SIBLING'S FATE (1 of 2)

2.7K 63 4
                                    

KIEFER'S POV

Hi I'm Kiefer Isaac Crisologo Ravena isang basketball player at team captain ng aming team. My friends call me Kief, panganay ako sa tatlong magkakapatid. Middle child namin ay si Ferdinand Crisologo Ravena III or Thirdy at bunso naman at unica hija si Danielle Theris Crisologo Ravena or Dani. Parents ko naman ay sina Ferdinand Ravena Jr. or Bong at Melissa Crisologo Ravena or Mozzy. Ang papa ko ay isang dating basketball player at ngayon ay isang assistant coach sa isang team sa PBA. Ang mama ko naman ay isang dating volleyball player at ngayon ay isang commentator sa UAAP at SVL. May girlfriend din ako, ang name niya ay si Michele Theresa Imperal Gumabao, isang volleyball player at captain din sa team niya. Seryoso naman ako sa kanya pero iwan ko ba, parang may hinahanap pa ako kaya hindi ko masasabing siya na talaga ang pakakasalan ko. Mas matanda siya sa akin ng isang taon at isa yun sa dahilan kung bakit kami nag-aaway, gusto niya kasi akong kontrolin at diktahan, kaya minsan nakakasakal at nakakasawa pero everytime naman na nagtatampo ako ay nagiging malambing siya. Isa rin sa mga pinag-aawayan namin ay time, since pareho naman kaming athlete akala ko maiintindihan niya ang schedule ko gaya ng pag-intindi ko sa schedule niya. Pero mali ako dahil lagi siyang nagde-demand ng malaking time na hindi ko maibigay lalo na at playing season namin. Tuwing off season lang talaga ako nagkaka-oras ng malaki sa kanya pero di niya maiintindihan yun or shall I say hindi siya marunong umintindi, minsan pinagdududahan pa akong may ibang babae. Gaya na lang ngayon, kasasakay niya pa lang sa kotse ko pero ito, inaaway niya na naman ako habang bumabiyahe papunta sa kanila.

Michele: Bakit ngayon ka lang ha? Hindi mo ba alam na kanina pa natapos ang training namin? Bakit ngayon ka lang dumating? Namuti na mata ko sa kakahintay ah, siguro nambabae ka pa ano?

Kiefer: Babae na naman Mitch? Sa dami nang pinagdududahan mong babae ko eh makakabuo na ako ng basketball at volleyball team ah.

Michele: Wag ka ngang pilosopo? Bakit ngayon ka lang? SAGOOOOOTTTTT!!!!!

Kiefer: Pwede ba wag kang sumigaw? Hindi ako bingi, tsaka nakakahiya sa mga nakakarinig.

Michele: Eh nahihiya ka pala, eh di sana inagahan mo. Tsaka sino ang makakarinig eh dalawa lang naman tayo dito sa kotse mo? Unless may tinatago kang babae rito?

Kiefer: Mitch ano ba! Wala akong itinatagong babae, kahit baliktarin mo pa 'tong kotse ko. Pinapatigil lang kita sa kakabunganga mo, tsaka hindi lang ikaw ang may training, ako rin. Alam mo naman na late kaming matatapos di ba? Sana ikaw na lang pumunta sa akin o di kaya, nauna ka nang umuwi.

Michele: Puntahan ka? Hoy Kiefer alam mong pagod ako sa training.

Kiefer: Bakit ikaw lang ba pagod sa training? Di sana nauna ka na lang umuwi.

Michele: Para ano? Para makapambabae ka?

Kiefer: Wala nga akong babae ano bah.

Michele: Kung wala eh bakit ayaw mo akong sunduin? Hoy obligasyon mo yun bilang boyfriend ko.

Kiefer: Kaya nga nandito ako di ba?

Michele: Ang sabihin mo napipilitan ka lang.

Hindi na lang ako nagsalita para hindi na humaba ang argumento. Pagdating namin sa kanila ay agad siyang bumaba.

Michele: Hindi ka ba papasok?

Kiefer: Hindi na.

Michele: Kief naman, konting oras nga lang tayo nagkasama oh.

Kiefer: Pagod ako Mitch okay. Tsaka kung hindi ka lang nang-aaway eh di sana nakapag-spend tayo ng quality time kahit maikli.

Michele: Ano papasok ka ba o hindi?

KIEFLY ONE SHOTS (A Collection of KiefLy One Shot Stories)Where stories live. Discover now