AUTHOR'S NOTE
Ang kuwentong ito ay umiikot sa buhay pag-ibig nina Bong & Mozzy Ravena at nina Ruel & Lita Valdez. Tandaan na ang lahat ng ito ay gawa lang ng malikot kong isipan at hindi totoong nangyari. Kung may pangyayari man sa kuwentong ito na may pagkakahalintulad sa tunay na buhay, ito ay nagkataon lamang.
RUEL'S POV
Tondo, Manila.
Lita: Oh Ruel ang aga mo naman atang aakyat nang ligaw?
Ruel: Mabuti na yung maaga Lita, mahirap nang maunahan ang dami ko pa namang karibal sa pag-ibig.
Lita: Wag kang mag-alala, binasted ko na lahat ng manliligaw ko para wala ka nang karibal.
Ruel: Puro ka talaga biro eh alam mo naman kung sino ang tinutukoy ko at hindi ikaw yun.
Lita: Aray ko naman, wag mo naman biglain ang pagbasag sa puso ko.
Ruel: Sira. Oh asan na siya?
Lita: Oo na, teka hintayin mo muna at pupuntahan ko.
Ruel: Sige salamat.
Ako nga pala si Ruel Valdez isang binata mula Batangas, pero kasalukuyang nakatira sa isa boarding house for boys sa dito sa Tondo. Malapit lang kasi dito yung pinagtatrabaho-an ko car company. Nandito ako ngayon sa boarding house for girls dito pa rin sa Tondo para umakyat ng ligaw sa mahal ko. Siya si Mozzy Crisologo, isang napakagandang dalaga mula Iloilo na tubong Rizal pero kasalukoyang nag-aaral at varsity volleyball player sa UST. Kahit mas bata siya sa akin ng anim na taon ay hindi yun naging hadlang para mahulog ang damdamin ko sa kanya. Maliban kasi sa maganda siya ay napakasipag at sobrang bait pa. Yung kausap ko kanina ay si Lita Caymo roommate ni Mozzy at nagtatrabaho bilang teacher sa isang exclusive private school. Madali kaming nagkasundo kasi una, magkaedad lang kami at pangalawa tulad ko, galing din siyang Batangas.
LITA'S POV
Pagpasok sa kuwarto namin ay naabutan kong nag-aayos si Mozzy.
Lita: Bihis na bihis ah, saan ang lakad?
Mozzy: Uy ikaw pala ate Lita, d'yan lang makikipagdate.
Lita: Date? Nako paano yan, nasa baba si Ruel dinadalaw ka.
Mozzy: Ano? Siya na naman?
Lita: Harapin mo muna sandali, total maaga pa naman.
Mozzy: Haayyy ano pa nga bah?
Napailing na lang ako nung padabog siyang lumabas ng kuwarto. Kawawa naman si Ruel, basted na naman. Kung ako lang sana ang pinormahan niya, hindi ko sana siya pahihirapan pa. Oo matagal ko nang gusto si Ruel pero si Mozzy ang gusto niya. Kaya lang, ayaw ni Mozzy sa kanya.
MOZZY'S POV
Pagkababa ko ay naabutan ko si Ruel na abot-tenga ang ngiti.

YOU ARE READING
KIEFLY ONE SHOTS (A Collection of KiefLy One Shot Stories)
FanfictionThis is a collection of different KiefLy Stories. The stories are purely came from the imagination of the author which means no stories are being copied from another author's stories. If any of this stories are similar to a real life event or to any...