THE IMPATIENT PATIENT Part E

1.5K 39 3
                                    

KIEFER'S POV

Habang hinihintay ko sina Ly at Jheck sa parking area ay biglang sumulpot si John Vic.

John Vic: Pwede ba tayong mag-usap? Hindi bilang doctor at nurse at hindi rin bilang employer at employee kundi usapang lalaki sa lalaki.

Kiefer: Sure tungkol saan ba 'yan.

John Vic: Saan mo dinala si Ly kagabi?

Kiefer: Woh! Woh! Woh! Sandali! Sandali ha, sandali! Ano 'to interrogation? Wala kang pakialam kong saan kami pumunta kagabi.

John Vic: May pakialam ako.

Kiefer: Siguro nga may pakialam ka, pero wala kang karapatang mangialam. Tsaka bakit ka nagtatanong ng ganyan? Ano ka ba niya? Boyfriend ka ba niya? Hindi naman di ba? Si Ly pa mismo nagsabi sa'kin n'on.

Halata sa mukha ni John Vic ang pagkabigla at pagkapahiya sa sinabi ko. Pero mabilis din siyang nakabawi.

John Vic: Hindi nga. Sino ba naman nagsabi sa'yong boyfriend niya ako?

Kiefer: Walang nagsabi sa'kin pero yung mga kilos ko halata. Daig mo pa boyfriend kung umasta.

John Vic: Well hindi ko na kasalanan kung ganon ang interpretasyon mo sa amin.

Kiefer: Bakit hindi b totoo? Hindi ba totoo na feeling mo, boyfriend ka ni Ly? Hindi ba totoo na gusto mo siya at umaasang balang araw ay masusuklian niya ang pagmamahal mo? Kung sasabihin mong hindi yun totoo, well niloloko mo ang sarili mo.

John Vic: Oo inaamin ko, gusto ko siya. Hindi lang gusto kundi mahal ko siya, mahal na mahal. College pa lang kami mahal ko na siya at oo tama ka. Umaasa nga ako na balang araw ay matututunan niya rin akong mahalin. Malapit na sanang mangyari yun pero parang mapupurnada dahil dumating ka at pumapel.

Kiefer: Pumapel? Mas nauna ako sa buhay niya kesa sayo. Bata pa lang kami, magkasama na kami.

John Vic: Pero iniwan mo siya. Ako yung nandon sa mga panahong wala ka. Ako ang pumuno sa pagkukulang mo.

Kiefer: Oh eh di ikaw ang pumapel. Ayokong iwan siya pero wala akong choice. I have to sacrifice for our future kaya napilitan akong iwan suya.Pero pare hindi sa lahat ng panahon nung iniwan ko siya ay nandon ka. In between grade school at high school namin nung iniwan ko siya at college na kayo nagkakilala.

John Vic: Pa'no mong nalaman?

Kiefer: She told me. She told me everything. Wala kaming lihim sa isa't-isa. Sinabi niya ring dahil sa'kin kaya kayo naging malapit na kaibigan.

John Vic: Ano?

Kiefer: Kaya kayo naging malapit na magkaibigan ay dahil nakikita niya ako sayo. Marami raw kasi tayong pagkakatulad kaya ganon. Kaya everytime na magkasama kayo, it's not you but me that she see. So i hate to be the one to burst your bubble but the way see it, there is no "you and her" but it's just and will always be just "me and her".

John Vic: No hindi totoo yan. Nagsisinungaing ka ang, hindi totoo yan.

Kiefer: Wake up pare walang "kayo" at hindi magiging "kayo" dahil "kami na".

John Vic: Tarantado ka.

WOOSSSHHHH! WOOSSSHHHH!

Mabilis kong naiwasan ang suntok ni John Vic at gumanti na rin.

Kiefer: Ah suntukan gusto mo ha. Uummm! Uummm!

BIISSSHHHHKKKKK! BIISSSHHHHKKKKK!

ALYSSA'S POV

Naglalakad ako patungong parking area nang mapansin ko si Jheck kaya kinalabit ko.

KIEFLY ONE SHOTS (A Collection of KiefLy One Shot Stories)Where stories live. Discover now