Chapter Five: Secret Island prt. 2
Bumalik ang tingin ko sa harap nang awtomatikong bumukas ang ikalawang gate.
'Nice.'
Pumasok uli kami sa pantaong gate at mabuti na lamang ay wala nang isa pang gate ang bumungad sa amin.
Dito ko na nakita ang inaasahan ko. Mga tao. Mga buildings. Pero parang may mali. And I couldn't figure it out.
Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo nang makita nila kami. I roll my eyes. Buti nalang may suot akong sunglasses kaya hindi nila yon napansin.
'Bakit sila pumunta dito?'
'At ang dami pa kamo nila. Mukhang wala silang alam.'
'Aagos na naman ang napakaraming malalapot na--"
Hindi ko na narinig pa ang sinabi nila nang isang babaeng nasa late 30s ang edad ang lumapit sa amin.
"Welcome to Secret Island!" Masiglang bati nito. "Hera Dies" Mahinang basa ko sa nameplate nya na nakalagay sa bandang dibdib ng kanyang uniporme. Isa syang secretary.
"Follow me. The President wants to welcome you personally." Ma-awtoridad nitong sambit saka tumalikod at nagsimulang maglakad.
Sinundan sya nila Bryan habang ako ay nanatili sa kinatatayuan ko dahil nakatingin-- or more like nakatitig pa rin sila sa akin. Tinanggal ko ang shades ko saka sila isa-isang tinignan ng masama na agad naman nilang ikinaiwas ng tingin.
Nang makuntento na ako ay sumunod na'ko sa kanila na hindi pa naman nakakalayo. Hawak- hawak ko ang isang strap ng bag ko habang ang isa kong kamay ay hawak ang shades ko.
'Grabe.. Ang cool pala nya.'
'Dyosang pak na pak! Witwew.'
Napangiwi nalang ako sa bakla na nagsalita. Gross.
Nakita ko sila na pumasok sa isang room sa dulo ng hallway ng building Lucid. Ang weird ng name ng building na to.
Pumasok na'ko doon at nakitang hinihintay pa nila ako. "Tagal mo, Icebaby." Tinignan ko lang ng masama si Bryan. Kaya pala ang tahimik kanina pa, nag-iipon lang ng lakas ngayon. Tss.
"So.. I'm glad na nadiscover nyo ang islang ito." Nakaramdam ako ng kakaiba nang marinig iyon. Tumingin ako sa nakatalikod na malaking swivel chair. Malamang na yung nagsalita ay yung taong nasa likod nun. Sino sya? Bakit may kakaiba akong naramdaman nung marinig ko yung boses nya? Hm.
"Thank you for a warm welcome, President." Magalang na tugon ni Vienne dito.
"Oo nga. Thank you sa pag-welcome, ah?!" My eyes just narrowed when I hear Bryan talk. Manners, dude.
"Hihi. President? May matutuluyan po ba kami dito?" May sense din pala ang pagiging maarte nito. Nice question.
"Of course you have. May I have your phones? So that I can send the app of the map of this island." Sinunod namin yun at ilang sandali lang ay meron na kaming app kuno.
"Ito yung mga sched. nyo sa school. You don't have to worry dahil lahat ng requirements sa school nyo ay naayos na. About sa shelter naman ay kukuha kayo ng unit. Syempre with your own money. I-check nyo nalang dyan sa app kung nasaan yung mga hahanapin nyo. And.. Go to the near parking lot. May naghihintay sa inyo." Mahabang litanya nya at tango lang naman ng tango itong mga kasama ko. Habang ako naman ay sinusuri ng tingin si Ms. Hera. Na ngayon at hindi man lang ako magawang tignan. There must be something. Hm.
"Pwede bang iwan muna namin itong mga gamit namin? You see, ang dami naming dala." Bored na sabi ni Spade. Gusto ko sanang ngumiti pero wag na lang. King of poker face kasi sya. Ako yung Queen. Tss.
"Oh that. You can leave it here. Balikan nyo na lang kapag nakakuha na kayo ng unit nyo. You may leave now. Magpapahinga na si Pres."
Iniwan na namin saka kami pumunta sa parking lot. Malapit lang naman at tanaw na tanaw kaya hindi na kami gumamit ng map.
Pagdating namin doon ay agad tumaas ang kilay ko sa nakita ko. Yung Porsche ko, nandito. Pati yung mga sasakyan nila Kirk nandito. How come?
"Woah. Ang cool. Nandito yung baby Chevrolet koo!" Si Flame.
"Yung Mercedes Benz ko." Si Spade saka sya ngumiti. Halata ang sigla sa kanyang mga mata. Other half nya na ang kotseng yan. Kotseng kaming dalawa ang pumili.
"Ferrari, dude!" Hyper na sigaw ni Bryan. Mukha syang monggi kapag hyper sya. Pwede bang magpaka- Silent type nalang sya?
----
Nakakuha na kami ng mga unit namin at as usual, share kami ni Kirk. Ang kaibahan nga lang ngayon ay kasama na namin si Spade. 3 beds kasi yung nakuha ko in one room.Sila Vienne at Flame naman ang magkasama sa katabing unit namin. Room 664 sila tapos kami Rm 665. Si AA naman at yung higad nyang boyfriend ay Rm 667.
Hinayaan ko silang magsama sa iisang kwarto dahil may tiwala naman ako sa kanila. Pag may nangyari. Edi go lang! Bahala na sila dun.
Sa ngayon, nakahilata lang ako sa kama ko which is in the middle. Ako ang pumili ng pwesto dahil ramdam ko talagang may tensyon kila Kirk at Spade.
Nagpahinga muna ako habang sila Kirk, kinuha yung mga gamit namin sa Private Room. (Yung room kung saan sila winelcome ni Mr.President.)
Sa tagal nilang bumalik at dahil na rin sa tahimik ng paligid ay nakatulog na ako. Dahil na rin siguro sa pagod. Hindi ko kase nakukumpleto yung tulog ko sa barko.
I can't wait for tomorrow.
-----------------------------
Hindi ko talaga kayang mag-UD more than 1000 words. So I think , aabutin to ng marami-raming chaps. Okay lang. Wala naman akong readers e. Huhu. So sad.Pero sana naman pag na complete na to magkaron na ko ng readers, noh? Hihi.
Lovely Demonice Perez on media. Gorgeous Lee Chaerin or CL is her portrayer.
xoxo.
-ReynaNiYoda
YOU ARE READING
Trapped in Lies: Devil's Obsession
AcciónSLOW UPDATE||Second ongoing story so I expect your cooperation in the matter of understanding. Genre:Action/Mystery/Thriller/Semi- Romance Trapped in Lies: Devil's Obsession by playingnumb61