah! Sa prom lang... pumayag siyang maging date ko."
"OHMYGGGG KUYA!!! REALLY?!! OMG OMG INHALE EXHALE!!! KENEKELEG EKEEEE!" tili nya habang hinahampas hampas pa ako. Aruuuuy -3-
Minsan, napapaisip ako kung san kaming dalawa pinaglihi ni mama. Parehas kasi kaming hyper hahahaha. Sa chocolates kaya?
"TALAGA KUYA?!!! DI NGA???!!! BAKA NANAGINIP LANG AKO??!! TOTOO BA MGA PINAGSASABI MO SAKEN??!!" lalo pa siyang lumapit sa akin.
"Totoo! Sigurad--- aray!!" sinampal ba naman ako?! Nakngteteng yan oh.
"OH MY GOSHHHH TOTOO NGA NASAKTAN KA! DI AKO NANAGINIP OMG OMG!"
"EH KUNG SA TINGIN MO PALA'Y IKAW YUNG NANAGINIP BAT AKO YUNG SINAMPAL MO?!! GRABE KANG BATA KA HA!!" >3< nasigawan ko na siya. Napaka-hyper kase eh! Ayun tuloy nagdire-diretso na. Nagsigawan na talaga kaming dalawa.
"Ay jusko! Nasa kabilang kanto pa lang ako rinig ko na ang ingay niyong dalawa! Ano ba tong dalawang batang ito oh!" pumasok si mama sa loob ng bahay nang may hawak hawak na dalawang plastic bags ng groceries.
"EH KASI MA!! SI KUYA NANINIGAW EH!!" tinuro naman ako ng kapatid ko.
"EH BAKIT BA KASI AKO YUNG SINAMPAL MO?!! PWEDE NAMANG SARILI MO AH!!" todo nguso na talaga ako dito. Ewan ko ba. Mannerism ko na talaga ata yung pag nguso nguso hahahaha.
"AT BAT KO NAMAN GAGAWIN YUN?!! TANGA KA TALAGA EH! BAT SASAKTAN KO SARILI KOOO?!!"
"EH KASI SABI MO BAKA NANAGINIP KA... KA! KA! NANAGINIP KA LANG! OH EH BAKIT NADAMAY PA PISNGI KO KUNG AKALA MO EH IKAW PALA YUNG NANAGINIP??!!! HA??! HA??!!!"
Sasagot pa lang sana si Veronica ng nagsalita si mama. Halaa. Masyado akong nadala ng emosyon huhuhu. TT3TT
"TEKAAAA!!!" napasigaw na din si mama. Mukhang na high blood nanaman sa amin. "Nasaan muna yung kiss ko?!"

BINABASA MO ANG
She's a Rebel! [ON-HOLD]
Teen FictionI'm a bad girl. I'm a b*tch who doesnt believe in love. But, sh*t, this good guy suddenly came in. That freaking good boy made me realize that love do exists. And this is our freaking love story. Read it or I'll drag you to hell. +____+